Chapter 6

115K 2K 47
                                    

Jessie's Point of View

Lumabas kami ni Tita Ellis at tinahak ang daan patungo sa garden.

"Alam kong hindi mo ako kilala at mas lalo naman ang anak ko. Wala kang kaalam-alam ni kahit isang bagay sakanya at sa kung ano man ang nangyayari sayo ngayon. At higit sa lahat, alam kong hindi mo naman siya mahal. For a girl, ang gusto nilang pakasalan ay yung makakasama nila habang buhay."

"But Jessie. Can you do this? Baguhin mo ang anak ko?"

Nagpapatawa ba ang isang ito? Pambayad ako at ako naman bilang isang taong pambayad, gagawin akong isang babaeng babaguhin ang isang tao? Ano ako anghel!?

"Tita, nung nakita niya nga po ako, galit na siya eh. Tita hindi ko kayang gawin yang sinasabi niyo. Kahit na isa akong pambayad dito hindi naman nararapat ---"- Sabi ko.

"Pambayad? Ano ang ibig mong sabihin?"- Nagtatakang tanong ni Tita.

"Ang sabi ni mama, pambayad lang raw ho ako ng utang dahil ---"

"Iha lahat ng magulang mahal ang anak nila, they just do bad things for a reason. Nandito ka dahil sa pakiusap ng ama mo."-Tita Ellis.

"Hindi ko po kayo maintindihan."
- Wala talaga, nakaka gago.

"Your mom is sick iha, she has cancer."

"Ayaw niyang magpagamot, nag-presinta ang papa mo na siya ang magbabayad ng bills, magpa gamot lang raw ito pero hindi siya pumayag. Huli na raw para sa pagpapagamot pa. Hindi ka niya bayad iha, ginawa niya iyon dahil wala ng mag-aasikaso sainyong magkakapatid. Ibinigay ka niya sa papa mo, hiningi niya ang pagsang-ayon ng iyong ina upang ipakasal ka kay Zig dahil sa pag-asang baka mabago mo siya. Kilalang-kilala ka ng papa mo iha, marahil isa yan sa rason kung bakit ikaw ang napili niyang ipakasal kay Zig."

Naramdaman ko nanaman ang paninikip ng dibdib ko katulad ng naranasan ko nang ibingay ako ni mama doon sa lalaki na sumusundo sa akin. Si mama, may sakit? Bakit hindi niya man lang iyon sinabi sa akin?

"Ayaw niyang may mahirapan sa inyong magkakapatid, kaya tinago niya nalang ang katotohanang may sakit siya. Sa totoo lang hindi kaagad pumayag ang mama mo sa planong pagpapakasal pero sa huli, pumayag siya. Para sa future mo."

Future? Inisip ni mama ang future ko? Eh ang saki-sakit na sa puso ang mga nangyayari ngayon, ano pa kaya sa magiging future ko? Ganunpaman, hindi ko magawang mainis ngayon sa mga katangahang nalalaman ko dahil nangingibabaw ang pag-aalala ko kay mama.

"Tita kahit po magpakasal kami ni Zig, ganun na po talaga siguro siya. Darating din naman po yung time na magbabago siya, kahit hindi ko siya pakasalan."- Asik ko.

"One question iha. Papakasalan mo ba siya?"

Umiling ako. "Hindi ko ho kaya."

Para siyang pinag-bagsakan ng langit at lupa dahil sa sagot ko. Base rin sa nakita ko kanina, wala ng pag-asang magbago pa ang anak nila. Doctor ng mental ang siyang mag-papabago rito at hindi ako na isang simpleng babae lang na nadampot sa tabi-tabi.


LUMABAS ako upang magpahangin sa labas nang makita ko si papa sa terrace at umiinom. Kaya agad ko siyang nilapitan.

"Pa."- Normal na pag-tawag ko rito. 

"Oh iha. Hindi ka ba makatulog?"

"Sa dami nang nangyayari sa buhay ko, hindi po eh. Ang simple na ng buhay ko, bakit ho nagulo pa?"- Hindi siya nakasagot at tumahimik nalang. Naging tahimik ang paligid at nakatingin lang ako sa kalangitan na puno ng makikinang na bituin, ang pinaka-magandang alahas sa balat ng lupa, ang kagandahan nito ay mas higit pa sa pinaka-mahal na alahas ngayon. This is the jewelry of the Earth and no one can buy it, even the biggest billionaire on Earth. 

"I have something to tell you."- Biglaang pag-basag ni papa sa katahimikan, nilingon ko siya.

"Ano po yun?"

"Alam kong nasabi na ng tita mo ang tungkol sa kondisyon ng mama mo. Nasa hospital siya ngayon at mas makakabuti kung dadalawin mo siya bukas."

Sa sinabing iyon ni papa, pakiramdam ko nabawasan ng timbang ang problemang pinapasan ko sa mga balikat ko.

"It's my promise, yung mga kapatid mo ay nakakapag-aral na ng maayos. Makikita mo na rin sila bukas."- Mas lalo tuloy akong naasam na makita sila dahil sa mga pinag-sasasabi ni papa.


HINDI ko maramdaman ang pagka-inis at galit kay mama ngayong nagkakatitigan kami. Nilapitan ko siya at niyakap siya ng napaka-higpit.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin ma?!"- Asik ko sakanya tska humiwalay sa yakap na iyon.

"Ayaw kong malungkot ka."

"Eh ano ako ngayon?"

Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito. "Musta na ang dalaga ko, hmm?"- Na miss ko ang boses niya.

"Alam mo bang dinala ako sa isang 5 star restaurant at nakaka-irita dahil puro sila mga bigatin! Pero fine! Sige na, dahil wala akong pera kaya ako bitter."- Natatawang sinundot ni mama ang tagiliran ko.

"Ikaw bata ka! Hindi ba't sinabi ko sayo na kailangan mong ibagay ang sarili sa publiko. Eh ano pala kapag sa karinderya ka dinala? Edi masaya ka at pwede ka ng dalhin sa mental dahil sa over joy, ganun ba?"- Napatitig ako kay mama dahil sa pag-patol niya sa joke ko. 

"Nakilala mo na ba ang mapapangasawa mo?"- Napatigil ako sa pag-tawa ng marinig ang sinabi niya. Ang pag-tanong na iyon ni mama ay labas sa ilong. 

"Hindi ko ho yun tinanggap. Hindi ako magpapakasal sa isang taong hindi ako at ko mahal."

"Jessie ---"

"Ayaw ko ho mama. Hindi ako payag sa gusto nilang mangyari, babaguhin ang anak nila? Malabo iyong mangyari ma. Hindi ako ang kailangan, kundi doctor o baka albularyo."

Napatingala naman ako kay mama ng iniaabot nito sa akin ang isang brown envelope. Tinanggap ko iyon at binuksan. Binasa ko ang bawat naka-sulat rito at nanlumo ako sa nabasa, sunod-sunod ang pag-patak ng luha mula sa mga mata ko.

"Papayag ka na, hmm?"

Pinalis ko ang luha ko at umiling. "Ayaw ko. Paano kung saktan niya ako? Hindi ko pa kilala ang taong yun."

"Kung papayag ka at mamamatay na ako ngayon ay magiging masaya na ako. Bakit? Dahil alam kong nasa poder ka na ng iyong ama. Magiging ---"

"Edi ampunin niya nalang ako! Ma, ayaw ko ng kasal."- Nagsi-agos na muli ang mga luha ko.

"Si Ellis. Hindi magiging maganda ang pakikitungo nun sayo kaya gusto ko, pakasalan mo na rin ang anak nila para maka benefit ka rin ---"

"Ma! Wala akong pakialam sa pera nila. Kahit mag hirap lang ako, oaky lang basta ang makakasama ko ay yung taong totoo at mahal ako. Katulad mo."- Muli kong naalala ang resulta ng tests niya rito sa hospital. 

"Hindi ito sa pera anak, para ito sa future mo. Yun ang nasa isip ko ngayon, yun lang at wala ng iba."- At hanggang ngayon, ang future ko pa rin ang nasa isip niya.

"Have courage and be kind."- Mahina kong pinalo si mama at natawa.

"Ano to cinderella?"- Natatawang tanong ko sakanya pero ginantihan niya ako ng tawa. Muli kaming naging seryoso. Hinawakan ng dalawang kamay ni mama ang nag-iisang kamay ko.

"Hindi kita ipinapamigay at hindi na rin ako magtatagal. Sumama ka na sakanila."- Tinanguhan niya ako habang naka-ngiti siya. 

"Aray!"- Malakas na sigaw ko ng may kumagat sa bewang ko.

"Pau!"- Tumatawa ang dalawa na nakipag-yakapan sa akin.


~CM~






Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon