Epilogue

83.2K 1.4K 271
                                    

 Ito na girl! Thank you so much <3


Zig's POV

Natatandaan mo pa ba kung paano kami nag-umpisa? Sinaktan ko siya pero minahal niya ako, tiniis niya ako at higit sa lahat nagpaka-martyr siya para sa akin. Naging mahirap ang lahat para sakanya, madaming pangyayari ang sumira sa aming dalawa. Pero kahit ano pa ang nangyari ako pa rin ang nasa puso niya at sa bandang huli mahuhulog din ako sa puso ng asawa ko.

Sa mga taong nagmamahalan, maraming pag-subok ang darating, hindi mo alam kung kailan at kung ano. Basta nalang itong darating sa buhay niyo lalo na sa mga oras na masaya kayo. Pero ang mas masakit ay matapos lahat lahat ng pinagsamahan niyo, wala na kayong mgagawa kung hindi ang mawalay sa isa't isa.

 Alam niyo ba yung Romeo and Juliet na gawa ni William Shakespeare? In the end namatay silang dalawa pero at least noong nabubuhay sila, naramdaman nila ang pagmamahal ng isa't isa at natuto silang lumaban para sa isa't isa. 

Marahil may mga nabasa na kayong nobelang nagbigay sa inyo ng sakit at lungkot, it's either hindi nagkatuluyan yung bida, namatay yung lalaki o namatay yung babae. 

Masaya akong nakatitig ngayon sa hawak-hawak kong baby. Kamukhang kamukha niya si Jessie.

"Dad. I want to carry her." Excited na saad ni Clancey. "Nah, mabigat si baby. Kiss mo nalang si baby tapos bubuhatin mo na siya kapag malaki ka na." Tumalon talon siya at hinalikan si baby. Hawak hawak ni Zane ang maliit na kamay na baby at habang si Lincoln naman ay pinaghahalik-halik ang maliliit na paa ni baby.

Nasa ganuon kaming posisyon ng dumating si dad at ate Zienna kasama ang boyfriend niya, dala-dala nang mga ito ang pagkaing pagsasaluhan namin maya-maya. Inilapag ng mga ito ang gamit at agad na nilapitan si baby. 

"Kamukhang kamukha niya talaga si Jessie." 

"Hindi ako dad?" Natatawang tanong ko. 

"Kuhang kuha ka na ni Zane oh pati ang ugali mo nakuha." Iiling-iling na saad ni dad. 

Sobrang saya ko sa pagkakataon na ito. Tinitigan ko si baby at hinalikan sa noo. Ito ang unang pagkakataon na naka-hawak ako g isang baby, sariling laman at dugo. Masaya at maayos na buhay na lang ang tanging hinihiling ko, wala ng iba. Napatingala ako sa langit at ngumiti "Thank you." I mouthed.







"Zig!" Dahan-dahan akong lumingon at bumungad sa akin ang napaka-ganda kong asawa dala-dala ang isang picnic bag, sumugod ang tatlo at agad siyang sinalubong. Hinalikan niya ang mga ito tska lumapit sa amin ni baby, binigyan niya si baby ng isang halik. Tinignan ko siya sa mga mata niya at hinalikan sa labi.

"Waah! Ang perfect na ng family natin! Ikaw Zig ha, huwag mo nang bubuntisin si Jessie, sobra ang takot ko nang mga oras na yun eh." Nakangusong saad ni ate Zienna, binatukan siya ng boyfriend niya at nag-umpisa nang mag-talo ang dalawa at talagang nag-habulan pa. Nag-mano siya kay dad tska siya lumapit sa akin at kinarga si baby.

Inakbayan ko siya at hinalikan sa noo. 

"Thank you Jessie for fighting and for not leaving me alone." I uttered.

"Hindi ba't sabi ko naman sayo kaya ko?" 

Inaamin ko hindi ako naging masaya noong mga panahong nagbubuntis siya, gusto ko nang alisin yung baby dahil natatakot ako na baka hindi makayanan ni Jessie at ikamatay niya ito. Dumating pa ang oras na lumala na ang lahat dahil nasabayan pa ng pagbubuntis nito ang pagkakaroon ng high blood, nahihirapan na siya pero katulad ng nangyari noong unang pagsasama namin, nakayanan niya ito at lumaban, hindi siya sumuko. Hindi nito naabot ang tamang araw ng panganganak nito dahil agad lumabas si baby, cesarian. Akala ko katapusan ko na pero nagkakamali ako binuhay Niya si baby at si Jessie, kaya sobra ang pasasalamat ko sakanya dahil hindi niya kinuha ang mag-ina ko.


Jessielie's POV

Diba sabi ko kaya ko? Kaya kong mag-buntis kahit pa ikamamatay ko ang buhayin yung baby? 

Lumaban ako at naging matapang, dahil gusto ko pang maging masaya kasama ang pamilya ko, kasama si Zig. 

"Picture taking muna tayo!" Sigaw ni Ate Zienna. Lumapit kami sa area kung saan mag p-picture taking. Naka-indian seat si dad, ate Zienna at ang boyfriend nito sa picnic cloth habang kami nina Zig ay nakatayo at siya'y naka-akbay sa akin, si Clancey ay nakatayo sa tabi ko at hawak hawak ang paa ni baby, si Zane ay buhat ni Zig at si Lincoln ay naka-upo sa lap ng boyfriend ni ate Zienna. 

Sabay sabay kaming ngumiti sa harapan ng camera at sakto naman ang pag flash nito.

Nilingon ko si Zig na siya ring naka-titig sa akin, inilagay ang ilang hibla ng buhok ko sa likod ng tenga ko. "Mahal na mahal kita."

"Mahal na mahal din kita." Masaya na ako, kaya alam kong masaya na rin kayo. Kasi matapos nang nangyari sa akin, sa huli, naging masaya naman ako. Marahil yun ang way ng tadhana para sa aming dalawa, pinag-tagpo kami sa kakaibang paraan pero sa huli katulad pa rin ng ibang love story, na sa huli mararamdaman namin ang pagmamahal, saya at ginahawa. Marami pa kaming pagdadaanan ni Zig in the future, alam ko yan pero sa nangyari sa aming dalawa, natutunan namin kung paano ang mag-tiwala sa isa't isa at kung paano lumaban para-ma save ang relasyon naming dalawa. 


Together we will fight, together we will trust each other and together we will be the same person you loved wile our story is on going, forever we will be.

She's my little piece of Heaven in this land full of Hell.

                                                                                  -Zig Stanford

 Every LOVE STORY is beautiful but OURS is my favorite.

                                                          -Jessielie Mendoza Stanford


This story ends here but for them this is still the beginning.

This story ends here but for them this is still the beginning

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

*Ang Pagtatapos*

All Rights Reserved

***

Waah! Complete na siya! Maraming salamat sa inyo! Hindi ko naman siya papatayin eh, kayo talaga. Na trauma ba kayo sa ginawa kong story? Well, masaya na sila in the end. 

Thank you so much sa lahat nang nag-support sa story na'to. Ito ang pangalawa kong story na na-complete ko. Milyon reads na siya nang dahil sa inyo. 

Please spread CrazyMedusa's story! Thank you all! Thank you so much.

Lovelots <3

Godbless! :)

@AnicaBlaze Twitter

DakilangCrazyMedusa Facebook


Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon