Chapter 19

8.5K 132 2
                                    

Kamille's POV

Hindi ko alam kung ano nang nangyari matapos nun. Para bang nalasing ako sa halik niya? Yung nahawa ako sa kalasingan ng taong nasa harap ko ngayon. Hindi ko alam kung pano natigil yung ginawa niya.. Napansin ko na lang na nakatulog na talaga siya sa antok. Tinuloy ko yung pag palit ng shirt niya matapos nun pero hanggang dun lang talaga. Hehe. Wala na akong ginawa pang iba. Baka mamaya san pa mauwi to.. 

Ay ano bang iniisip ko? Tsk tsk.

Nung matapos ko siyang mapalitan, nilakasan ko ng bahagya yung aircon niya. Sigurado mainit ang pakiramdam niya. Pero pinasiguraduhan ko na lagyan ng comforter sa tabi niya para kung lamigin man, makuha niya ng mabilisan. 

  

Kinuha ko yung susi ng unit niya at lumabas para makapunta sa sa malapit na drugstore. Alam ko kase may nabibiling gamot eh. Yung powder lang na tinataktak sa bibig ng mga lasing? Yung papasundan ng tubig pagkatapos.. Basta alam ko meron nun. Kaya lumabas ako kahit madaling araw na. Medyo malamig sa labas at nakalimutan ko pang mag jacket kaya medyo nanginginig ako. 

  

Ayun! Meron nga nung sinasabi ko haha. Buti na lang nakahanap. Para naman pag nagising si Arci, hindi na siya magkaron pa ng hangover. Pagkabalik ko sa loob ng unit niya, naghanda agad ako ng tubig saka ko binuksan yung sachet nung gamot. Dali dali akong lumapit kay Arci para mapaupo siya kahit konti lang. Inayos ko yung unan para medyo mataas saka ko binuhat si Arci ng konti. Haaaay. Ang bigat naman.

  

Binuksan ko ng konti yung bibig niya saka ko tinaktak yung powder. Medyo gumalaw siya at kumunot yung noo niya. Hehe. Cute talaga.. Tinapik tapik ko siya para medyo magising.. Mahirap na baka masamid pa siya kung ipainom ko yung tubig habang tulog na tulog. 

"Hmmm.." Nakakunot yung noo niya..

  

"Inom kang tubig oh. Dali. Para matunaw yung gamot.. Hmm. Eto." Nilapit ko sakanya yung baso.

  

Tumango naman siya. Inalalayan ko siya sa pagkakahawak nung baso. Parang uhaw na uhaw siya nung uminom ahh. Nangalahati na yung tubig nung inilayo niya yung mukha niya sa baso saka siya sumandal sa mga unan. Kaya naman inayos ko na ulit para makahiga na siya ng kumportable. 

  

Kinuha ko na yung shirt at jacket niya na basa na dahil sa pawis. Sinampay ko muna para matuyo. Saka ako pumunta sa kitchen at tiningnan kung anong meron sa ref niya. Kailangan niya ng mainit na sabaw. Kahit ano. 

  

Hanap.. Hanap pa.. Halungkat.. Hanggang sa..

Ayun! 

  

Nakuha ko yung lalagyan niya ng mga bawang, sibuyas tiyaka kamatis. Naghanap pa ako ng ibang pwede. Hayy. Ang konti naman ng laman. Puro processed food. Tsktsk. Dipa ata siya nakakapamili mula nung nakarating siya galing states. Nakakita ako ng lata ng corned beef.. Merong bacon.. Tapos ilang itlog.. Merong soup stock.. Hmm ano kayaa. Hanap pa ako. San kaya yung bigas niya. Lingon lingon.. Tapos nakakita ako ng parang patayong container sa tabi ng ref. 

  

Ayun na siguro.. Hmm. Binuksan ko at tama nga. Andito yung bigas.. 

  

Limitado sa ingredients.. Teka nga. Punta muna ako sa unit ko. Kukuha na lang ako ng ilang ingredients dun. Kokonti lang ehh. 

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Место, где живут истории. Откройте их для себя