"Tss. Huwag mo namang idamay si Zane, palagi mo na rin yung pinang-gigigilan eh."

"Hindi ko mapigilan eh." Pagrereklamo ko na siyang ikinatawa niya.


BUMILIS ang oras at ngayon naka-uwi nanaman ako dito sa bahay ni Zig, gusto ko na ulit bumalik kay Gio. OA na kung OA pero sa pag-bubuntis ko lang yata to, mabilis akong mainis lalo na kapag si Zig ang kaharap ko. Naaawa na talaga ako sakanya dahil nalulungkot yun, alam ko. Pero ano namang magagawa ko, bigla nalang akong naiinis sakanya eh. -.-

Katulad ngayon, nanunuod siya ng cartoons kasama ang mga bata tapos ako nakahiga dito sa kabilang couch at masamang tinitignan siya. 

"Dalhin mo ako ulit kay Gio." Pangungulit ko, kanina ko pa siya sinasabihan na dalhin ako kay Gio pero ayaw niya, hindi niya pa ako pinapansin o kahit lingunin man lang.

"Zig! Dalhin mo ako kay Gio!"-Malakas na sigaw niya pero nagulat na lamang ako ng bigla siyang tumayo at sinigawan ako. "Ang gulit mo naman Jessie eh! Naiinis na ako kanina ka pa ah!" Tska siya naupo, napalingon tuloy ang mga bata sa amin.

Palagi niya na akong sinsisigawan, oo tama kayo, palagi. Alam ko namang sumusobra na ako eh, tska noon pa man nang mag-umpisa akong mag-lihi, pinag-titiisan na niya ako. Kaya siguro sumabog na siya dahil napupuno na siya. Naiintindihan ko naman yun eh! Pero na-bbwisit na kasi ako sakanya. Ugh! Hormones!

Hindi ko nalang siya pinansin at nahiga sa kama sa kwarto namin, hinawakan ko ang tummy ko. "Sorry baby ah? Nag-aaway na tuloy kami ng daddy mo, hindi ko naman kasi mapigilan eh, naiinis ako sakanya. Sana iba nalang ang way ko para mag-lihi, sana hindi ganito na pinag-iinitan ko ang daddy mo. Sana puro mangga nalang ang pinag-lilihian ko dahil mas okay pa yun kaysa naman sa ganito."

Habang malalim na nag-iisip, naka-titig lang ako sa tummy ko na siya ring hinihimas-himas ko. Na-bored yata ang systema ko kaya hinila na ako ng antok.


NAGISING ako nang may maramdaman akong nahiga sa kama ko at nang pag-dilat ko, naka-higa na rin pala si Zig at naka-talikod pa sa akin. Nakaramdam ako ng bahagyang pag-kirot sa puso ko, hindi naman siya ganyan dati eh. Naiinis na ba siya sa akin? Araw-araw ko ba naman siya sinisigawan ng kung anu-ano, araw-araw na rin siyang na-bbad trip sa akin. Sino namang hindi maiinis dun? -.-

Mag-ssorry nalang ako sakanya kapag nagising na ako, pero sana hindi na ako mainis sakanya, grabe naman kasi itong hormones ko eh. Naaalala ko pa noon, nilayasan ako ni Gio dahil naiinis na siya sa akin, sobra daw akong mag-lihi, para daw akong sasabog noon. Kaya nga natatakot ako baka ma-bwisit na tong si Zig sa akin at iwan ako, pero huwag naman sana. 


NAKATITIG lang ako kay Zig habang nag kakape ito. "Pupunta ako kay Gio ngayon." Pilit na mabait na saad ko, hindi ba't sabi kong mag-ssorry ako kapag nagising ako? Pero hindi ko naman magawa eh! Pagka-gising ko si Gio kaagad ang gusto kong makita.

"Pwede bang dito ka na lang sa bahay, yung ---"

"Gusto kong makita si Gio eh."-Makulit na sabi ko. Pero nagulat na lamang ako ng pabalag niyang ibinaba sa mesa ang tasa niya. "I am sick and tired of this! Alam ko namang buntis ka pero Jessie naman, sumosobra ka na ah! Hindi ---"

Sa inis at galit ko, tumayo ako at sinipa ang upuan dahilan para matumba ito. Naiiyak na ako. Tila nagulat siya sa ginawa ko at tinignan pa ang tyan ko, napahilamos ito sa mukha at hindi makapaniwalang naka-tingin sa akin. "Baby." Mahinhin na pag-tawag niya sa akin pero inirapan ko siya at sumakay sa kotse, pupuntahan ko si Gio, naiinis ako kay Zig. 


Zig's POV

"Baliw ka ba ha Zig? Alam mong buntis yang asawa mo at ang lakas lakas ng sapak sa ulo dahil sa hormones niya tapos sasabayan mo pa ang inis at galit niya?"

Sold to the CassanovaWhere stories live. Discover now