Chapter 22

7.8K 104 3
                                    

Kamille's POV

8:54 am

Discharged na siya.. kaso may ilang bad news.

  

Ten minutes ago nung nakita ko yung text ni Kara sa akin. Dalawang linggo na naka confine si Arci sa hospital at sa loob ng dalawang linggo na yun.. Hindi ako makagalaw ng maayos o makapagtrabaho.. Kahit manood ng TV dito sa bahay hindi ko magawa ng maayos.

  

Madalas akong napapatulala at bigla bigla na lang papasok sa utak ko yung huling kita ko kay Arci. Puno ng maliliit na sugat yung mukha niya. Tinamaan daw yun ng mga bubog gling sa nabasag niyang windshield tyka window. Tapos may nakapulupot na gauze sa ulo niya. Tumama kase yung ulo niya sa bintana bago nabasag kaya nasugat. Yung namang mga braso tiyaka yung binti niya may mga sinementong parte. 

  

Ilang beses kaming nakabisita kay Arci nun pero dahil lang sa tulong ni Ms. Jean. Siyempre hindi naman kami pwedeng bumisita pag andun yung parents niya. Laking pasalamat ko lang kase hindi saamin nag susungit si Ms. Jean.

  

Nung nabasa ko yung message ni Kara pagkagising ko.. Para bang nabuhayan ako ng loob kase for the first time may good news din na dumating. Ang kaso.. may kasabay din palang bad news. Ano kaya yun?

Hindi ko tuloy maiwasang isipin kung san kaya uuwi si Arci. Dito ba? O sa bahay ng pamilya niya. 

 

Hindi ko na nireplyan si Kara. Agad agad na akong naligo at kumain kase alam ko pupunta yun para sunduin ako. Tatawagan nanaman niya si Ms. Jean para tanungin kung pano kami makakapag kita ni Arci.

  

Appreciate ko talaga yung mga tinulong ni Kara sa akin kase kung wala siya siguro namatay na ako kakahanap ng paraan para makita ko si Arci. Hayy. Sobra na ata akong nagiging dependent sa ibang tao. -_____-

  

Pero no big deal kase para din kay Arci yun. At para saamin. Wala naman akong magagawa eh. Hayy naku. 

  

Di nga ako nag kamali. Pakatapos kong maghanda para umalis, nakatanggap ako ng message galing kay Kara na malapit na daw siya. Kaya naman bumaba na agad ako.

  

*Bzzt bzzt bzzt bzzt bzzt*


Mrs. Ven Calling...

Hala. Tumatawag yung client namin. Wala naman kaming usapan ngayon ah. And alam ko si Ranz ang nakikipag deal sa kanya. Bakit sa akin siya tatawag?

"Hello po Ma'am. Good morning.."

  

"Good morning hija. May itatanong lang sana ako.." 

  

"Ano po yun Ma'am?"

  

"Si Mr. Ranz kase wala pa. May usapan kami ngayong 9am pero 45 minutes na siyang late. Can you take his place right now? Nagmamadali kase ako and I have other appointments."

Shit. Pano ba 'to.

"I will check on Ranz po and his whereabouts and see if he will be able to attend to you as soon as possible. If he is not available po I will replace him. Meron po kase kaming ethics na we don't handle the clients of our team mates. Please hold on for a minute po and I will get back to you."

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now