Chapter 45

69.1K 1.1K 62
                                    

Jessielie's POV

"Jusko iha!"-Napa-ingat ako ng tingin, hindi ko gaanong makita kung sino yung nag-salita dahil blurred ang paningin ko dahil sa luha na umaagos mula sa mata ko pero alam kong si manang Rose ito.

"Manang Rose."-Mahinang sabi ko tska siya niyakap.

"Jusko iha. Anong nangyayari dito?"-Malungkot na tanong niya. Humiwalay ako sa pagkakayakap sakanya tska niya pinunasan ang luha sa mga mata at mukha ko.

"Aalis na po ako dito. Lalayo na po ako."-Malungkot an sabi ko sakanya.

"Paano ka? Hindi mo ---"-Agad kong pinutol ang anumang sasabihin niya.

"Mas pipiliin ko pong mag-hirap dahil nag-iisa ako kaysa yung nag-hihirap ako dahil sa mga tao sa paligid ko na akala ko pamilya at kaibigan ko."-Makahulugan kong sabi tska ngumiti.

"Mauuna na po ako. Salamat."-Sabi ko tska yumukong nag-lakad papunta sa hagdan at bumaba.

Habang bumababa ako, naramdaman kong muli ang pag-tulo ng luha mula sa mga mata ko. Pero agad ko din naman itong pinunasan gamit ang likod ng palad ko.

"Look who's crying. Siya lang naman yung babaeng inggetera sa akin! Haha."-Napatingala ako sa taong nag-salita at walang iba kundi ang kapatid ni Zig. Napa-hinto ako sa pag-lalakad.

"Ano bang problema niyo?"-This time ayaw ko nang manahimik at makinig na lamang sa mga sasabihin nila. 

"Ohh. Matapang ka na?"-Nakangiting tanong niya at tulad ng ibang palabas, nameywang ito sa harap ko habang ang isang kilay nito ay naka-taas. Mas lalo akong nakaramdam ng galit at inis nang maalala ko kung ano ang sinabi at ginawa niya nang makunan ako. Ngumisi ako.

"Tanga ka? Nagtatanong ako sayo hindi mo masagot."-Simpleng sabi ko dahil hindi ako magaling makipag-away, oo trying hard nalang ako ngayon pero anong magagawa ko? Nang dahil sa pagiging mahina ko, mas lalo lang nila akong pinag-tatawanan at tinatapakan. Masamang labanan ang kapwa pero nahihirapan na akong paulit-ulit na sinasaktan. Kailangan ko din namang itayo ang sarili ko.

"Sumasagot ka na?"-Tanong niya.

"Bakit? Masama bang sumagot? Akala mo hindi na ako lalaban? Akala mo hahayaan ko lang kayo? No! Akala mo lang yun. You think you're the most powerful people around this globe? You think you're the best? Akala mo ikaw na ang edukado?"-Matigas at madiin kong sabi sakanya dahilan para magbago ang expression ng mukha niya.

"Ang kapal ng mukha mo! How dare you say those words to me?! How dare you question me?! Andito ka sa pamamahay ng mga magulang ko!"-She shouted at the top of her lungs. Sasagot na sana ako nang dumating ang mama niya. Nakaramdam ako ng pang-hihina at pakiramdam ko nalunok ko na ang sariling dila ko dahil hindi ako makapag-salita at naka-titig lamang sa mama niyang nag-lalakad papalapit sa akin. 

"How dare you!"-Sigaw niya tska ako malakas na sinampal.

"Madam!"-Rinig kong sigaw ni manang Rose tska agad na lumapit sa akin.

"Huwag ka ngang mangingialam jan Rose! Wala ka sa pwesto mo na sigawan ako!"-Sigaw ng mama ni Zig dahilan para mapa-tahimik si manang Rose. Gusto lang naman niya ako tulungan!

Inalis ko ang kamay kong naka-hawak sa pisngi kung saan ako sinampal tska ako tumawa ng pilit pero dahil sa ginawa ko mas lalo akong napa-iyak, lumabas muli ang luha ko. 

"Grabe! Sinong mas matanda sainyo ni manang Rose? Hindi ba't siya ang mas matanda sainyo? Gustong-gusto niyong nirerespeto kayo pero hindi niyo alam irespeto ang ibang tao! Alam na alam niyo kung saan niyo ipapasok ang anak niyo para maging edukado pero kung umasal kayo mas malala pa kayo sa taong hindi edukado!"-Sigaw ko sakanila.

"How dare you shout at me?!"-Sigaw ng mama ni Zig pabalik. Napatawa ako ng pagak.

"Eh ikaw?! Anong karapatan mo para sampalin ako?! Itong pesteng pamilya na ito ang nag-paramdam sa akin ng impyerno! Ang kakapal ng mga pag-mumukha niyo! Kasing kapal ng pera niyo!"-Malakas na sigaw ko at dadapo na sana ang palad ng mama ni Zig ng nag-salita ako dahilan para mapa-hinto nito ang kamay sa ere. 

"Sige! Sampalin mo ako! Yan lang naman ang alam mo!"-Sigaw ko tska tinignan ang kapatid ni Zig.

"Naaawa ako sayo, dahil may pamilya kang napaka-gulo. At may nanay ka pang walang alam kundi maging matapobre. At walang alam kundi ang magparami ng pera."-Malamig na sabi ko dahilan para manlaki ang mga mata niya dahil sa gulat. Pinunasan ko muli ang luhang tumutulo mula sa mga mata ko tska nag-lakad palayo pero huminto at lumingon din nang nasa tapat na ako ng pinto.

"Tandaan niyo ang mga pag-papahirap na pinadanas niyo sa akin. At higit sa lahat, huwag niyong kakalimutan ang batang pinatay niyo sa sinapupunan ko. Babalikan ko kayo at tuturuan ko kayo kung paano lumuhod at magmakaawa na patawarin ko kayo. Tandaan niyo ang pangalang Jessielie Mendoza dahil siya ang sisira sainyo."-Malamig at matigas na sabi ko. Pero mukahng hindi pa sila natauhan dahil ngumisi at tumaas lang ang mga kilay nila. Pero hindi ko nalang iyon pinansin at umalis na sa bahay ng mga taong pina-iyak at sinaktan ako, physically and emotionally.

***

Umiiyak kong tinahak ang kwarto namin. Kinuha ko ang isang maleta at pinasok lahat ng mga damit ko sa maleta. Pumunta ako sa kwarto ko dati at kinuha ang kahong tinago ko tska nilagay sa maleta ko. Pero ang puting sobre na na nasa loob ng kahon ay nilagay ko sa cabinet, sa ilalim ng damit ni Zig. 

Nang naayos ko na ang maleta ko, lumabas na ako sa kwarto dala ang maleta.

'Tuloy ka lang sa paglalakad Jessie. Huwag ka ng lilingon pa.'-Sabi ko sa sarili kaya hindi na ako lumingon pa at tinuloy-tuloy lang ang paglalakad.

Nang makalabas na ako ng bahay, naghanap ako ng taxi at nang makahanap, agad akong sumakay. Nilabas ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Gio, hindi pa ako nag-sasalita ng siya an ang sumagot.

"Meet me at the Heritage Mansion."-He said at binaba yung tawag, sinabi ko ito sa driver pero habang nasa biyahe, napaiyak nanaman ako. When will I stop crying?

***

"There's a room for you inside."-Napatingin ako sa taong nag-salita and saw Gio walking towards me habang naka-pamulsa. Nag-uunahan namang magsilabasan ang mga luha sa mata ko tska tumakbo papunta sakanya at mahigpit siyang niyakap.

"Ssh. I know what happened at alam kong kakailanganin mo na ang tulong ko para sayo kaya nag-handa na ako."-Sabi ni Gio habang hinahagod ang likod ko.

"Thank you."-Mangiyak-ngiyak na sabi ko.

"Diba nga sabi ko saiyo na andito ako palagi."-Gio said that made me cry harder. I thank God I have him as my friend. Hope I'll be fully save by him.

***

Itutuloy.. 



Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon