Chapter 38: Go Hard Or Go Home (Part 1)

Start from the beginning
                                    

Kasalukuyan na nagbibilin ulit si Jewel sa mga tauhan niya dahil matagal ulit kaming mawawala and hindi namin alam kung kailan kami makakabalik ulit.

"Okay guys, matagal ulit kaming mawawala dahil aasikasuhin namin yung merging of companies namin na iniwan saamin ng mga parents namin. Pansamantala na babalik kami sa Russia dahil may business proposal and opening of new branches kami doon." Nakangiting sabi ni Jewel.

"Always remember my rules okay? Bawal pumasok at magpapasok sa kwarto ko, you can bring your family here para may kasa-kasama kayo dito sa bahay. Hindi naman kayo mamomroblema sa sahod niyo dahil I already talked to my secretary para padalhan kayo ng buwanang sahod. Yung expenses naman dito sa bahay ay ang secretary ko na ang mag aasikaso. Nag hire rin ako ng mga bodyguards na magbabantay dito sa bahay para sa safety niyo." Pagpapaliwanag ni Jewel.

"Kapag nakita niyo sa orasan na 6PM na, go to the guestroom dahil may bisita kami dito mamaya, no one is allowed to go downstairs or sisilip sa bintana dahil mga bigatin silang mga tao. You are only allowed to go out after one hour. Understand?" Pagtatanong ni Jewel.

"Masusunod po. Maraming salamat po Ma'am Jewel at hindi niyo po kami pinapabayaan." Pagsagot ni Ate Alex.

"Hindi na kayo iba saakin, pamilya ko na rin kayo. Tawagan niyo ako agad kapag nagkaproblema kayo dito." Nakangiting sagot ni Jewel.

Matapos ang paguusap nila ay tumambay muna kami sandali sa secret office ni Jewel bago namin napagdesisyunan na puntahan ang Cambria Twins pero nakainvisible kami.

Nagteleport kami sa Gem Academy at sakto na lunch time na pala nila.

Agad kaming pumunta sa cafeteria at sakto na nakita namin ang kambal na kausap yung apat na babae.

Nakakakulo ng dugo.

"Tingnan niyo yung kambal, medyo ilag na sila sa apat oh." Pagbasag ni Rain sa katahimikan.

Pinakatitigan ko yung kambal at nabasa ko sa mga mukha nila ang pagkadigusto sa presensya nung apat.

Mukhang napanood na nila yung video na sinend ni Jewel sakanila.

"Mukhang napanood na nila yung sinend mo, Jewel." Natatawang sabi ni Skye.

"I bet." Nakangising sagot ni Jewel.

Lumapit kami sakanila para makinig ng usapan nila.

"Ready na ba kayo para mamaya?" Pagtatanong ni Arohi.

"U-uh p-pwedeng bukas na lang?" Nagaalangan na tanong ni Johan.

"Bakit? May problema ba?" Pagtatanong naman ni Lyle.

"Kailangan kasi namin asikasuhin kung sino yung pwedeng maging temporary CEO ng company na iniwan saamin ng parents namin." Pagsagot ni Yohan.

"Pwede naman natin asikasuhin yan mamaya, kailangan na natin makauwi kasi hindi na kayo ligtas dito." Pagsabat ni Relaira.

"B-bukas na lang k-kase." Nauutal na sabi ni Johan.

"Chill, Johan. Hindi ka naman namin kakagatin eh. Bakit ka ba nauutal dyan?" Natatawang tanong ni Denise.

"Medyo kinakabahan lang." Nakangiwing sagot ni Johan.

Nag ring na ang bell kaya sabay sabay na silang tumayo at nagpaalam sa isa't isa.

Nakita kong napangisi pa si Arohi sa papalayong pigura nila Yohan at Johan.

---------------------------------------------------------------

Inantay namin na matapos ang klase ng kambal.

Buong oras ay wala kaming ibang ginawa kung hindi ang mag libot sa Gem Academy and syempre manmanan ang kilos ng kalaban.

We were on our way sa room ng Cambria Twins nang makita namin silang tumatakbo palabas na parang may humahabol sakanila.

Sinundan namin sila ng tingin at nagulat ako nang bigla akong hatakin ni Rain papunta sa direksyon ng kambal at napagalaman ko na hinahabol pala sila nung apat na babae.

Sinundan namin kung saan pupunta ang kambal para maprotektahan namin sila sa mga humahabol sakanila.

Nang makalabas na kami sa Gem Academy ay napatingin ako sa kalangitan at napansin kong hapon ba pala.

Agad na sumakay ang kambal sa kotse nila kaya sumama kami sa loob nang hindi nila alam.

Nang medyo makalayo na sila sa Gem Academy ay tsaka kamk nagtanggal ng invisibility namin.

"What the fuck?" Gulat na napatingin saamin si Yohan.

"Eyes on the road, Yohan. Mamaya na kami magpapaliwanag." Seryosong sabi ni Jewel.

Napahigpit ng hawak si Yohan sa manibela ng sasakyan at mas binilisan  niya ang pagpapatakbo.

Huminto kami sa tapat ng malaking bahay nila at kinuha lang nila sa gwardya ang mga gamit nila na nakalagay sa maleta.

"Dumiretso tayo sa bahay ko." Malamig na sabi ni Jewel.

Napatango si Yohan tsaka sinimulan niyang buhayin ang makina ng sasakyan.

Nang makarating kami sa bahay nila Jewel ay wala na ang mga tauhan nito, mukhang nandoon na sila sa guest room at sinunod talaga nila ang inutos ni Jewel.

Nagmamadali kaming pumasok nang may marinig kaming pumapalakpak.

Dahan dahan kaming napalingon sa kung sino yung gumawa noon at napakunot noo na lang dahil nakangisi sila saamin.

"Anong ibig sabihin nito, Yohan and Johan?" Seryosong sabi ni Arohi.

"Sasama kami sakanila?" Patanong na sagot ni Johan.

"Akala ko ba saamin kayo sasama? Napagusapan na natin ito diba?" Naiiling na sabi ni Lyle.

Nilabas ni Yohan ang phone niya at ipinakita nito sa apat na babae yung video ng usapan nila.

"Halata namang edited yung video, Yohan. Tsaka sino naman ang magvivideo niyan kung kami lang apat ang magkakasama sa sasakyan?" Nang aasar na tanong ni Relaira.

"Bakit hindi niyo ba kami nakita na sumama sainyo sa van?" Nakangisi kong tanong.

Natigilan si Relaira sa sinabi ko at biglang namutla, napatingin rin siya sa mga kaibigan niya na may nagtatakang mukha.

"Sabi sainyo eh, huwag niyo kaming maliitin." Pang aasar ni Skye.

"You!" Nanggagalaiting sigaw ni Arohi.

Akmang susugurin kami ni Arohi nang biglang...

---------------------------------------------------------------

Itutuloy.

Updated.

05-23-20

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now