Chapter 43: Extreme Training (Part 3)

Start from the beginning
                                    

"Gusto ko iyang sagot mo, Rain. Hanga talaga ako kung paano mo timbangin yung sitwasyon at kung anong dapat mong isipin habang nangyayari na ang bagay na iyon. Mukhang may natutunan ka na agad sa unang araw ng training natin." Nakangiting sabi ni Ae.

"Salamat Ae, nakakakilig ka naman." Natatawang sagot ni Rain.

"Tara na, para makapag pahinga na kayo." Pagsagot ni Ae.

Kinumpas nito ang mga kamay niya at nabalik ulit kami sa malawak na lugar pero ang pinagkaiba ay madilim na.

"So anong task ang gagawin namin ngayon?" Pagtatanogg ni Skye.

"As you can see, madilim na ang kapaligiran niyo, all you have to do is to defens yourself habang nangangapa kayo sa dilim. Talasan niyo ang pandinig, pandama, at paningin niyo." Pagsagot ni Ae.

"Ano bang aatake saamin?" Pagtatanong ni Jewel.

"New born vampires." Nakangising sagot ni Ae.

"Before I forgot, walang gagamit ng abilities nila to defend yourselves, physical strength is all you need to finish this task. Kung sino ang maunang matatapos ay lalagyan ko ng laman ang allowance card. Nakangiting sabi ni Ae.

Tumango kaming lahat senyales na handa na kami.

Kinumpas kumpas niya ang mga kamay niya at sa isang iglap ay mas lalong dumilim at biglang naging mausok.

Ang hirap makakita ng ganito lalo na at sobrang dilim na at parang wala itong pinagkaiba sa pagkaka blindfold namin.

Inalerto ko ang sarili ko at pinakiramdaman ang buong kapaligiran ko.

Naramdaman kong may mabilis na bagay ang tumatakbo papunta saakin kaya pinosisyon ko ang sarili ko.

Nang maramdaman kong malapit na siya ay tumalon ako ng mataas sabay hinampas ko ang kamay ko sa isang parte niya.

Naramdaman kong napahiga siya pero mabilis na bumangon ito at sinugod ako.

Naramdaman kong may sumipa sa likod ko kaya napaluhod ako.

Anak ng tinapa.

Agad akong tumayo pero naramdaman kong may sumipa sa sikmura ko.

Napahawak ako sa sikmura ko at naramdaman kong sunud sunod ang mga sipa na pinakawalan niya.

Inipon ko ang lakas ko at nang akmang sisipain niya ko ulit ay hinawakan ko ang paa niya at pinilipit ko ito.

Nagpupumiglas siya pero wala akong pakialam dahil gusto ko siyang bawian sa paninipa niya saakin.

Marahas kong binitawan ang paa at sinipa ko siya sa kaniyang sikmura kaya napahiga siya, lalong naging mausok yung paligid kaya halos sumakit na ang mata ko sa kakaaninag sa katawan nung newborn vampire.

Nakaramdam ako ng mga kaluskos sa may bandang likuran ko kaya hinanda ko ang sarili ko sa mga posibleng pag atake niya.

Bigla akong lumuhod kaya kitang kita ko na nabitin sa ere ang paa niya na may balak na sipain ako.

Ngumisi ako sabay inikot ko ang katawan ko paharap sa pwesto niya sabay sipa sa dalawa nitong paa.

Napahiga siya at namilipit sa sakit kaya kinuha ko ang pagkakataon para daganan siya.

Hindi pa gaano kalakas ang mga sinummon ni Ae na mga newborn vampires kaya hindi ako mahihirapan na kalabanin ang isang ito.

Sinuntok ko siya sa sikmura niya at tinayo ko siya gamit ang kwelyo ng damit niya.

Sinipa ako nito sa tagiliran ko pero tiniis ko ang sakit kaya sinuntok ko siya sa mukha.

Ang tigas ng mukha kaya medyo namanhid ang kanang kamay ko.

Nakita kong may lumabas na dugo sa ilong niya at ngumisi siya saakin kaya nakita ko ang matatalim niyang pangil, hawak ko pa rin siya sa kwelyo niya kaya dinaan ko na ang mga kamay ko sa leeg niya.

Hinawakan ko ito sabay sinakal ko siya ng sobrang higpit, yung tipong hindi na siya makakahinga.

Ramdam kong naghahabol siya ng hininga kaya mas lalo kong hinigpitan ang pagkakasakal sakaniya sabay marahas ko siyang binitawan.

Napahiga siya sa sahig at madilim ang mukha nito na nakatingin siya saakin.

Ngumisi ako at bumwelo papunta sa pwesto niya, nanlaki ang mga mata niya at balak niyang bumangon pero nasuntok ko siya sa ulo hindi pa ako nakuntento at hinampas ko siya sa batok niya para mawalan ng malay.

Narinig kong may pumalakpak kaya hinanda ko ang sarili ko.

Nakita kong biglang sumulpot si Ae at medyo naiiling pa siya habang nakatingin sa newborn vampire na nakahiga sa sahig at walang malay.

"Tunay nga na malakas ka, Kate. Congratulations ikaw ang pinaka naunang matapos." Masayang sabi ni Ae.

"Weh? Ako unang natapos? Sure ka ba diyan?" Gulat kong sagot.

"Im sure as hell, Kate. Pinapanood ko kaya kayong lahat." Nakataas kilay na sagot nito.

Nag peace sign ako at nakita kong kusang naglaho ang newborn vampire na nakahiga lang sa damuhan kanina.

-------------------------------------------------------------------

Itutuloy.

Updated.

06-03-20

#SabawNaUpdate.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now