"P-parang awa mo na Jessie. Huwag mo ng iiwan si Zig, dito ka na sa pamilya mo. Huwag ka ---"

"Aalis na kami at nakikiusap ako sayo, huwag niyo na kaming hanapin, hayaan mo na ako Ellis, hindi kami nararapat sa pamilya na ito."-Nag-umpisa na akong mag-lakad pero nang dumaan ako sa tabi niya ay agad niya namang hinawakan ang braso ko pero malakas kong binawi ang braso ko mula sa kamay niya at kita ko kung paano siya nagulat.

"Kapag pinigilan mo ako rito, gagawin kong impyerno ang buhay mo pero kapag hahayaan mo ako at ang mga anak kong umalis, tatahimik tayong lahat, wala ng gulo dahil yun din naman ang hiling mo diba? Ang magkaroon ng peace? Well, maibibigay ko saiyo yun kapag hahayaan mo ako, kaya mamili ka na."-Matigas na sabi ko at tumayo lang habang hinihintay ang lintanya niya.

"J-Jessie, ang hinihiling kong peace ay hindi ang paglayo na isa't isa, gusto ---"

"Aalis ako o impyerno? Baka gusto mong mawala ng tuluyan ang sanggol sa sinapupunan ng pinakamamahal mong bruha?"-Nakangising sabi ko, rinig ko ang pag-singhap niya at malamang sa malamang hindi siya pabor dun. Sino ba namang magulang ang may gusto? Kaya nga yun ang pinapili ko dahil alam kong hindi siya pabor sa choices ko. Hindi siya naka-sagot kaya naman umalis na ako doon, nasa pinto na ako ng bahay ng may marinig ako pero hindi ko ginawang lumingon pa dahil kailangang umalis na. 

NANG matapos ko nang mag-impake na inabot ng isang oras, tinawag ko na ang mga anak ko tska kami bumaba dala ang ilang bagahe.

"Mommy where are we going? Where's dad?"-Sunod-sunod na tanong ni Zane. Lumuhod ako at pinantayan siya.

"Babalik na tayo sa dati nating house. Gusto mo yun diba, but daddy will not come because he's busy with his business."- Pumalakpak silang tatlo na ikinangiti ko. Napabuntong hininga ako tska lumabas, buti nalang nasa hospital ang  mga tao ngayon, mukhang umaayon ang tadhanang maka-alis ako dito. Lumabas na kami at saktong napalingon ako sa pool area  pero kumunot ang noo ko ng makita ang wheelchair ni Ellis pero wala siya doon, walang ibang tao dito sa bahay kaya sino naman ang tutulong sakanyang makatayo mula sa wheelchair.

"Mom should we say goodbye to dad, lola, lolo, and tita that we will go na?"-Clancey asked, I smiled and cupped her cheeks.

"Go back inside first, wait for me there okay. I am just going to check on something."-Nagsmile sila tska tumango-tangong pumasok sa loob, nilingon ko muli ang pool area tska nag-umpisang mag-lakad papunta doon pero laking gulat ko nalang na makita si Ellis na lumulutang sa pool na mayroon pang bahid ng dugo.

Nanlaki ang mga mata ko at napatakip sa bunganga. A-ako ba ang may g-gawa niyan?! Hindi na ako tumunganga pa at dali-dali akong pumasok sa loob at kumuha ng towel.

"Zane! Pumasok kayo sa van, ngayon na!"-Malakas na sigaw ko na agad rin naman nilang sinunod, kumuha ako ng towel at first aid kit, bumalik ako sa pool area at nadatnan ang mga anak kong umiiyak at nakatitig sa pool. 

"Zane! In the van!"-Malaks at galit na sigaw ko. Mangiyak-ngiyak silang tumakbo papunta sa van. Sinugod ko ang pool at agad na dinala si Ellis sa sementong area, umahon ako sa pool at nilapitan siya, hirap man ay pinilit kong dalihin siya sa wheelchair, matapos ang ilang minuto, naiupo ko na siya doon, dinala ko agad siya sa van tska isinakay, sumakay na ako sa drivers seat at pinaandar. Yung towel!

"Zane!"-Malakas na pag-tawag ko sakanya, maaasahan ko si Zane, I know he can help me.

"Kunin mo ang towel at ibalot mo sa lola mo, lahat ng towel ibalot mo!"-Malakas na sigaw ko, sumi-singhot pa ito pero ginawa rin ang sinabi ko. Matapos ang ilang minuto, narating ko na  ang hospital at itinapat ito sa may emergency area, agad akong tinulungan ng mga doctor at nurse doon. Pumasok sila sa isang room pero hanggang doon nalang ako, napa-hilamos ako at napaupo sa may pintuan. Tumulo ang luha sa mga mata ko. Inisip ko ang nangyari hanggang sa maalala ko yung ingay na narinig ko, it was like a water. Napatakip ako sa bibig ko nang maalala ang nangyari.

"S-she's been down for an hour."-Takot na bulalas ko.

What have I done?

"Jessie!?"-Napa-angat ako ng ulo at tumambad sa akin ang kunot noong si Zig.

"W-what are you doing - Why are you crying?! Sinong nasa loob? Yung anak ---"

"It's your mom. I-I'm sorry!"-Umiiyak na sabi ko, nanlaki ang mga mata niya.

"A-anong nangyari?"-Nanginginig na tanong niya.

Takot man ay buong lakas kong sinabi sakanya ang nangyari. Nanlaki ang mga mata niya at kita kong galit ang mga ito. Dinuro niya ako.

"If something happened to her. F-forget that you have kids."-Nanlaki ang mga mata ko at napa-hagulgol.

Kanina lang ay sinusumbatan ko siya at hindi ko aalain na hahantong sa ganito ang nangyari. God help me. What have I done?

Napa-salampak ako sa sahig at parang baliw na umiyak ng umiyak. S-sana maging okay siya.

CrazyMedusa

Sold to the CassanovaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon