Chapter 22

68.5K 1K 136
                                    

Jessielie's POV

Lumipas na ang dalawang taon joke lang 2 weeks lang hahaha ^__^

Lumipat na nga pala kami ulit ni Zig dito sa bahay namin. Choss.

Siguro ay dahil hindi siya maka-uwi ng babae doon sa bahay ng mama niya. At nag-uuwi nga siya ng babae dito sa bahay gabi-gabi. Hindi na kami nagtatabi sa iisang kama dahil nga sa nag-uuwi siya since nang bumalik kami dito at ito nga nakahiga ako sa kama I'm waiting for Zig. Ito ang routine ko every gabi, waiting for him to come home safely. 

Napabangon ako at sumuka sa CR. Napapadalas na nga itong pagsusuka ko, may sakit na yata ako. Bumalik kaya ang sakit ko? Hindi naman siguro. Nang matapos na ako sa pagsusuka uminom muna ako ng tubig.

Narinig ko ang tunog ng sasakyan ni Zig kaya dali-dali akong sumilip sa bintana. At ito nanaman, may kasama nanaman siya. Pero iba ang babae, hindi siya naka damit na kita ang kaluluwa. Maayos siyang tignan. Pumasok sila at nakita ako ni Zig.

"Kakain kami, ihanda mo ang lamesa."-Malamig niyang sabi.

Tumango ako at pumasok sa kusina.

Babae niya ba iyon? O pinsan niya?

Tinawag ko na sila nang matapos na akong mag-ayos. Nag-umpisa na silang kumain.

"Hmm. Ang sarap, ikaw ba ang nagluto nito?"-Sweet na tanong niya sa akin.

Ngumiti ako at tumango, panay ang pag-pupuri niya sa luto ko.

"She's my girlfriend."-Nakangiting sabi ni Zig habang nakatitig sa babae.

Biglang tumibok ang puso ng napaka-bilis. Parang may gustong lumabas sa mga mata ko, parang gusto kong saktan si Zig. Girlfriend? Girlfriend? Asawa niya ako anong pinagsasabi niya? Yung tipong gusto kong sabihin na may asawa siya at ako iyon. Seryoso ba siya sa babaeng ito? Siguradong hindi, at masasaktan lang yung babae sa balak ni Zig.

"Huwag mo ngang sabihin na gf mo ako."-Nakangiting sabi ng babae at binelatan niya si Zig.

Ngumiti naman ng sweet si Zig.

Hindi ko na kaya.

"Ahmm. Akyat na ako, iwan niyo nalang jan. Goodnight."-Nakangiting sabi ko at umakyat sa taas.

Sinubsob ko naman ang mukha ko sa unan at umiyak.

'Kelan ba ako titigil? Bakit kasi minahal ko pa siya? Edi madali nalang sa akin ang lahat.'

Naaasar ako sa sarili. Naaasar ako kasi umiiyak ako.

Matapos ang ilang minuto, inayos ko ang sarili ko. At lumabas, nang pababa ako sa stairs, nakarinig ako ng pag-uusap.

"Ihatid na kaya kita."-Zig

"Huwag na. Baka pagpunta mo doon, nakawin yung kotse mo haha."

"Tss. Okay. Basta mag-iingat ka okay?"-Zig

"Tss. Oo naman. Ako pa. Sige na late na. Uuwi na ako."

Sinilip ko sila at nakita kong hinalikan ni Zig ang babae sa noo.

"I love you."-Zig

"I love you too."

The girl left at hindi ko namalayan na nasa harap ko si Zig.

He stopped when he saw me.

"Please don't tell anybody or her that you are my wife. I can't lose her."-He said and left.

Napa-upo ako at umiyak.

"Bakit ba hindi mo ba ako magawang mahalin!?"-Sigaw ko at nilingon siya sa likod.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon