Just give me 5 reasons.

368 13 5
                                    

Ako lang ang natira.

Bakit ba kailangan ko pang maiwan? Kung sumama siguro ako sa kanila noon siguradong hindi ko to kailangang gawin. Namatay na lang sana ako ng kasama sila.

I’m hopeless. Wala na akong maisip na pwedeng gawin para mabuhay pa. Kinuha lahat sa akin. Why does this have to happen to me? Wala naman akong ginawang masama ah? Ganon ba yun? Ang masamang damo lang ba ang matagal mamatay? Dapat bang maging masama para mabuhay ng matagal? Punyetang buhay toh! SANA NAMATAY NA LANG RIN AKO!? SANA MAMATAY NA AKO!?

“BAKIT!? BAKIT NIYO AKO INIWAN!? YOU’RE SO UNFAIR! WHY DO YOU HAVE TO LEAVE ME ALONE? WHY!?”

May biglang humawak sa wrist ko na siyang kinagulat ko.

“Kasi kailangan.” Sabi ng lalakeng humahawak sa akin.

“Bitiwan mo ako! Sino ka ba? Wala kang alam!” sabi ko sa kanya habang pilit hinihila ang kamay ko.

Sa halip na bitawan ako, hinila niya ako pababa mula sa dulo ng rooftop na siyang naging dahilan para mapalapit ako sa kanya. Bigla niya akong niyakap.

“Wag mo yang gagawin. Kahit ilang beses ka pang sumigaw at mag tanong, di ka nila maririnig.”

“Pwede ba bitiwan mo nga ako!? Wala kang pake alam kung ano ang gagawin ko! Buhay ko toh! Wala nang rason para mabuhay pa ako dito.” sabi ko na patuloy parin sa pag tulak sa kanya, hindi ko mapigilang umiyak, totoo ang sinasabi niya pero ayaw kong pakinggan.

“Wala na. W-wala nang rason para mabuhay.” Sabi ko habang humahagul-gol.

“Mali ka. Merong rason. Ipapakita ko sayo. I’ll give you 5 reasons why.”

------------

Update!XD ginaganahan ako magsulat kasi nagagandahan ako sa plot ko lels.

Enjoy guys!

5 Reasons Why.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon