Chapter 44

71K 1.1K 132
                                    

Jessielie's POV
"Are you okay?"-Tinignan ko si Vanessa na naka-kunot ang noo habang naka-titig sa akin.

Umiling ako tska tumingin sa kalangitan para pigilan ang luhang gustong kumawala sa mga mata ko.

"Is it about Zig?"-Tanong niya sa akin.

Tumango ako na parang wala sa sarili.

"I don't want to interfare or ask you the reason why you're not okay. But talk to Callie about it, it might help you lessen your problem. Anyway I asked you to come see me to give you this."-Sabi ni Vanessa tska inabot ang brown envelope na agad ko namang linuha at binuksan. Binasa ko ang naka-sulat dito at napa-kunot ang noo.

"Confidential? Anong ibig sabihin nito?"-Walang kabuhay-buhay na tanong ko.

"It means sekreto ang pangalan na iyan. Na kahit ang bangko ay hindi makakasagot kung sino man ang taong nag bigay nung pera para sayo. And I'm sorry Jessie dahil wala na akong ibang lead, meaning hindi mo na mahahanap yung tao unless siya na mismo ang lalapit sayo."-Malungkot na paliwanag ni Vanessa. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig. Dalawang masamang balita na ang naririnig ko ngayon.

"Hindi ko na alam gagawin ko. Gusto ko ng lumayo, gusto ko ng lumayo sa mga taong pauli-ulit akong sinasaktan."-Malungkot na sabi ko.

"Jessie, huwag ka munang panghinaan ng loob. Isipin mo muna kung ano ang dapat mong gawin."-Sabi ni Vanessa. Tumayo naman ako at hinarap siya.

"Sige Vanessa. Papasok na ako sa klase ko. Salamat sa tulong mo ah? Ang bait mo pala, sana magkaayos na kayo ni Callie. Sige, see you around."-Pagpapaalam ko tska umalis. Hindi muna ako papasok, pupuntahan ko kung saan naka-libing ang mama ko at doon mag-iisip.

***
"Saan ka galing!?"-Nagulat ako sa isang sigaw mula sa likod ko. Lumingon ako at nawalan ng gana nang makita ko siya. Si Zig.

"Pagod ako."-Mahina at maikling sabi ko dahil pakiramdam ko may lalabas na luha mula sa mga mata ko.

"Pagod? Saan ka ba galing? You were also absent!"-Sigaw niya sa akin.

"Sorry. Hindi na mauulit."-Mahinang sabi ko tska tumalikod pero hindi pa ako nakakalakad nang may humila na sa braso ko at pinaharap ako sakanya.

"What the hell is your problem!?"-Malakas na sigaw niya sa akin.

"Zig. Wala akong problema. Pwede ba? Bitawan mo ako."-Sigaw ko pabalik.

"What the -- Did you fucking drink!?"-With that, I suddenly laughed like an idiot.

"Oo. Bakit? Masama ba?"-Tanong ko nang nakataas ang kilay. 3:00 ako nag-umpisang uminom at 8 pm ako umuwi. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at uminom ako. Siguro ay dahil sa nalaman at nakita ko ngayon.

Nakita kong napa-hilamos siya sa mukha niya. Nakatingin ako sa mukha niya at nararamdaman ko nanaman yung sakit.

"Matutulog na ako."-Malumanay na sabi ko tska tumalikod.

"Fine."-Rinig kong sabi niya kaya tinungo ko na ang kwarto namin at pumasok sa banyo at doon muli ako nagumpisang ilabas lahat.

Zig's POV

Ininom ko na ang pang-huling wine na nasa bote tska pumasok sa room namin ni Jessie. Naupo ako sa edge ng kama at nilingon siya. She's so innocent pero natuto siyang uminom because of what? I don't like it when she drinks or gets drunk. Kinumutan ko ang katawan niyang hindi nabalutan ng kumot.

***

"Zig. He's Sean?"-Tanong ni mama ng pinakita ko ang picture ni Sean sa cellphone ko. Yeah, kakasabi ko lang, she's my mother and I don't want to keep things from her. Sean's part of the family and of course mama too kaya dapat niya ding malaman.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon