Chapter 78

50.6K 774 44
                                    

Jessielie's POV

Parang mapupunit na ang labi ko sa ngiti. Andito na kami sa airport at may nag-hihintay ng van para salubungin kami at dalihin sa kung saang resort man yan. 

"Grabe dad I miss this place, tara na para makapag-pahinga na rin, pagod itong mga bata sa biyahe."-Lintanya ni ate, buhat nito si Lincoln, ako kay Clancey at si Zig naman si Zane.

Nag-tungo na kami sa van para maihatid na kami, katabi ko si Zig dito sa likod.

"Mommy, are we going to ride again? I am tired."-Pagod na sabi ni Clancey kahit pa naka-pikit ito. I gently tap her hips to make her fall asleep.

"We'll be there soon baby okay?"-Pag-aalo ko rito. Hindi na siya nag-salita at tuluyan nang natulog.

"Are you happy?"-Napalingon ako kay Zig tska matamis na ngumiti.

"Very."-I answered, he giggled and kissed my forehead. Sumandal ako sa balikat niya at ipinikit na rin ang mga mata.

Matapos ang isang oras na biyahe, huminto na ang van at sumisigaw na si ate sa sobrang excite at saya, nagising pa nito si Lincoln na ngayon ay tuwang-tuwa na rin. Lumabas na sila na todo ang talon, sumunod naman kami ni Zig. At nang maka-labas ako bumungad sa amin ang napaka-gandang mansiyon, yeah para siyang mansiyon but you can see the resort ambiance in it, ginawa talaga siya like a 'home'.

Isa ring nakakapagpaganda rito ay ang napaka-laking fountain sa gitna, na kulay blue ang inilalabas na tubig. Hindi lang siya isang simpleng fountain na nakikita mo sa kung saan, this one is different. It is gorgeous. 

"Kyaah! Ang ganda rito mare!"-Napalingon kami sa bagong dating, ang mga kasambahay namin.

"Lala at Angelie?"-Tuwang-tuwang pag-tawag ko sa pangalan nila. "Bakit hindi kayo sumabay sa van namin?"-Takang tanong ko.

"Eh kasi po, yun ang request namin kay sir."-Bulong ni Angelie at itinuro si dad. Kunot noo ang sisinagot ko sakanya kaya napatawa siya.

"Alam mo yun, living a luxurious life, kaya sinabi naming sa ibang sasakyan kami."-Pag-kkwento ni Angelie tska humalakhak. Napatawa at napailing nalang ako, lahat kami ay sobra ang excited.

"Pero syempre po, kahit andito kami, mag-aalaga pa rin kami sa mga bata."-Nakangiting saad ni Angelie at kukuhanin na sana si Clancey sa kamay ko pero pinigilan ko siya.

"No. Hindi na kailangan, andito kayo para rin mag-enjoy."

Ngumiti si Angelie tska maingat na kinuha sa akin si Clancey. "Ma'am, hindi naman po dahil sa andito kami ay puro kami relax, syempre kailangan pa rin namin alagaan ang mga bata. Kaya sige ni ma'am, okay lang tska mag-eenjoy rin kami. Don't worry."-Nakangiting sabi ni Angelie. Ngumiti ako at tinapik ang balikat niya.

"Salamat Angelie."

"Hoy Jessie halika dito!"-Malakas na sigaw ni ate, nagpaalam muna ako kina Angelie tska nilapitan sina ate at Zig na ngayon ay nasa fountain, tska kami kumuha ng litrato.

"Jess come here. Read it."-Pagyaya sa akin ni Zig, nasa tapat siya ng isang stand na nasa gilid lang nitong fountain. Lumapit ako at binasa ang naka-ukit roon.

'Ocean House was built and was shown to the public at the date of February 14, 2014. This was built by Aloha Aloha and with the partnership of Prince Angelo Winchester.'

"The owner of this ocean house ia a genius, parking lot pa lang nakaka-excite na."-Kinikilig na sabi ko kaya napatawa siya at muli akong hinalikan sa noo.

"Pasok na tayo! Everything is settled."-Sigaw ni ate mula sa entrance kasama si dad.

Pumasok na kaming lahat at grabe ang pagkaka-amaze of course. Pagpasok mo, may bubungad sa'yong napaka-laking hagdan, pero rito sa may lobby area, may terrace sa dulo, this might be the place for the ocean and for the pool. Hinawakan ni Zig ang kamay ko at nag-tungo sa kuwarto namin dahil hawak na pala nito ang key card namin. 

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon