Reason 1:Them

313 11 0
                                    

Hindi ko siya kilala, ni minsan hindi ko siya nakita pero nagawa niya akong patigilin sa gagawin ko.

“Mali ka. Merong rason. Ipapakita ko sayo. I’ll give you 5 reasons why at pag hindi ka parin maniniwala sa limang rason na ibibigay ko, bahal ka na sa kung ano ang gagawin mo.”

Nilahad niya ang kamay niya sa akin,

“Mangako ka na pagbibigyan mo ako. Pagbibigyan mo ang limang rason ko. Promise me?” sabi niya.

Nakipag kamay ako sa kanya, “Pangako.”

------------------

Nagising ako dahil sa malakas na pagkasara ng pintuan kaya agad akong bumaba para makita kung sino ang dumating. Mali pala ako, sino ang umalis.

“Manang? Manang?” paulit-ulit kong sigaw sa bahay pero walang sumasagot. Agad akong pumunta sa kusina pero wala akong taong nakita. May isang bagay na nakakuha sa atensyon ko.

May nakapatong na box sa lamesa, agad ko itong nilapitan. Binuksan ko ang box at sa loob ay may dalawang kulay asul na sapatos. Baby shoes.

Sa Park. Ang mga katagang naksaulat doon sa takip ng box.

Binitbit ko ang box papunta sa park at doon ko nakita si Manang Selia kasama si Baby Kael na karga-karga nung lalake. Nakangiti silang tatlo habang nag-lalaro.

“Tata!” salubong sa akin ni baby kael. Yun ang mga unang salita niya.

Hindi ko mapigilang umiyak at ganon rin si manang Selia. Niyakap niya ako at sinabing “Tinuturuan ko si Kael ng ‘Ate’ pero yun lang ang lumalabas sa bunganga niya.”

 “Salamat Manang.” Sabi ko sa pagitan ng pagiyak, masayang pagiyak.

----------------

“Ano ba ang pangalan mo?”

“Mahalaga pa ba yun?” tanong niya sa akin ng pabalik.

“Tsaka bakit mo ba toh ginagawa?” dag-dag ko.

“Mahalaga pa ba yun?” muling tanong niya.

Tiningnan ko lang siya. Bigla siyang ngumiti at ginulo ang buhok ko.

“A, tawagin mo akong A. Rason? Dahil kailangan, dahil yun ang nararapat.” Sagot niya sa akin.

“A? A lang? seryoso ka ba?” tanong kong muli, parang pinagloloko lang kasi ako ng taong toh eh.

Ngumiti siyang muli at tumango.

Matapos niya yung gawin, tahimik na lang naming pinagmasdan sina Manang at Kael.

“Sila.” Biglang sabi ni A.

“Ha? Anong sila?”

“Unang rason, Sila.” Sabi niya habang tinitingnan si Manang Selia na nakikipag-laro kay Kael.

“Maaatim mo ba na makita silang malungkot pag wala ka na? Sila na lang ang natitira sayo, pero Ikaw, Ikaw na lang ang natitira sa kanila.”

“A…”

“Tulad ng naramdaman mo nung nawala ang mga magulang mo.”

“Paan--”

“Paano ko nalaman? Nabanggit ni Manang sa akin kanina. Yun ba ang rason kung bakit gusto mo na mawala?”

Napayuko ako sa tanong niya, yun naman talaga eh, tugmang-tugma.

“Alalahanin mo Mira, first reason, THEM.”

--------------

Wohoo! 1st reason is up! Ano kaya ang next?? Abangan! :D

5 Reasons Why.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon