Chapter 72

66.6K 1.1K 108
                                    

Jessielie's POV

"Mommy. I am scared."-Bulong ni Clancey habang yakap-yakap ang bear niya, andito ako sa kwarto para makatulog na sila dahil gabi na rin. Hindi pa naman kami umuuwi dahil mejo malayo ang bahay mula rito, tska gusto ko ring makasama si tita kahit sa isang linggo lang. 

Hinalikan ko naman sa noo si Clancey at pati na rin ang dalawang kapatid nitong tahimik lang dahil inaantok na rin. 

"Bakit naman baby?"-Malambing na tanong ko. Hinawakan naman ng maliliit na kamay nito ang magkabilang pisngi ko. 

"Because we're here in the funeral and lola i-is dead. One of our family left us and I am scared."-Naluluhang lintanya niya, ginitian ko naman siya at pinisil ang ilong niya.

"Don't be scared baby, Zane and Lincoln are here and they are here to protect you. You also have me and daddy, tita and lolo, even your cousins are here, so don't be scared okay? Sleep for me now baby."-Malambing na sabi ko tska sila kinumutan. Tumango-tanngo naman si Clancncey tska kami ng goodnight sa isa't isa.

Tahimik akong naupo sa likod nang matanaw ko sina Zig at ang ate niya, nasa pinaka-unahan sila at tahimik na naka-upo, mula rito sa pinaka-likod ay kitang-kita ko ang pag-galaw nila kahit pa nakatalikod sila sa akin, kitang-kita ko kung paano nila pahirin ang luha sa mga mata nila. Ang ate niya ay naka-sandal sa balikat ni Zig. Naramdaman ko rin ang pag-tulo ng luha mula sa mga mata ko. Napatingin rin naman ako kay papa na naka-titig lang sa kabaong ni mama. Napaluha ako at napa-isip, paano kung agad-agad kong pinuntahan si tita nung mga oras na iyon? Andito pa rin kaya kami? O kung hindi nangyari ang ganito, tuloy pa rin kaya ako sa paghihiganti ko?  Mahaba at malakas ang pinakawalan kong buntong hininga tska pinahid ang luha sa pisngi ko. 

Hindi man ako ang namatayan pero pakiramdam ko ako ang nawalan. Napaka-hirap isipin na ang taong pinaghihigantihan mo at pinaplano mong patayin sa isip mo ay nakahiga na ngayon at wala ng buhay. Napa-takip ako sa mukha ko at napahagulgol. Pero kahit anong gawin kong hagulgol dito ay wala silang pakialam, marahil alam nilang lahat ang katayuan ko sa buhay ng mga Standford, at tama nga ako.

"Nakakainis siya ah! Nagawa niya pang umiyak ng ganyan!"

"Ibang klase!"

"Tsk! tsk!"

Hindi ko na ginawang lumingon sa likod, alam kong ang mga pinsan yun ni Zig. Ito na ang pangalawang gabi namin dito sa punenarya at simula kahapon ay nakakarinig na ako ng mga ganyang usapan. Hindi man lang ba nila inisip na noong una ay ako na ang nasasaktan at hanggang ngayon ay nasasaktan pa rin? Ahh, wala nga silang pakialam sa akin diba? Tss.

Kahit anong pahid ko sa pisngi at mata ko ay patuloy pa rin sa pag-hulog ang mga luha ko. I feel depressed. Iisa lang ang kailangan ko, kailangan ko iyon ngayon. Tumayo ako at nag-tungo sa labas para hanapin iyon, at nang makabili ako ay nagtungo ako sa veranda ng chapel, wala namang nagpupunta dito, maliban ako. 

Binuksan ko ito tska nag-sindi ng isang stick, tska bumuga. Yes, naninigarilyo ako, nag-umpisa ako nung nasa ibang bansa palang ako, you can't say that I am addicted dahil hindi naman ako morning and evening routine, ginagawa ko lang ito kapag depressed ako, at hindi kapag bored or trip ko lang. Napatingin ako sa kawalan, napaka-daming ilaw, ano kaya ang ginagawa ng mga tao sa bawat bahay na iyan? Meron din kayang katulad ko na nakararanas ng ganito? Kung meron man, sana makayanan natin ito. Napatingin ako sa mga bituin tska muling bumuga. Nilagay ko sa ash tray ang yosi ko tska muling nag-sindi ng isa pa, ng isa pa, ng isa pa at ng isa pa. Sunog baga? Tss.

Pero nasa kalagitnaan na ako ng 5 kong stick nang may umagaw sa yosi ko.

"Kailan ka pa natuto nito?!"-Malakas na sigaw niya sa akin, nanlaki ang mga mata ko pero dali-dali ko ring inayos ang sarili ko, nakatingin pa siya ng masama tska pinatay ang yosi sa ash tray.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon