Chapter 30

7.2K 98 4
                                    

Kamille's POV

Pag pasok namin sa restaurant ni Arci, andun na sila Kara kasama si Ms. Jean. Kumaway sila kaya naman agad namin silang nakita. Medyo malayo sa entrance yung table na kinuha nila. Nasa bandang gilid, may katabing malaking bintana na nakadungaw sa beach. Ang ganda ng view. Makikita mong buhay na buhay yung lugar kahit na medyo madilim na. 

Maganda yung restaurant. Ang cozy ng ambiance. Warm yellow lang yung mga lights nila. Feel na feel mong nasa beach ka dahil sa mga ilaw tiyaka sa display nila. May mga surfboards na naka display sa walls, may parang nakasabit na lambat sa ceiling tapos rinig na rinig mo yung paghampas ng bawat alon galing sa beach. Ilang meters lang siguro ang layo ng restaurant sa beach mismo kaya pati simoy ng hangin, amoy dagat din.

  

"Ohh. May inorder na ba kayo?" Tanong ni Arci nung makaupo kami. 

  

"Wala pa naman. Kadarating lang din namin actually.." Sagot  ni Kara. 

"Osige. Hmm. Anong gusto mong kainin?" Humarap sakin si Arci sabay harap din sakin nung menu. 

  

"Ano bang masarap dito? Hehe."  Siyempre mag tatanong ako. Clueless ako sa kung anumang specialty dito eh haha!

  

"Siguro seafood kasi malapit tayo sa dagat." Sabi niya. 

  

"Hmm. May pusit ba diyan?" 

  

"Meron naman ata. Tingnan natin.." 

  

Matapos nun, nag scan kami dun sa menu hanggang sa lahat kami, nakapili na ng oorder-in. Nakahanap ako ng calamari tapos yung inihaw na pusit naman kay Arci. Sila Kara, umorder ng gambas tyaka inihaw na bangus. Si Ms. Jean, kumuha ng seafood jambalaya. 

  

Kumuha din sila ng ilang drinks. Nag beer si Kara. Kaming apat naman, nag Martini lang.

Nagkukuwentuhan kami habang nag hihintay sa pagkain. Kinukwento ni Arci tyaka ni Kara yung childhood nila. Inaasar pa nga ni Kara kung gaano daw ka spoiled si Arci nung bata siya.

"Sus. Kung alam niyo lang. Lahat ng gusto niyan ni Arci nun, nakukuha niya. Isang iyak lang niyan, ayy naku. Nagkakanda ugaga na yung mga magulang niyan para magrant yung wish niya. HAHA!" Kuwento ni Kara.

"As if ako lang? Ehh mas malala nga sa'yo eh. Halos kalahati ng laman ng game room dun sa bahay ni Lolo, ikaw ang may-ari. Ikaw, isang pitik lang ng kamay mo, andiyan na gusto mo. Hindi mo na kailangang umiyak tulad ko. Haha!" Ganti naman ni Arci. 

  

Kaming dalawa ni Kim, tumatawa-tawa lang sa kanilang dalawa. Nakakatuwa kase silang panooorin. Parang bata lang ulit. 

  

"Hay. Wag na kayong mag-away diyan. Alam naman nating lahat na pareho lang talaga kayong spoiled. Ikaw, Kara, meron kapang taga-punas ng sipon mo. Ikaw naman Arci, meron kang taga-punas ng laway mo. Lahat ng  gusto niyong dalawa nasusunod nun. Ayy naku. Haha!" Kuwento ni Ms. Jean.

Tinuloy pa niya.

  

"Naaalala ko noon, nakuwento na lang saakin nung nag-aalaga kay Arci nun. Madalas daw siyang umihi sa kama niya pag tulog nung bata pa siya. Ayy. Malaking problema yun kasi mula bed sheet hanggang kutson niya, kailangang labhan at linisin. Kaya nung matapos nung unang incident nan nangyari 'yun, nilagyan na daw nila ng malaking plastic yung tinutulugan niya para kahit umihi, yung sapin na lang yung kailangang labhan."

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now