Chapter 13: Meet The Royalties (Part 2)

Start from the beginning
                                    

"Hindi pa pwede, pero soon malalaman niyo rin." Nakangisi nitong sabi habang unti unting nilalapit sa mukha ni Kate yung kutsilyo.

Pinipilit kong kumilos ngunit hindi ko maigalaw ang buo kong katawan.

"Anak naman ng letse flan! Tulungan niyo ko dito!" Malakas na sigaw ni Kate habang sinusugatan ni Psycho ang mukha ni Kate.

"Argh!" Malakas na sigaw ni Kate.

Hindi tumitigil sa pagdudugo ang mukha ni Kate at naaawa ako para sakanya dahil medyo malalim ang pagkakahiwa nun.

Habang nakatingin ako kay Kate ay biglang nabaling ang atensyon ko kay Rain na todo ang iwas ng mukha sa kutsilyo ni Psycho.

"Oh c'mon, Huwag ka ng pachoosy, siguradong hindi ka magsisisi kapag nasira yang mukha mo." Sabi nito habang tumatawa ng nakakatakot.

Napaigik ako ng sinugatan niya ang mukha ni Rain.

Minarkahan niya ito ng malaking X sa kanang pisngi nito.

Maluha luha ako dahil hindi man lang ako makagalaw sa kinalalagyan ko.

Nagpipigil na lang sila ng luha para ipakita nila saamin na hindi naman masyadong masakit ang pagkakahiwa ni Psycho sa mga pisngi nila.

Nagulat ako nang nasa harapan na siya ni Jewel at nakangisi ito.

"Well, ikaw pa naman ang may pinakamagandang mukha sa kanilang apat kaso papangit na yan dahil susugatan ko na." Malakas nitong sabi sabay hiwa sa pisngi ni Jewel.

Gulat na gulat ako sa pangyayari dahil naiwasan pa ni Jewel ang kutsilyo na muntik ng sumira sa mukha niya.

"Mukhang minaliit mo yata ang isang Jewel Scott." Nakangisi nitong sabi.

Maya maya ay naramdaman kong kaya ko ng igalaw ang buo kong katawan pero mas pinili ko munang hindi gumalaw para masopresa ko si Psycho.

Malakas na sinipa ni Jewel ang tyan ni Psycho at agad nitong nilabas ang apat nitong baril na nakatago sa blazer niya.

Binato niya saamin ang tatlo niyang baril at agad naman namin itong sinalo.

Pinagsusuntok at pinagsisipa nina Kate at Rain si Psycho na halos hindi na makatayo mula sa kanyang pagkakalugmok.

"Letse flan ka! Ang ganda ganda ng mukha ko tapos sisirain mo lang!" Galit na singhal ni Kate kay Psycho.

"Oo nga, buti sana kung hindi maganda yung pagmumukha namin kaso maganda eh." Naiinis na sabi ni Rain sabay tadyak sa tyan ni Psycho.

"At higit sa lahat, huwag mo kaming minamaliit. Hindi mo alam ang kaya pa naming gawin." Makahulugan na sabi ni Jewel sabay kasa sa kanyang baril.

Kumasa na rin kami at agad namin itong tinutok kay Psycho.

"Well. Ang buhay ay parang gulong. Kapag suwerte ka, nasa taas ka, kaso ngayon malas ka at nasa literal na sahig ka pa talaga ngayon." Natatawa kong sabi sabay ngisi sa harap nito.

"Any last words?" Inis na tanong ni Kate.

"P-p-parating na si M----" Naputol ang sasabihin nito ng biglang bumalik sa dati ang lahat at ngayon ay nakatulala pa rin ako dahil sa mga pangyayari.

Who is M?

"Hey! You guys, Okay?" Pagtatanong saamin ni Israel sabay ngiti ng alanganin.

"Huh? May sinasabi ba kayo?" Pagtatanong naman ni Kate.

"Mukhang hindi nila narinig yung sinabi mo." Mahinang bulong ni Kristen kay Austin.

What?

Mahina lang yung bulong niya pero bakit ko naririnig?

Wth.

"Wait, nag order na ba tayo ng pagkain natin?" Pagtatanong ni Jewel.

"Yep kakatapos lang natin mag order." Pagsagot ni Mitch.

"Are you guys really okay? Its seems all of you are spacing out." Alanganing sabi ni Israel.

Napatango na lang kaming apat sa tinanong ni Israel.

"Uwi na tayo." Mahinang sabi saakin ni Rain.

"May mahalaga pa tayong paguusapan." Dugtong pa nito.

"Kain muna tayo ng dinner dito then tsaka natin pag usapan." Pagsagot ko.

----------------------------------------------------------------

"Uhm, Guys. Uwi na kami." Pagpapaalam ko.

"Hatid na namin kayo." Pagpiprisinta ni Austin.

"Huwag na tsaka isa pa kaya na namin yung mga sarili namin." Seryosong sabi ni Kate.

"Okay." Alanganin na pagsagot naman ni Austin.

"Maraming salamat sa libreng dinner. See you around guys." Pagpapaalam ni Rain.

Kumaway muna kami sakanila bago kami lumabas at nagmamadali na sumakay sa elevator.

Habang nasa loob kami ng elevator ay bigla itong huminto.

"Anong nangyari?" Kinakabahan kong tanong.

"Wrong timing naman." Inis na sabi ni Rain.

"Bakit ngayon pa nangyari ito?" Dagdag pa nito.

"Dahil sinwerte ako." Malamig na sabi ni Psycho.

Wtf.

Si Psycho.

"Katulad ng sabi niyo, ang buhay ay parang gulong. Kapag nasa taas ka ay suwerte ka at napagkataunan nga naman na swerte talaga ako at ngayon naman ay nasa baba kayo dahil malas kayo." Nakangisi nitong sabi.

"Kung sa lugar ko ay napagkaisahan niyo ko. Pwes, dito ay wala na kayong kawala saakin." Natutuwa nitong sabi sabay labas ng kanyang kutsilyo.

"Uhm, Guys." Pagtawag ko sa atensyon nila.

"Well, wala tayong magagawa kundi ang lumaban sa hayop na 'to." Naiinis na sabi ni Jewel.

Unti unting lumapit si Psycho kay Kate at ang nakakainis ay nagawa pang ngumisi ni Kate sa harap ni Psycho.

"Pwe! Bad breath ka pala?" Nasusura na sabi ni Kate sabay dura sa pagmumukha ni Psycho.

"Peste! Hindi mo kilala ang kinakalaban mo?!" Galit nitong sabi kay Kate.

"You're Mr. Psycho, Right? The one and only crazy in this world." Natutuwang sabi ni Kate sabay senyas saamin.

Unti unti kaming lumapit sa likuran ni Psycho.

Akmang sasaksakin na namin siya ng biglang humarap siya samin at sa sobrang bilis ng mga pangyayari ay nasugatan niya kami sa mukha.

Sa sobrang gigil ko ay sinaksak ko siya sa likuran niya.

Lumingon siya saakin at ginantian niya ako ng ngiti.

Bakit parang pamilyar yung mga ngiti na iyon?

Unti unting nawala ang mukha ni Psycho at napalitan ito ng mukha ni Dad.

"A-anak, S-salamat a-at p-pinakawalan m-mo ako s-sa s-sumpa na b-binigay saakin." Nakangiti nitong sabi.

Unti unting bumagsak ang mga luha ko.

Nawala si Dad na parang abo at bumalik ang lahat sa dati.

"S-skye--" Naputol ang sasabihin ni Kate ng ngumiti ako ng mapait.

"O-okay lang. Wala naman tayong alam eh." Umiiyak kong sabi.

"Umuwi na tayo." Mahina kong sabi.

Paano nangyari yun?

------------------------------------------------------

Edited.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now