Chapter 7

14.9K 197 2
                                    

Kamille's POV

Nakatulog ako na hindi nawawala ang init ng kamay ni Arci. Ang sarap ng init na yun. Kahit na medyo masakit sa likod ko na maupo sa sasakyan ng matagal, parang napawi lahat ng iyon dahil sa pag hawak niya sa kamay ko.

Nagising ako nang naramdaman kong medyo mabagal na ang takbo namin at parang paakyat ang sasakyan. Hindi na din ganon ka patag ang dinadaanan namin.

Pag mulat ng mata ko, madilim na yung dinadaanan namin. Wala nang mga street lights. Wala na din yung kamay ni Arci.. Mukhang nahihirapan siya sa pag ddrive dahil naka lapit ang mukha niya sa manibela at gamit na niya ang dalawang kamay. Nasa harap namin ang sasakyan ni Kara.

Maya maya pa ay tumigil na kami sa parang isang patag na lugar.. Wala akong nakikita pero pakiramdam ko nasa mataas na lugar kami..

Humarap sa akin si Arci nung pinatay niya ang makina ng sasakyan.

"Gising ka na pala.. Andito na tayo." Ngumiti siya..

Tumingin siya sa clock ng sasakyan.. 2:27 am na. Grabe. Kinaya niyang mag drive ng ganun?

Bumaba siya sa sasakyan. Bababa na din sana ako nang nakita ko siyang andun sa may pintuan ko at pinagbuksan niya pa ako.. Inalalayan din niya akong makababa at hinawakan ang kamay ko pag katapos.

Inalalayan niya pa ako sa paglalakad.. Sobrang presko ng hangin. Ang sarap sa mukha..

Tapos..

Napanganga ako sa nakita ko.

Merong white house dun sa tuktok ng bundok. Literally. Mataas yung bundok na to. Yung tuktok niya ay parang merong mababaw na crater na may humigit o kumulang 1 kilometer na diameter.

Yung bahay ay nasa gitna.. Siguro 4 storeys siya. Maliit lang pero mataas ito.. Siguro ang lapad nun ay nasa 10 meters lang. Pero mataas talaga. Parang bulding.

Lahat ay puti ang pintura at puro glass sa harap. Meron lang na mga accentuating lights na kalat kalat na color warm yellow.

Tuloy tuloy pa kaming nag lakad at tumigil kami dun sa may pinto ng bahay. Ang lapad naman ng pintuan..

Tumawag si Arci sa phone. At matapos ang ilang minuto may nag bukas ng pinto. Pumasok kaming apat.

Ang ganda ganda sa loob.

Pag pasok ay may lobby na mataas ang ceiling at ay chandelier ito na simple lang pero galante.

Pag dumeretso ka pa ay merong living room. Lahat talaga pati sa loob ay puti.. Ang ganda talaga. Makalaglag panga..

"Hayy. Pagod na ako. Namiss ko yung bahay ni Lolo. Hehe." Si Arci na naka tingala with her dreamy eyes.. Ang cute niya. Hehe

Umupo naman kami dun sa sofa sa living room.. Si Arci naman ay lumabas at pag balik niya, dala niya yung bag ko at bag niya..

"Dalhin ko na sa kwarto.." Tumingin siya sa akin.

Nakita niya siguro ako na parang nagulat ako.

"Uhm.. Gusto mo magsariling kwarto?"

Di ako nag salita..

Nag tuloy tuloy na siya pag akyat niya sa hagdan.

Gusto ko nga bang mag sariling kwarto?

Hehehe. Ano naiisip ko? :))

Pagka baba ni Arci.. Nagpaalam na si Kara na aakyat na daw sila. Meron na nga siguro silang sarisariling kwarto dito..

Umupo naman sa tabi ko si Arci.

"Ayaw mo pang matulog?"

Bago pa man ako makapag salita..

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now