"That's me."-Nakangiting usal ko habang iniisip ang nakaraan. Ngumiti siya tska hinawakan ang kamay ko.

"At hindi ko alam na darating ang araw na yun."-Mahinang usal nito pero sapat na sa akin para marinig ko at napa-kunot ang noo ko nang maramdaman ko ang tumulong luha sa pisngi ko. 

"Ang araw na malalaman kong may anak ka sa akin, may anak tayo. Hindi ko inakala yun"-Umiiyak na usal niya pero nanatili pa rin akong nakatingin sakanya. Yumukp siya at hinalikan ako sa labi.

"Mahal na mahal kita Jessielie Mendoza, kaya hayaan mo sanang ako naman ang mag-aayos sa sarili ko at aayusin ko itong gulong ginawa ko. Alam ko kung paano kita sinira, sinira ko ang kinabuksan mo, sinira ko ang pagkatao mo, at sinira ko ang Jessielie Mendoza na walang ibang ginawa kundi ang ngumiti at tahimik na lumuluha sa isang tabi. Hindi ko kayang ibalik ang nakaraan at hindi ko kaya linisan ang duming idinulot ko sayo sa nakaraan dahil hindi ko kayang ibalik ang oras pero sana. Sana hayaan mo akong tapalan ang mga butas na ginawa ko sayo, hayaan mong ibigay ko sayo ang pagmamahal na hindi ko ibinigay noon, tama na ang sakit na ibinigay ko sayo, sobra-sobra na ang hirap na dinanas mo sa mga kamay ko, ito na ang tamang oras para maging masaya ka. Ito na ang tamang oras para maging malaya ka."

Nanlaki ang mga mata ko at naramdaman ko nalang ang luhang dumaloy mula sa mga mata ko.

"Nasa sa'yo na ang desisyon baby. Matapos nang mga ginawa ko sa'yo patuloy pa rin kitang ibinabalik sa poder ko, ngayon ito na ang tamang oras, kailangan mong mamili dahil ito ang tangig paraan ko para malaman ko kung saan ka sasaya. Ito na yung pagkakataon mo Jessielie Mendoza para maging masaya. Masakit man sa akin pero mas iniisip ko na yung ikasasaya mo ngayon kaya sana, sana ang pipiliin mo ay ang ikasasaya mo. Dapat mong isipin 'kailangan ko ng maging masaya.'"

Hindi ako makapgsalita dahil habang binibgkas niya ang bawat salitang yun ay nakikita ko sa mga mata niya ang sakit na nararamdamn niya.

"jessielie Mendoza, yayakap ka pa rin ba sa isang katulad ko? O bibitaw ka na at lalayo para hanapin ang sarili mo?"-Umiiyak na tanong niya. 

Nanlaki ang mga mata kong nakatingin sakanya pero siya ay umiiyak pa rin. 

'Ano ba ang desisyon ko? Ito na ba ang tamang oras para maging masaya ako? Napaka-rami na ng pinagdaanan ko sakanya halos lahat ng pasakit ay ipinaramdam niya, ipinaramdam niyang hindi ako isang asawa at parang ipinaramdam niya rin sa akin na hindi ako tao o babae. Zig Standford, tama ka, kailangan ko ng maging masaya, kailangang kailangan ko ng maging masaya.

Zig's POV

Masakit mang sabihin pero kailangan sabihin. Yun lang ang paraan ko, ayaw kong sabihin sakanya sumama na siya sa akin at magsimula muli, ayaw kong manggaling sa bibig ko iyon, gusto kong siya na ang dapat mamili sa kung saan siya sasaya at kahit ikasasakit ko ang isasagot niya, tatanggapin ko dahil kasiyahan na niya ang iniisip ko ngayon. I have to accept everything that she wants to say. I lover her so much and I'll risk everything para sa ikasasaya niya. 

Lumipas ang ilang minuto kaming nagkatitigan sa isa't isa.

"Zig."-Nanginginig na pagtawag niya sa akin.

Buong akala ko ay masasaktan ako sa isasagot niya.  Hindi ko inakalang ...

Niyakap niya ako at isiniksik ang mukha sa leeg ko. 

"Yayakap pa rin ako sayo. H-Hindi ako bibitaw."-Umiiyak na sabi nito.

Napapikit ako at mahigpit rin siyang niyakap.Napaluha ako at napatingin sa langit.

'Mom, I have her.'

'God, than you for giving me this wonderful woman. I'll cherish her and I'll fight for her. Hindi ko sasayangin ang chance na ito.'

"Jessie. Thank you for choosing me. I love you so much baby. I love you."-Umiiyak na sabi ko and I pulled her for a kiss, a passionate and sweet one. Humiwalay kami sa isa't isa tska muling yumakap. 

"But how about your family?"-malungkto na tanong niya so I faced her and pinch her nose.

"Do you have to spoil the moment ha baby?"-I asked smiling and I kissed the tip of her nose.

"I'll fight for you. Mahal na mahal kita Jessielie Mendoza at ito na ang tamang oras para maging masaya ka, ako at tayong lahat. Tama na ang paghihirap babe."-Iusal ko tska siya hinalikan sa labi, smack. Pero bigla akong may naalala and I should say sorry for it, I cupped her cheeks.

"And I'm sorry if I called you names before."-Sincere na paghingi ng tawad ko, bahagya siyang nagulat pero makaraan ang ilang minuto, matamis siyang ngumiti at niyakap ako.

"I love you Jess, mahal na mahal."

"Mahal na mahal din kita Zig Standford. Mahal na mahal."

Hindi ko ito inaasahan pero napaka-saya ko, sobrang saya. Sayang lang at wala na si mama dahil alam kong ito ang gustong-gusto na niyang makita. Pero alam kong nakikita niya kami at masaya na rin siya.

***

Tapos na! Hahaha Joke lang! Hihi

Salamat readers :) thank you sa support. Salamat sa patience ninyo, hindi ko iyon malilimutan haha love ya'll lovelots! Wait for my next update tho :)

I share niyo sana si CrazyMedusa sa iba haha para naman  makilala nila ang stories ko salamat!

Sold to the CassanovaWhere stories live. Discover now