Chapter 17

10.6K 203 20
                                    

Arci's POV

Nung makasakay kami sa sasakyan, nagbigay ng instructions si Kamille kung saan dadaan papunta sa gusto niyang puntahan. Ayaw niyang sabihin kung saan mismo para daw surprise. Mawawalan daw ng thrill kung malaman ko agad kaya hindi na ako agad umangal.

  

Medyo matagal yung biyahe pero tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Patango tango lang o pailing iling kapag may tinatanong. Hmm. Tapos ang layo pa ng tingin. May problema kaya siya?

  

"Wui. Okay ka lang ba?" Tanong ko nung mga 30 minutes na kaming on the road pero di pa rin siya nagsasalita.

  

Tumango siya. 

  

"Sigurado ka?" Tanong ko pa ulit. 

  

Tango ulit. 

  

Hinayaan ko na lang siya pagkatapos nun. Baka pagod lang o may iniisip. Nagtuloy tuloy kami papuntang south. Mga isang oras ang lumipas nung sinabi niyang lumiko kami sa kanan tapos mag tuloy tuloy ulit. Pinatigil niya sa tapat ng isang museum. Music museum to be exact. Nagiisang structure lang 'to. Wala siyang katabing building at parang isolated siya. Medyo mataas yung lugar kung nasan kami kase paakyat yung daan namin kanina. Siguro ay merong isang kilometer both sides nito bago ka makakita ng ibang building.

  

"Mag park ka dun sa basement parking. Ayun oh. Dun tayo.." Tinuro niya yung entrance.  

  

May mga guard na nasa harap. Meron ding parking attendant at Valet driver kung gusto mong sila na lang ang mag park. Para ngang kilala nila si Kamille kase ang friendly nila sa kanya na para bang winewelcome nila ulit siya. Siguro nga madalas siya dito. Sabi ni Kamille, kami na lang daw yung mag park. Mag tuloy tuloy daw kami dun sa dulo ng basement parking. 

  

Sa isang corner kami nag park tapos pagkababa ay nag tuloy tuloy ako papunta sa elevator para makaakyat na kami pero hinila niya yung kamay ko.

"Wag ka diyan. Dun tayo ohh.." Tinuro niya yung isang pinto sa tabi nung sasakyan kung san nakapark.

  

"Ha? Ano gagawin natin diyan?" Nagtataka kong tanong. Hindi ata kami tutuloy sa museum? Ehh san naman kami pupunta?

  

"Basta. Tiwala lang. Halika na. Dali. May hinahabol tayo ehh." Sabi niya sabay hatak ulit sa akin.

  

Sumunod na lang ako sa kanya. Pero hindi ko talaga mapigilan yung sarili kong mag tanong.

  

"Huy. Baka mapagalitan tayo dito? Sure ka bang pwede dito? Baka mahuli tayo nila Manong Guard."

  

"Hindi yan. Kilala na nila ako. Alam nilang dito ako pumupunta.." Sabi niya. Kaya hinayaan ko na lang siya na hatakin ako.

  

Pagbukas ng pinto may hagdan pataas. Umakyat lang kami ng umakyat hanggang sa dulo. Sa tingin ko nasa likod kami ng museum. Tapos dun sa likod ng building may hagdanan ulit na bakal na nakakabit sa pader. Inakyat ulit namin yun. Saka ko napansin na mga 300 meters na lang pala ang layo ng building na 'to sa isang bangin. Edi ibig sabihin parang nasa gilid 'to ng bundok? Ang ganda naman ng pagkakagawa. 

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now