Chapter 40

93.7K 1.2K 135
                                    

Jessie's POV

"Oh my gosh miss! Thank you."-Tuwang-tuwa an sabi nung babae. 

Naaalala niyo si Sean? Yung maliit na bata? Haha oo yun, tagal na natin hindi nagkita eh! Baka nakalimutan niyo na Haha. Anyways, pagkatapos namin mamili ng kung anu-ano, dinala ko sa security guard ang bata, kasama din kaming nag-punta sa section para sa mga nawawalang bata, at doon nga in-announce si Sean. Ngayon ay dumating ang mommy niya. 

"You're welcome."-Sabi ko tska binigay si sean na ngayon ay natutulog na. Binuhat niya ito at agad hinalikan sa pisngi.

Nagpasalamat kami sa staff tska niya ako niyaya pa punta sa starbucks. Nakakatuwa dahil hindi siya nagsasawang mag-sabi ng thank you.

"I really love this little guy."-Nakangiting sabi nito tska panay ang halik sa pisngi ng anak. Nakaramdam ako ng tuwa at lungkot. Natutuwa dahil nakikita ko sakanya ang pangarap ko pag naging mommy na ako at lungkot dahil hindi ko alam kung kailan ako magkakaroon ng pangalawang baby. At pangarap ko kapag nagka-baby ako, may trabaho at stable na ang buhay ko.

"Mag-isa ka lang ba? Naku, nahirapan ka pa."-Sabi nito sa akin.

"Hindi naman, may kasama nga pala ako at dadating siya anytime. May pinuntahan lang."-At ewan ko kung saan nag-punta ang Zig na yun.

"Ganun ba. That's good, I'll treat you guys para kahit sa paraang ito ako magpapasalamat sa ginawa ninyong kabutihan."-Nakangiting sabi niya.

"Ano ka ba. Pero salamat na din sa treat. What's your name nga pala."-Sabi ko tska siya nginitian. 

"Erina. How about you?"-Erina pala. 

"Jessie. Ah yan na pala yung kasama ko."-Sabi ko kasabay nun ang pag-upo ni Zig sa tabi ko. Ipapakilala ko na sana sila sa isa't isa pero pareho silang nakatitig sa isa't isa dahilan para mapa-kunot ang noo ko.

"Kilala niyo ba ang isa't isa?"-Pag-sisingit ko.

"Ahmm. No babe. Para kasing naka-sama na namin siya dati but anyway. Is she the mother?"-Kunot noong tanong niya. Hmm. There's something wrong. Anyways.

"Yeah. Her name is Erina. Erina siya yung kasama ko, Zig."-Pagpapakilala ko sakanilang dalawa.

Napa-tango tango si Erina at ngumiti ng pilit. Ano bang problema nila?! -.-  At ngayon nga ay sobrang tahimik na, parang awkward. I mean parang awkward silang dalawa. Tss.

"Ahmm Jess. We have to go."-Erina.

"Ingat! Bantayan mo na si cutie Sean ah? Haha anyways nasaan pala ang dad niya? Bakit hindi mo kasama?"-Tanong ko sakanya. Nakita kong parang naging balisa siya.

"Ahmm. N-nasa ibang bansa. Sige mauuna na ako. Salamat ulit sa inyong dalawa."-Sabi niya tska tumingin sa gawi ni Zig. Nilingon ko naman si Zig at siya ay nag c-cellphone lang naman. Siniko ko siya kaya napatingin siya sa akin. Nginuso ko naman si Erina. Tinignan niya ito tska tumango lang at ibinalik muli ang atensyon sa cellphone. Ngumiti ako kay Erina tska siya niyakap at tuluyan na nga siyang umalis.

"Uwi na tayo Zig. Pagod na ako."-Sabi ko kay Zig. Tumango naman siya at naunang nag-lakad. Napa-iling nalang ako dahil sa style nito. Hindi mo talaga siya maintindihan.

***

Nagising ako at naka-ramdam ng gutom. Tumayo ako at papunta na sana sa kusina pero napa hinto ako ng marinig ang boses ni Zig, may kausap ito sa telepono.

"Find her. Reports tomorrow."-Rinig kong sabi ni Zig tska niya binaba ang telepono. Doon na din ako tumuloy pumunta sa kusina tska nag-umpisang mag-hanap ng maka-kain pero napa-hinto ako ng may yumakap sa waist ko. Malamang si Zig lang naman ito. 

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon