Chapter 11 - Part 2

9.7K 148 2
                                    

Kamille's POV

Ilang araw nang di pumapasok si Arci mula nung narinig ko yung pag uusap nila ni Kara.. Kahit isang text man lang wala akong natatanggap. Ilang beses ko din siyang tinext at tinawagan hoping na mg rerespond pero wala ehh.

Pumapasok naman si Kara pero I noticed na umiiwas siya sa mga tao. Lalu na sa akin.. Kaya ngayon parang back to normal ang lahat. Pero kulang na kulang ang mga araw ko.. Walang Arci sa tabi ko. </3

Alam na ni Rachel lahat ng nangyari.. Kung san kami nag punta at ano ang mga nangyari that weekend. Pati yung pag uusap na narinig ko ay naikwento ko sa kanya.

"Friend.. Mukha kang sabog. You need rest.."

Ilang beses ko nang naririnig ang linyang yan galing kay Rachel.. I'm a mess ngayon. Hindi ako makatulog ng maayos. Hindi din ako makapag concentrate sa pag aaral. There's something at the back of my mind na hindi ko maintindihan. As if may dadating na malaking delubyo sa buhay ko..

Sa mga araw na wala si Arci, para lang akong zombie. Aral.. Kain. Pahinga.. Tapos tumutulong sa gawaing bahay. Pero wala ako sa sarili..

I guess too good to be true yung sa amin ni Arci..

*KRIIIIIIIIIING*

Nag ring na yung bell na hudyat ng umpisa ng mga klase.

Nagsiupo na yung mga kaklase ko s kanikanilang lugar. Ako naman ay tumungo sa desk ko.. Eto nanaman. Isang araw nanaman akong walang gana.

Nang makarinig ako ng mga bulungbulungan.

Inangat ko ang aking ulo. At andun siya. Pero there seems to be a problem dahil andun lang siya sa labas. Andun din si Kara at parang merong silang pinag aawayan.

Kumakabog ng malakas yung dibdib ko nang biglang lumingon sa direksyon ko si Arci.

Agad niyang binawi yung tingin niya. Pero may nakita ako sa mata niya. Nag aapoy na galit. Galit ba siya sa akin? May nagawa ba ako? Shit naman to! Di ako makalapit sa kanya. Ugh!

Saktong dumating yung adviser namin..

Nag usap silang tatlo. Para bang sinesermonan ni Sir si Arci. Nakatungo lang siya. Si Kara naman ay parang gusto nang umiyak. Ano bang nangyayari dito?!

Hanggang sa nakita ko na lang na may inabot si Arci na papel.. Parang pinirmahan naman ni Sir. Tapos pumasok na si Sir ng classroom habang naiwan yung dalawa sa labas. Nag uusap pa din sila. Tapos nagyakapan at saka umalis na si Arci.

Hindi ako nakapag concentrate buong araw.. Kahit nga paglalakad ng maayos ngayong pauwi na ako ehh ang hirap hirap. Ang bibigat ng mga paa ko.

"Wuii! Kanina pa kita tinatawag. Phew! Grabe. Di mo ba ako naririnig?" Hingal na hingal si Kara. Hinabol niya ata ako?

"Ohh. Ayos ka lang ba? Pahinga ka ohh." Sabay turo dun sa bench na nasa guard house.

Umupo siya ng dali dali. Mukha siyang pagod na pagod. Umupo na din ako sa tabi niya. Nung medyo nakahabol na siya ng hininga..

"Oh.. She asked me to give this to you." May inabot siyang sobre na naka seal.

Binaliktad ko.

Kamille.

"Babasahin ko na ba dito?"

"Ikaw bahala.."

Tapos tumayo na siya. Pero bago pa siya umalis ay niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Lalu tuloy akong kinabahan sa kung anong laman nitong sobre. Unti unti kong naramdaman na nababasa na yung balikat ko. Saka ko narealize na umiiyak na pala siya.

"Ohh. Bakit ka umiiyak? Hayy.." Napabuntong hininga ako at kumalas ako sa yakap niya. 

Umiwas siya ng tingin tapos pinunasan yung luha sa mukha.

"Sorry. Tsk. Sorry. Una na ako ha? Ingat ka.."

Saka na siya dali daling tumalikod at umalis.. Naiwan ako dun ng nakatunganga ng medyo matagal. Bumalik lang ako sa katinuan nung kinalabit ako ni Manong Guard para sabihin na isasarado na nila yung gate. Shit. Ginabi pa ako..

Mag e'eight pm na ako nakauwi sa amin kase dumaan pa ako dun sa tindahan para makabili ng ulam. Di na kase ako makakapagluto eh.

Pakatapos kong maligo at makakain ng hapunan ehh pumunta na ako sa kwarto para mabasa kung anuman ang laman nung envelope. Kanina ko pa pinipigilang macurious. Kahit nung pauwi na ako ay gusto ko nang buksan pero baka di ko kayanin ang nakalagay dun at mapaiyak sa daan kaya naman pinigilan ko..

Bumuntong hininga ako nang unti unti kong ginugupit yung dulo. Binunot ko yung nakatuping papel sa loob at nagulat ako nang may nalaglag na keychain sa lap ko. Andoon yung initials ko tapos may maliit na note na naka tape sa dulo.

Iloveyou. -A

Nanaba ang puso ko sa nakita ko. Kahit yung lang ay parang naginhawaan ang buong katawan ko.. Ano kaya ang laman ng sulat niya?

Kamille,

Ang dami kong gustong sabihin sa'yo pero hindi ko kase alam pano kita mare-reach. Yung bang safe? Yung walang masyadong tao ang makakaalam. This past few days, napapansin mo siguro na hindi ko sinasagot ang mga tawag o text mo. Hindi na din ako pumapasok. May malalim na dahilan yun. Tanungin mo kay Kara para malaman mo dahil sobrang haba kung dito ko pa isusulat. Lilipat na ako ng school at titigilan ko na din ang pakikipag kita kay Kara at sa ibang barkada ko. Gusto ng family ko na mag focus ako sa pag aaral ko kase malapit na akong mag graduate at kasabay nun ang pag uumpisa kong maging hands on sa company nila Dad. Para sa college naman, mag kakaroon lang ako ng personal kong professor. Hindi ako papapasukin sa kung anumang school para daw mabantayan ako. 

Hey. I'm sorry kasi nadawit ka pa sa akin. I know masasaktan ka dahil sa nangyaring 'to lalu na sinabi mo sa akin na mahal mo ako. And I love you too. Can you wait for me? Ako sana gusto kitang balikan if ever pero ayoko namang itali kita sa relationship na hindi mo ako makikita o makakausap. Kaya I'm really sorry Kamille. Mahal na mahal kita. 

- Nicolai Arci 

Naramdaman ko na yung mainit ng patak ng luha na gumugulong sa pisngi ko. Bakit ganoon? Hayy. 

Pero di na ako aasa dun sa hintayan? Hindi na. Mali din naman ako na na fall ako sa kanya kase alam ko naman simula't sapul na may mangyayaring ganito. Mas okay na yung sinubukan ko at nalaman na mahal niya rin ako.. 

Pero masakit eh.. Sana naman.. Hayy. Basta. 

I NEED TO MOVE ON.

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now