CHAPTER 1

2.4K 64 10
                                    

Ate Gab's Note: At dahil birthday ng inyong lingkod ngayong ika-16 ng Oktubre, hayan.. Pinost ko na ang unang kabata ng LOVE STORY nina DANICA at ALEX ng ILTWG. Kakaibang istorya ito. Unlike sa ILTWG. Kung doon ay puro kalokohan ko lamang, dito ay magseseryoso na ang inyong lingkod. Hahaha. Sana magustuhan nyo ang mga pakulo ko dito. At sana makarelate pa rin kayo kahit na ginawa ko itong NON-TEEN FICTION. Because I'm not a teen anymore. Charing! E basta! Enjoy reading! Magulat na lang kayo sa mga mangyayari. Bow.

I Do

by Ayoshi Fyumi

CHAPTER 1

*Danica Emily Olivares POV*

Nagising ako mula sa ingay ng mga yabag ng mga ka-boardmates ko. Umaga na pala. Pero bitin pa rin ang tulog ko dahil puyat ako. Nag OT kasi ako sa trabaho ko dahil kaylangan ko ng pera sa darating na suweldo.

"Sara, una na ako sa'yo, ha?" nagmamadaling nagsusuot ng sapatos ang ka-boardmate kong si Ylaina. Late na naman sya sa pinapasukan niyang fast food chain.

"Oo sige. Ingat."

Inayos ko na ang higaan ko at kinuha ang tuwalya ko sa sampayan. Nasa loob na ako ng banyo at nakapag tanggal na ng damit nang mapagtanto kong walang tubig!

Binuksan ko ng konti ang pinto ng banyo at inilabas ko ang ulo ko para tawagin ang isa sa mga ka-boardmate ko.

"Ann, wala bang tubig?"

"Naku, Sara. Pasensya na kung hindi kita nasabihan. Kanina pang walang tubig. Mag tungga ka na lang sa gripo sa labas."

"Ah, ganun ba? Sige."

Nagsuot ulit ako ng damit at kinuha ko ang isang timba. Bumaba na ako para mag-igib ng tubig. Napa buntong hininga na lang ako. Buti na lang alas otso pa ang pasok ko sa trabaho. Alas syete pa lang kaya may isang oras pa ako.

Pero halos malaglag ang panga ko dahil sa sobrang haba ng pila sa gripo. Ang daming nag i-igib. Pano 'to? Baka ma late ako sa trabaho.

Mahigit kalahating oras akong nakapila. Kaya nang mapuno ng tubig ang timba ko hindi ko naman mabuhat dahil sa sobrang bigat. Kapag minamalas ka nga naman oh.

"Sara, tulungan na kita!"

"Uy, salamat, Pepe!" si Pepe. Taga dito sa lugar na 'to. Apat na bahay lang ang pagitan ng bahay nila sa boarding house na tinutuluyan ko.

"Basta ikaw, Sara!"

"Salamat talaga, ha?"

"Walang anuman. Sige, papasok na ako."

"Sige. Salamat ulit." nag balik schooling ngayon si Pepe. Kakainggit nga sya e. Sana ako rin.

Anyway, kaylangan ko nang magmadali dahil late na ako sa trabaho ko. Geez. May thirty minutes pa ako.

Halos mapasigaw ako sa lamig ng tubig! Tiniis ko na lang. Nasanay na ako sa ganito. Parati na lang nagtitiis.

BUTI na lang walking distance lang yung pinapasukan kong trabaho. Pero na late pa rin ako.

"Magsino! Late ka na naman!"

Ano pa nga ba? Heto, sabon kaagad kay Supervisor.

"Sorry po, Ma'am. Nawalan po kasi ng tubig--"

"Valid reason na 'yan?! Gumawa ka ng letter mamaya! Bwiset."

Agang-aga napagalitan kaagad ako. 'Di bale na, Danica. Tiisin mo na lang. Para sa parents mo.

Napapikit na lang ako. Huminga ako ng malalim para marelax ako. Tumakbo kaya ako papunta dito para maka abot ako. Pero wala e. Late pa rin. Buti na lang sanay na ako sa katarayan ng halimaw kong Supervisor. Wala pa kasing asawa kaya ganyan ang ugali. Tsk.

I Do (Completed)Where stories live. Discover now