Chapter 14

9.2K 159 2
                                    

Kamille's POV

Pag bukas ko ng pinto..

Tumambad sa akin yung mukha ng taong iniisip ko kanina. Ganun ba talaga yun? Iniisip pa lang kanina.. Andito na ngayon? Baka nananaginip ako?

Kumurap kurap ako..

Andun pa din siya.

 

Gulat din yung muka niya.

 

Kinurot kurot ko yung sarili ko.. Masakit. Hindi panaginip?

Bumalik ako sa loob ng unit ko ng mabilisan.

Ang bilis ng pintig ng puso ko. Siya ba talaga yun? Nakakabingi yung pagkalabog ng puso ko. Siya nga yun?

 

Andito si Arci..

Binuksan ko ng bahagya yung pinto para sumilip kung andun pa siya. At andun pa nga siya. Kanina ay mukhang gulat ehh ngayon naka ngiti na siya..

Lumabas na ako at sinarado yung pinto sa likod ko. Tapos tumayo ako na nakasandal sa pinto.

Lumapit siya sa akin saka ginulo yung buhok ko.

"Ang cute mo.. Namiss kita." Tapos ngumiti siya.

Ayy hehehehe. Kinikilig ako? Yiiieeee :""">

"Ah-ehh hehehe. Kain tayo?" Niyaya ko na lang siya. Ang awkward. Nakakahiya. Alam kong by this time ay namumula na ako.

"Sakto gutom ako..Haha." Tapos saka niya ako hinatak.

Habang nakasakay sa elevator ay walang umiimik sa aming dalawa pero bakas sa mukha niya yung saya na nakita niya ako. Syempre tingin tingin din pag may time haha. Di ko mapigilan yung ngiting humuhila sa labi ko hanggang Mars. Totoo man namiss ko talaga si Arci.


Ang dami ding nangyari nung wala siya. Pinilit ko siyang kalimutan. Sinubsob ko yung sarili ko sa pag aaral tapos pag weekends naman ay tumatakbo ako doon sa subdivision namin. Walang araw na hindi ko pinapagod yung sarili ko. Kahit anong trabaho noon sa school ehh inaako ko para may mapagkaabalahan.

Minsan napalagalitan na nga ako nila Mama kasi hindi na daw ako nakakakain ng maayos o nakakatulog man lang.

 

Pag dating ng 3rd year college ay dumami ang ginagawa ko dahil nakasama ako sa tatlong organizations sa school noon. Tapos nagkaroon din ako ng ilang manliligaw nun. Haha. Natuto na kasi akong mag ayos ayos sa sarili ko kasi nga gusto kong mag move on at mainlove sa lalake. Yung mamahalin ko ng higit sa pagmamahal ko kay Arci pero wala ehh. Wala akong nakita. Si Rachel naging kasama ko nung naging broken kay Arci. Isang araw.. Hindi na siya pumasok si Arci sa utak ko. Pero sa tuwing maririnig ko ang salitang Love.. Siya palagi ang naiisip ko. Hindi ko gets kung naka move on na ba ako o ano. Pero ngayong andito siya.. Clear ang lahat. Mahal ko pa siya at hindi man lang nabawasan.

Then a realization hit me.

Pano kung siya naka move on na? Pano kung may mahal siyang iba? Pano kung may boyfriend na siya ngayon? O kasal na? Ha? Ano naiisip ko.

Nabalik ako sa katinuan nung nag wave si Arci sa harap ko.

"Wui. Ayos ka lang?"

"Ahh?"

"Sabi ko anong gusto mong kainin?" Sabay kamot niya sa ulo.

"Hehehe. Sorry. Uhmm. Gusto ko ng something greasy. Dun sana ako pupunta kanina sa fastfood doon ohh.." Tinuro ko yung Mcdo dun sa kabilang kanto.

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now