Chapter 4: Missing (Part3)

Magsimula sa umpisa
                                    

Hindi ko alam kung anong mangyayari saakin at saamin pagkatapos ng kamalasan namin dito sa lugar na ito at isama mo pa si Mr. Psyche na balak pa yata kaming patayin dahil sa kutsilyo na kanina pa niya binabalandra sa harapan namin.

Sana ligtas ka Jewel.

Please be safe.

Habang nagmumuni ako hindi ko napansin na napalibutan ng itim na usok si Mr. Psyche at ito na ang hudyat para saamin ang tumakbo at magtago.

"Takbooooooooooooo!" Malakas na sigaw ni Kate.

"Tara dito!" Malakas na sigaw ni Kate.

Agad akong tumakbo sa pwesto niya at doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil sa pansamantalang kaligtasan namin.

Lumingon ako sa paligid at nagtatakang nahiwalay yata saamin si Skye.

"Si Skye?" Kinakabahan kong tanong.

Sandaling napayuko si Kate.

"I don't know, akala ko nakasunod siya sakin." Malungkot nitong saad.

OhMyGosh!

No.

It can't be.

"Guys! Im here, tara dito tayo." Napalingon ako sa narinig kong boses at sa di kalayuan ay nakita ko si Skye.

Sinenyasan ko si Kate na sumunod saakin para hindi marinig ni Mr. Psyche ang ingay.

Papalapit na kami sa pwesto ni Skye ng biglang sumigaw si Mr. Psyche.

"Hinding hindi niyo ako matatakasan!" Nakakatakot nitong sigaw sabay bato ng itim na bola na nanggagaling sakanyang mga palad.

Lalo akong nataranta kaya agad kong hinawakan si Kate at tumakbo papunta sa pinagtataguan ni Skye.

"Kahit saan kayo magtago ay mahahanap at mahahanap ko pa rin kayo!" Nakakatakot nitong sigaw.

He's not Psyche.

He's a Psycho.

Para siyang baliw sa kanyang ginagawa at parang hindi siya titigil hangga't hindi niya kami napapatay o nasusugatan man lang ng katiting.

"B-bakit may itim na bola ang lumabas sa kanyang mga kamay?" Nanginginig na tanong ni Kate.

"Mahika." Makahulugan kong sagot sabay masid sa kapaligiran namin.

Baka mamaya ay biglang sumulpot ang isang psycho sa harapan namin at patayin kami ng walang kalaban laban.

"Mahika? Magic?" Naguguluhang tanong ni Skye.

"Oo, pero hindi ito ang panahon para ipaliwananag sainyo ang ganung mga bagay." Seryoso kong sabi.

Tahimik lang kaming nagmamasid at nakikiramdam sa paligid, at wari ay may mali talaga na hindi ko maintindihan.

Hindi namin alam kung bakit kami napunta sa lugar na ito.

Hindi namin alam kung bakit at paanong nangyari na may humahabol saamin ngayon na may dala-dalang mahika sakanyang katawan.

Hindi normal sa paningin namin ang aming nasasaksihan ngayon sa psycho na iyon.

"Huli kayo!" Nakakatakot na sigaw ni Psycho.

Nagulat kami sa kanyang biglang pagsulpot at akmang hahawakan na niya si Skye ng biglang binato siya ng isang estrangherong lalaki habang kasama nito si Jewel at isa pang babae.

Biglang napangisi si Psycho ng makita niya ang ginawa ng estranghero sakanya.

Ghad!

Mukha siyang baliw sa paraan ng pagkakatingin niya sa tatlo.

"Lapastangan!" Galit nitong sigaw sabay bato ng itim na bola.

---------------------------------------------------------------------

Kate's POV

Nang biglang binato ni Psycho ang kanyang itim na bola ay bigla sumulpot sa harap namin sina Jewel kasama ang estrangherong lalaki.

Akala ko ay tatamaan sila.

Napatingin ako sa direksyon ni Psycho at ang kalaban niya ngayon ay yung babae.

Ano kaya pangalan nung babae? Parang sanay na sanay siya sa pakikipaglaban.

Halos atakihin ako sa puso ng muntik na itong tamaan ng itim na bola.

Sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko ay bigla akong nanghina.

"Mukhang matutuyuan ako ng dugo aa mga nakikita ko."

And everything went black.

---------------------------------------------------------------------

Nagising ako sa isang kwarto.

Sa mismong kwarto ko.

Napabuntong hininga ako.

Isang panaginip lang pala.

Pero bakit pakiramdam ko ay totoong totoo ang nangyari?

Bigla kong naalala sina Jewel.

Tatawagan ko na lang sila mamaya para i-check.

Pinilit ko ang sarili ko na bumangon pero pakiramdam ko ay sobrang bigat ng aking katawan.

Bakit ganito?

Halos maluha luha na ako dahil mismong sarili kong katawan ay hindi ko maigalaw.

Nagtaka na lang ako pagkalingon ko ay nag iba ang lugar na kinaroroonan ko.

Diba kanina ay nasa kwarto pa ako? Paanong nangyari na napunta ako dito.

"Prinsesa." Masayang sabi ng isang babaeng kulay pula ang buhok.

"Ako po ba ang inyong kausap?" Nahihiwagaan kong tanong.

"Malapit na. Magaganap na ulit. Maghanda ka." Makahulugan nitong sabi at bigla na lang akong napapikit dahil biglang nagliwanag.

Pagkamulat ko ng aking mga mata ay nandito na ako muli sa aking kwarto.

Bumangon ako at nagulat na naigagalaw ko na aking katawan.

Sinampal ko ang aking sarili kung ako pa ba ay nananaginip ngunit napaigik ako sa sakit dahil napalakas ko ang pagsampal sa aking sarili.

Binuksan ko ang pinto ng aking kwarto at nagulat kung sino ang bumungad saakin.

"Anong ginagawa mo dito?" Gulat kong tanong.

---------------------------------------------------------------------

Edited Part.

Happy Reading!

Crystal Academy: The Four Lost Princesses *UNDER REVISION* SLOW UPDATE!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon