Chapter 1

38.6K 384 18
                                    

Arci's POV

"Good morning anak.. Naka handa na yung breakfast mo sa baba. Sumabay ka na sa akin at kaumain na tayo.."

Bumungan sa akin ang mukha ni Mommy pag ka bukas ng pinto.. First day of classes ngayong 4th year na ako at medyo crucial ang taon na 'to para sa pamilya ko.. Ang dami dami kong kelangang pag handaan. Hayy. 

Unti unti akong bumangon at linigpit yung hinigaan ko.. Saka lumabas ng kwarto at sinundan si Mommy pag baba ng hagdan.

Ako si Nicolai Arci Rivera. Tagapag mana ng Rivera and Associates Corp. Mayaman ang aking pamilya pero hindi ako yung tipo na spoiled, maarte at nag sususungit sa ibang tao.. 

Hinahanda ako ng mga magulang ko para sa pag mamana ng company dahil pag tungtong ko ng 18, hands on na ako sa trabaho..

Pero ngayong 4th year, pinangako ko sa sarili ko na kelangan ay ienjoy ko din naman ang taon na 'to..

Nakahanda na nga ang pagkain sa mesa.. Umupo ako at pumulot ng tinapay saka linagyan ng palaman..

"Nicolai.." I looked up and nakita ko na naka tingin pala sa akin si Dad. 

"First day mo ngayon ng 4th year mo. Huling taon mo na kaya pag butihan mo. Sa loob ng dalawang taon, tuturuan na kita sa kumpanya kaya ayusin mo.." Sinabi niya 'to ng matigas.. Saka tumayo na at lumabas ng dining area. 

Yan ang nakaka pressure kong tatay. Si Ricardo Rivera. Matangkad siya at di masyadong mukhang matanda na. Sa edad nya nga ngayon ay andami paring babaeng humahanga sa kanya.. Grabe no?

Nang matapos ko yung pagkain ko.. Umakyat ako ulit at naghanda na para pumasok. Sa loob ng isang oras, handa na akong umalis. 

Pag baba ko, kiniss ko si Mommy at nagpaalam na.. 

Sumakay ako sa kotse ng rinegalo sa akin ni Dad nung nag birthday ako ng 16 at saka na umalis.

_________________

Kamille's POV

6am pa lang handa na akong umalis ng bahay. Dahil 1st day of classes ngayon, nag sabi si Papa na ihahatid na daw niya ako.. Oh ang sweet diba? Hehe.

Katatapos kong lutuin ang almusa nila Mama at Papa ng ulam ng lumabas ang dalawa galing sa kwarto nila.

"Good morning anak.." 

"Good morning ma, pa.. Kumain na po kayo. Pinag handa ko na kayo ng almusal." Ngumiti ako sa kanila at saka 

 "Aba nama'y napaka alaga ng anak ko.." Sabi ni Papa at umakbay saakin bago siya umupo at mag simulang maglagay ng pagkain sa plato niya..

Ganun na rin ang ginawa ni Mama

Nang matapos sila, humalik na ako sa mga pisngi ni Mama at sumakay na kami ni Papa ng kotse..

Umalis na kami

Ako si Kamille Rian Gomez. 4th year high school student.. Isa ako sa mga nag t'top sa klase at palaging kasama sa mga officers ng class pati na ng council.. Hindi kami masyadong mayaman.. Pero hindi rin naman mahirap. Katamtaman lang..

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang