Chapter 27

9K 125 3
                                    

Kamille's POV

Nagising ako sa mahinang tunog ng paghinga ni Arci sa may leeg ko. Dito siya natulog kagabi kasama ko kase namimiss na daw niya ako..

Hehe. Namimiss ko na din siya. Sobra. Madami siyang inaasikaso at iniintindi ko naman pero gusto ko siyang masolo.

Kahit isang araw man lang.

Naramdaman kong mas hinigpitan niya yung pagkakayakap nung kanang braso niya sa akin. Pilit niya pang siniksik yung mukha niya sa may leeg ko.

Hayy. Masarap sa pakiramdam na andito siya katabi ko. Kahit na medyo mabigat yung kamay niya dahil sa semento na di pa naaalis.

Tuwing nakikita ko siya na nahihirapan maglakad o humawak ng mga bagay bagay, di ko maiwasan na maguilty.

Para bang yung konsensya ko sumisigaw tuwing nakikita ko siyang nahihirapan.

"Hmm. Gising ka na agad?" Biglang nag salita si Arci.

Nagulat ako kase hindi siya gumalaw o umalis sa puwesto niya.

"Nagising ba kita?"

"Hindi naman.."

Nakikiliti ako dun sa hininga niya na dumadampi sa leeg ko. Hihi.

"Antok ka pa po?" Tanong ko sakanya.

"Hm-hmm.."

Hindi na ako nag salita pakatapos nun. Alam ko naman na kulang siya sa tulog at pahinga.

Mamaya nga, maaga nanaman siyang aalis at may meeting daw sila ni Ranz kasama ng mga taong di niya kilala.

Masaya ako na ayos sila ng kapatid niya pero natatakot ako sa pamilya niya. Lalo na kay Ranz. Hanggang ngayon kase, hindi ko maalis sa isip ko yung mga salitang binitiwan sa akin ni Ranz nung madaling araw pagkatapos maaksidente ni Arci.

Mga salitang bumuo ng doubt sa isip at puso ko tungkol sa amin ni Arci.

Hindi ko alam kung ano ang purpose niya bakit niya sinabi yun.

Kasalanan ko naman at di ako nakinig kay Kara nung pinauwi niya na ako. Alam kong gusto niya akong protektahan pero di ko siya sinunod.

Ang tigas kase ng ulo ko.

*Flashback*

"Layuan mo na si Nicolai. Wala ka namang mapapala sa kanya. Hindi lang ako ang mababangga niyo kapag itinuloy niyo pa yan. Pati ang pamilya namin babanggain niyo! Si Dad. Kakayanin mo ba yun ha?"

"Mahal ko ang kapatid mo. Bakit ba noon pa pilit mo na kaming pinag hihiwalay ha? What's in it for you?"

Andun ako sa labas ng pinto ng kwarto ni Arci nun. Nag pupumilit akong pumasok nung una pero naunahan ako ni Ranz. Lumapit siya sa akin saka ako hinila at inilayo sa pinto.

Inupo niya ako sa isang bench saka ako kinausap tungkol sa amin ni Arci.

"Marami kang hindi alam. Maraming problema si Nicolai. Hindi mo kailangan pag daanan yun. Masasaktan ka lang. Itigil niyo na kung anuman ang meron kayo kase hindi naman magkakaron ng happy ending to!"

"Kahit hindi happy ending basta ba kasama ko si Arci sa huli. Kahit na puro problema basta ba katabi ko siya at kasama ko siyang haharapin yung mga yun. Ayos na ako sa ganon. Intindihin mo na mahal na mahal ko siya higit pa sa inaakala niyong lahat! Nag hintay ako ng matagal na sana bumalik siya para sa akin! At natupad yun. Kaya kahit ano pa man yun, kakayanin ko!"

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now