Reason 5: Final Reason

309 17 8
                                    

Ang huling araw. Ang araw na malalaman ko ang kahulihulihang rason ni A para sa akin. Sinabi niya noon na ang huling rason ay sasabihin niya sa unang pinagtagpuan namin, sa rooftop ng apartment.

Ang huli naming paguusap ay nakaraan pang linggo. One week ko na siyang hindi nakikita at wala akong nababalitaan mula sa kanya matapos yung nagyari, yung halik. Matapos yun ay tumakbo agad siya paalis ng bahay. Hindi ko mainitindihan ang inasata niya matapos yun. Inisip ba niyang magagalit ako? inisip ba niyang mali ang ginawa niya?

Doon ko rin napagtanto… mahal ko na si A. Alam kong napaka dali ng mga pangyayari pero wala akong nagawa, kusang nahulog ang loob ko sa kanya.

Napagusapan namin dati na eksaktong alas 5 ng hapon magkikita kami sa rooftop pero umaga pa lang, kinakabahan na ako. Parang may mali eh.

4:59pm. Dumating ako na mas maaga ng isang minuto, pero kahit nasa pinto palamang wala akong nahagilap na A sa rooftop. Hindi ako tumuloy sa may rooftop at napagdesisyonan kong maghintay sa hagdan.

5:05pm. Wala paring A. Baka may hinahanda pa siya para mas makumbinsi niya ako?

5:20pm. Wala paring A. Bakit ba wala parin siya? 20 minutes late na siya. Maghihintay parin ako. 20 minutes lang naman eh.

5:50pm. Wala paring A. Mali na toh. May mali talaga.Kahit na siya lang ang Makita ko sapat nang rason para mabuhay ako. MAHAL KITA A!

Naramadaman ko ang unti-unting pagtulo ng luha ko. I felt Betrayed. I trusted A, naniwala ako na mabibigay niya sa akin ang 5 rason niya. Nawawalan na ako ng pag-asa pero…

May nakita akong box sa gilid ng railing sa rooftop. Bakit hindi ko toh napansin kanina? Agad ko itong nilapitan sabay punas sa mga luha ko.

Isang MP3 player.

Agad kong sinuot ang earpiece at pinindot ang play.

Ilang Segundo nang nakaplay ang MP3.

Bigla akong may narinig na pag-ubo, para bang nasasaktan.

M-mira.

Sa pagtawag pa lang ng pangalan ko alam ko na. S-si A yun.

Mira.

Ulit niyang pag tawag sa pangalan ko kahit rinig sa boses niya na nahihirapan siya.

U-una sa lahat. S-sorry. Sorry kasi iniwan kita matapos kitang halikan. Wag mo sanang isipin na hindi ko iyon ginusto dahil sa totoo lang, sobrang ginusto ko yun na handa na akong mamatay sa mismong panahon na yun.

Umubo siya ulit at narinig ko ang mahina niyang pag aray. Tumulo ulit ang luha ko.

Mira,sorry  kasi nagsinungaling ako. Hindi lang isang beses kundi marami na at gusto kong itama lahat yun. Una sa lahat, ako si Anghelo Reyes pero A talaga ang palayaw ko.

Anghelo Reyes? Anghelo pala ang tunay niyang pangalan? Napakaganda. Bagay sa kanya. Bagay sa Anghel ko.

 Noong tinanong mo sa akin kung bakit kita tinutulungan sinagot kita ng tanong kung ‘mahalaga pa ba yun’ pero sa totoo lang mahalaga yun at meron talagang rason.

Napasinghap ako sa sinsabi niya. Mali toh! MALI! A-Anghelo, bakit mo toh ginagawa?!

Nakita ko ang nangyari sa pamilya mo, Mira. Hinahangaan ng mga magulang ko ang tatay mo kasi matapat siya sa trabaho niya kaya noong nakita namin ang eksenang yun, nalungkot kami at nagulat sa nangyari.

Nakita niya ang nangyari kena papa? Nakita mo pala, A? Eto ba ang rason?

 Galing kasi kami sa ospital noon.

O-ospital? Anon—

Alam kong magtataka ka kung bakit kami galing sa ospital noon, ito yung rason kung bakit kita tinutulungan. Hindi kita hinanap para tulungan dahil sa pagkamatay ng pamilya mo, alam mo kasi umakyat rin ako sa rooftop para gawin ang binabalak mo. Para magpakamatay.

A-anghelo.

May sakit ako. may taning na ang buhay ko.

Hindi ko na napigilan ang pagiyak ko. Ito pala ang rason mo. Ito pala.

 Nakilala ko ang mukha mo sa TV dahil sa tatay mo. Napakaganda mo pero mas maganda ka sa personal. Pinigilan agad kita sa balak mo kasi noong nakita kita sa rooftop, nakita ko ang sarili ko sayo. Pero Mira, may pagkakataon ka pa noon, hindi ko maatim na makita kang magpakamatay dahil sa narinig kong pagsigaw mo na nagiisa ka na lang kasi hindi, doon ko napagtanto na gagwin ko ang lahat para masalba ang buhay mo, Mira.

Tumawa siya saglit kahit nahihirapan.

Tadhanan na ata ang nagdala sa atin sa isa’t isa.

Paulit-ulit ko na lang binigkas ang pangalan niya habang nakikinig at umiiyak.

Sa mga araw na kasama kita, nahulog ang loob ko sayo. Tulad sa simula ng MP3 na ito, nagkagusto na ako sayo sa totoo lang minahal na kita.

Ako rin A, ako rin.

Mira, sorry kasi wala ako sa tabi mo ngayon kasi sa panahon na maririnig mo toh,

Wag, wag mong ituloy ang sasabihin mo wa—

Wala na ako. Wala na talaga ako.

Humagulgol na ako sa iyak.

Kaya Mira, W-wag mong sayangin ang buhay mo ha?

Alam kong nakangiti siya habang sinasabi niya toh pero naririnig ko ang impit niyang pagiyak.

Fifth and last reason Mira, kasi mahal kita. Sana sapat na toh para mabuhay ka. Mabuhay ka para sa akin.

Umiyak ako.

Oo Anghelo, mabubuhay ako para sayo, kasama ng pagmamahal na iniwan mo.

You gave me 5 reasons why,

And now I’m giving you my first and last reason,

 I will live for the love you left with me, I will live for you.

End.

------------------------

TAPOS NA! hwaaa! Nakatapos na rin ako ng story na hindi one shot! :D I hope may matutunan kayo mula rito! I enjoyed writing this at sobrang natuwa ako sa out come<3 thank you Lord!

5 Reasons Why.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon