Chapter 85

54.9K 796 68
                                    

JazMin_0112 ito na po:) salamat sa pagbasa <3 Nababaliw ang watty, can't click dedication button, I'l try it tom, so tired kasi today hihi. Salamat salamat <3 J

Jessielie's POV

Malakas kong tinapik ang kamay ni Zig nang akmang hahawakan na ako nito, tska siya inirapan bago tuluyang umalis. Nilapitan ko si Zane at pinang-gigilan ang pisngi nito, halos mamula na ang pisngi nito at nang magtagal bigla nalang itong umiyak, agad-agad na tumakbo si Zig papunta dito at para buhatin si Zane.

"What happened baby? Ha?"-Nag-aalalang tanong ni Zig, ngumuso si Zane at pinahid ang luha sa pisngi niya tska ako tinuro. "She pinched my cheeks again." Pag-susumbong nito, tinignan ako ni Zig at ngingiti-ngiti pa ito. Kumulo ang dugo ko nang makita ko siya, nababanas ako sakanya! Naiinis ako sa mga kilos at lalong-lalo na yang pagmumukha niya! 

"Babe, palagi mo nalang pinang-gigigilan si Zane, ang pula pula na ng pisngi niya."-Natatawang pag-sisita ni Zig. Kinuha ko ang barbie doll ni Clancey na napulot ko lang dito sa tabi tska ibinato sakanya. Inismiran ko siya tska umalis. 

Nag-tungo ako sa kwarto namin ni Zig at pinag-tatapon lahat ng gamit niya. "Naiinis ako sa'yo! Bwisit ka!"

"Hey! Hey! Not again!" Sigaw niya ng mabungaran akong pinag-hahagis lahat ng gamit niya. Kinuha ko ang damit niya at hinagis sakanya at talagang sumakto pa sa mukha niya.

"Titigil ako kung dadalhin mo ako kay Gio!"-Malakas na sigaw ko sakanya. Napa-hilamos siya at tinignan ako na parang siya pa ang namomoblema. 

"Babe busy si Gio ngayon!"-Sigaw niya pabalik. Mas lalong nag-init ang ulo ko dahil sa sinagot niya, kaya pinag-hahagis ko na talaga lahat ng gamit niya. Pero mukhang naiinis na siya kaya hinawakan niya ang kamay ko at iniyakap sa bewang niya. "Oo na sige na! Dadalhin kita kay Gio only if you will behave." 

Sumilay ang ngiti sa labi ko na para bang nanalo ako sa lotto, tumango-tango ako at agad na nag-bihis ng isang maroon maxi dress at sandals.


NAPAHILAMOS si Gio nang makita ako. "Ikaw nanaman? Jess, ang sakit sakit na ng katawan ko okay?" Parang musika sa pandinig ko ang sinabi ni Gio kahit pa naiinis na ang mukha nito. Tumakbo ako, at sinisigaw na ni Zig ang pangalan ko pero hindi ko siya pinansin, nang makalapit na ako kay Gio, niyakap ko siya ng napaka-higpit. Lumapit naman si Zig na kumakamot-kamot pa sa ulo.

"Zig itali mo na nga tong asawa mo. Habang tumatagal nagiging magulo at makulit eh."-Gio.

"Pasensya na brad. Alagaan mo muna yang mag-ina ko, tang ina ayaw niyang magpahawak sa akin eh."

Humalakhak si Gio at tinanguan si Zig. "Huwag kang mag-selos pare, buntis eh, nag-lilihi tska ganito na to noon. Tiisin mo nalang muna."

Tinapik-tapik ni Zig si Gio sa balikat bago ako hinalikan sa noo at tuluyang lumabas ng bahay ni Gio.

"Grabe Gio! Miss na miss na kita."

"Grabe Jessie pagod na ako! Ang sakit sakit na ng pisngi ko oh." Pang-gagaya niya sa boses ko. Pero nginitian ko siya at pinisil ang pisngi niya, nang namumla na siya, binitawan ko yun at iniwan siya para mahiga saglit, inaantok ako eh.

Nahiga ako sa couch tska niya ako nilapitan, naupo siya sa paanan ko. "Kahit ako pa ang nilalapitan mo at kahit pa ayaw mo si Zig alam kong masaya pa rin yun dahil dinadala mo nanaman ang anak niya."

Ngumiti ako at tumango sakanya. "Naaawa nga ako sakanya minsan kasi nakikita ko siyang nalulungkot lalo na kapag hinahanap kita. Pero ewan ko ba, nabbwisit ako sa pagmumukha niya, parang araw-araw gusto ko siyang sapakin."

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon