Chapter 12: Meet The Royalties (Part 1)

Start from the beginning
                                    

"We're leaving. Aasahan namin kayo doon, See you!" Nakangiting sabi ni Austin habang kumakaway saamin.

And in a blink of an eye ay nawala sila sa paningin namin.

"Tara! Uwi na muna tayo." Pagyayaya ni Rain.

"Oo nga, may dalawang oras pa naman tayo para maghanda." Pagsang ayon ko.

Naglalakad na kami sa labas ng Academic Building nang maramdaman kong may sumusunod saamin.

"Bilisan natin maglakad." Maotoridad kong sabi.

"Oo nga. Kanina ko pa nga nararamdaman iyon eh." Seryosong sabi ni Rain.

Bigla kaming napahinto nang may isang malamig na tinig ang aming narinig mula sa aming likuran.

"Hello! Nice meeting you again." Malamig na sabi ni Psycho.

WTF

"Shit! Paano ka nakapasok?" Gulat na gulat na tanong ni Skye.

"I have my own ways." Malamig nitong sabi.

"Matagal ko ng gustong patayin kayong apat, mga sagabal kayo sa plano niya." Galit nitong sabi.

Nagulat na lang kami ng bigla siyang nawala sa paningin namin.

"Magkikita pa tayo mga prinsesa." Bulong nito saamin.

"Lets go, umuwi na muna tayo." Pagbasag ni Skye sa katahimikan.

Nang makapasok na kami sa dorm namin ay doon lang ako nakahinga.

"See you, after one hour." Pagpapaalam ko sabay pasok sa kwarto ko.

Sandali akong napaupo sa gilid ng kama ko at napasapo sa noo ko.

Bakit hindi ko naisip na pwede niya kaming sundan dito.

Akala ko pa naman ay mahigpit ang security dito pero bakit nalusutan sila ni Psycho.

Higit sa lahat.

Bakit niya kami tinawag na prinsesa?

Aish.

Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa mga kaisipan na iyon.

Bigla akong napatingin sa orasan at nagulat na tatlumput minuto na lang ay alas sais na ng gabi.

Agad akong kumuha ng damit na pang alis at mabilisan na nagshower.

Nang matapos na akong magshower ay mabilis kong pinatuyo ang aking buhok at hinayaan ko lang ito na nakalugay.

Pinunasan ko ang salamin ko at maayos ko itong isinuot saakin.

Nang makuntento na ako ay humarap ako sa whole body size mirror upang alamin kung bagay saakin ang suot ko.

Isang simpleng gray sweatshirt lang naman ang suot ko dahil malamig kasi sa gabi kahit summer na dito at pinaresan ko lang ito ng faded blue ripped jeans at combat shoes.

Lumabas na ako sa kwarto at nakitang papalabas na rin pala ang iba.

"Woah! Parehas yata tayo ng taste sa damit for this night?" Nakangiting tanong ni Kate.

"I think so." Maikling sabi ni Rain.

"Tara na! Nakakahiya naman kung malalate tayo." Sabi ni Skye.

"Well, Lets go!" Masayang sigaw ni Kate.

------------------------------------------------------

Kasalukuyang nandito na kami sa entrance at inaantay na dumating silang apat.

"Sorry, We're late." Paumanhin na sabi ni Mitch.

Nakasunod lang kami sa kanilang apat at kanina ko pa napapansin na kanina pa kami sinusundan ng tingin ng mga tao dito sa mall.

What's wrong with them?

Nang makarating na kami sa isang mamahaling restaurant ay doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil malayo na kami sa mga taong may mapanghusga na mga mata.

"Welcome, Princes and Princesses! Welcome to Natsie's." Nakangiting sabi nung waiter.

Wait.

Princes and Princesses?

Who the hell are them?

Hmm.

Mukhang may ideya na ako.

"Nagpareserve na kami ng VIP dito." Inip na sagot ni Kristen.

"This way po." Magalang na sabi nung waiter.

Nang makapasok na kami sa loob ng VIP room ay isa isa kaming binigyan ni Austin ng menu list.

"May I take your order, Princes and Princesses." Magalang na tanong.

Wala pa akong mapili sa menu dahil hindi ko naman alam yung mga itsura noon dahil ibang lenggwahe ang nakasulat.

Kinalabit ko si Mitch at sinabi na yung kagaya na lang ng kanila ang kakainin namin.

"The usual." Maikling sabi ni Mitch.

Naghintay pa kami ng ilang minuto at maya maya ay dumating na ang order namin.

Habang kumakain kami ay nagsalita si Austin.

"Nagtataka ba kayo kung bakit ganun ang tawag nila samin?" Pagtatanong niya.

"I think, You're the Prince Jiro Austin Inoue of Diamond Kingdom." Walang kagatol gatol na sabi ko.

"Uh, how'd you know?" Nagtataka nitong tanong.

"Its just that your too obvious to hide your true identity." Paliwanag ko.

"Well, I will introduce myself again." Pagsagot ni Austin.

"I'm Prince Jiro Austin Inoue. The son of King Akimitsu Inoue and Queen Akari Inoue." Pagpapakilala nito.

"I'm Prince Israel Nakagawa. The Son of King Ikuro Nakagawa and Queen Itsumi Nakagawa." Nakangiti nitong pagpapaliwanag.

"I'm Princess Kristen Takagi. The Daughter of King Katsuo Takagi and Queen Kasumi Takagi." Nakangiti nitong sabi.

"Well, I'm Princess Mitchell Kitagawa. The Daughter of King Mamoru Kitagawa and Queen Michiko Kitagawa." Tipid nitong sabi at ngumiti ito ng bahagya.

"Tss. Kahit na Prinsipe ka Austin, wala akong pakialam. As long as ginugulo mo ako isa ka lang ordinaryong tao sa paningin ko." Nakataas kilay na sabi ni Kate.

"Here's you're order. Happy Eating!" Masayang sabi nung waiter.

Ngumisi pa ito saakin sabay alis sa harapan namin.

Kinutuban ako ng hindi maganda sa sinerve nilang pagkain.

Kakainin na sana nila ang pagkain ng biglang may nagsalita.

"Huwag niyong kainin."

------------------------------------------------------

Edited.

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Where stories live. Discover now