Chapter 23

7.8K 124 10
                                    

Arci's POV

"...kase pinaalis ko siya."

Wala daw si Kamille kase pinaalis siya ni Kara. Walang sense. Bakit niya gagawin yun? Hindi na ako nakaimik nung narinig ko yung sinabe niya. Alam ko may good reason behind. Pero hindi ganun kagaling sa pag gana yung utak ko para maprocess niya yun.

"Hindi lahat ng nangyare sayo, kasalanan ni Kamille. Wag mong sabihing pati yung pagkaaksidente mo, sinisisi mo din sa kanya?"

Wala pa din akong imilk.

"Alam mo.. Linisin mo yung utak mo minsan ha.. Kase parang ang dami dami nang virus niyan."

"Ano ba.. Hayy naku. Sige. Ikaw nang pinaka masermon na bestfriend sa mundo. Daig mo pa nanay ko kung makapagsalita ka ah." Pailing iling kong sabi. Hay naku. Totoo naman diba.

"Bakit dimo kausapin si Kamille? Para magkalinawan kayo. Para dika magmumukmok habang nagpapagaling ka."

"Bakit mo siya pinaalis nun?" Bigla kong tanong. Ewan. Di ko maalis kase sa isip ko.

  

"Simple reason dude. Andun parents mo. Wala sa room nung nag seizure ka pero I have to keep her safe, away from your parents. Ano na lang iisipin nila pag nakita siya dun? Pero I wasn't successful. Still, hindi ko siya na keep safe."

  

"Ha?"

"Kausapin mo siya dude. Yung kayong dalawa lang. Yung maayos na paguusap. Wala ako sa posisyon para magsalita para sa kanya. Mas maganda yun. So you will hear from her. From her lips and through your ears. Ok?"

Tumango lang ako.

"I have to go. May mga ilalakad pako sa work. I'll see you soon."

Nagpaalam siya kay Ms. Jean saka naman siya dali daling umalis habang may kausap sa phone na sinasabihan niyang "Oo sandali. Papunta na ako. Konting pasensya naman ha."

Nagsara na yung pinto.

Pagkaalis niya, sumunod na din kami kase kailangan ko nang bumalik sa bahay baka hanapin ako dun. Hay nako. Ang hirap naman nito! Wala akong sariling oras. Tsk.

______

Kamille's POV

Wala akong magawa sa bahay. Mag tatatlong oras na siguro akong nakatunganga dito sa TV kahit di ko naman pinapanuod yung palabas. I need to get out. Kahit saglit lang. Kailangan kong maglabas ng bad vibes na nasa katawan ko ngayon. Hayy

"Hello." Si Rachel tinawagan ko sa phone.

"Best. Asan ka?" Sabi ko.

"Nasa work pa ako. Bakit bigla kang napatawag?"

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora