Chapter 24

68.7K 1.1K 115
                                    

A/N: This chapter is also dedicated to lirpaser226 - Natuwa po kasi ako sa comment mo hihi.

And kay Nylez10 naman, thank you for waiting at talagang i-rread mo pa? Hahaha salamat <3

At sa iba naman. Salmaaaaat sa pag-support. Sana tuloy tuloy talaga akong mag-update haha <3

***

Jessielie's POV

"Ugh.."-Napahimas ako sa tyan.

"Baby. Ang hirap naman ng morning sick pero I know it'll be worth it hihi."- Maisip ko lang na may baby ako I am so happy. <3

Tumayo na ako at nagpunta sa kusina para uminom ng tubig. Naalala ko yung nangyare kagabi. Siguro kung puno ng pagmamahalan ang nangyari kagabi siguro ako na ang pinaka masayang creature sa munod HihiHiya! Pero sino ba naman ang niloloko ko? -.- Tss.

Kumain lang ako ng bread. At pumasok na sa university. Nag ccommute nga pala ako. Alam niyo naman si Zig diba? Masyado niya akong mahal -.-

Pagpasok ko sa main gate, bumungad si Callie na nakangisi.

"Good morning! Good morning baby!"-Ngising sabi niya habang hinihimas ang tyan ko -.-

"Oo na! Good morning din daw. Tara na sa room, gusto ko ng maupo."

"Lokaaa! Sa gynasium tayo ngayon. Whole day practice daw."-Callie.

Pumunta na kami ng gym, buti nalang walang ibang manunuod. Kami-kami lang talaga. Naupo kami sa isang upuan doon. Bigla akong nakaramdam ng gutom.

"Hey Callie friendship. Bilihan mo naman ako ng palabok oh? Tatlong styro."-Malambing na sabi ko sakanya. Syempre para pumayag. Hahaha.

"Haaay naku! Kung hindi ka lang buntis! Tinapon na kita sa bermuda triangle!"-Mapang-asar na sabi niya at umalis. Kitams ang dami pang sinasabi aalis din pala.

Pumasok na si prof at ang iba pang teachers, siguro part din sila sa pag-aayos ng event. Nag-hi naman ako sakanila. Napatingin naman ako sa tatlong taong pumasok sa main door ng gym.

Si Zig na naka-akbay kay Sophia at si Vanessa na naka-cling kay Sophia. 

I think Sophia is a sweet girl, mabait at mapagmahal sa mga taong naka-paligid sakanya. Nakakaramdam din ako ng awa sakanya, may asawa si Zig na boyfriend slash mahal niya. At may nangyari sa amin kagabi, naaawa ako para sakanya. 

Nagulat ako ng lumapit sa akin si Sophia.

"Hai Jessie!"-Masayang bati niya.

Masayahin din siya.

"Hai Sophia."-Nakangiti rin na pag-bati ko sakanya. Tumabi naman siya sa isang upuan na nasa tabi ko. Sina Zig naman naupo sa kabilang upuan.

"You know what? Napaka-ganda mo."-Masayang comment niya.

"Haha. Talaga? Ikaw ang cute mo."-Comment ko din sakanya. Nag pout naman siya kaya kami natawang dalawa. She's really beautiful in and out.

"Matagal na ba kayo ni Zig?"-Tanong ko. Nakita ko namang namula ito.

"Ahmm oo. Sabi ng parents ko simula palang daw ng umiihi kami sa salawal namin friends naman daw kami. Haha. And nung high school kami naging bf ko siya. Pero umalis ako that time kaya nagkahiwalay kami and I am back. Masaya ako na naging kami ulit sa kabila ng pag-iwan ko sakanya."-Nakangiting pag kkwento niya. Nakaramdam ko ng sakit at pagkalungkot. I never thought na ganun sila ka-close.

Ang sakit.

Ngumiti lang ako sakanya at tumango. Sakto naman ang pag-dating ni Callie. Inabot niya sa akin ang 4 na styro ng palabok.

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon