advertisement. (overloaded w/ .......)

6.8K 83 20
                                    

Ano ba yung basehan ng pagmamahal ng tao? 

Yung kaya niyang ibigay para sa taong mahal niya? O yung hindi niya kayang ibigay?

  

Pano kapag tinanong sayo yun? Ano isasagot mo?

  

In a flick of a finger siguro yung una yung pipiliin mo. Ako kase yun ung una kong pinili ehh. Yung lahat ng pwede mong ibigay sa taong mahal mo, yun yung ibbgay mo sa kanya. Yung kailangan niya.. Yung makakabuti sa kanya.. Yung makakapagpasaya sa kanya.

  

Ano nga ba talaga yung meaning ng "kaligayahan ng isang tao"?

Para sakin.. Yung kaligayahan ko lang naman is matupad yung binuo kong pangarap. Yung binuo NAMING pangarap. Ang kaso.. Pano kapag yung taong kasama mong bumuo ehh siya yung nawala ? Sino nang bubuo? Ikaw? Ehh para sainyong dalawa nga eh. Panong ikaw lang? -____-

  

Alam niyo yung masakit? Yung wala akong mapaglabasang ibang tao nito sa personal kase wala naman talaga akong friends. Yup. Wala talaga. Wala naman akong taong matatawag na bestfriend o kindered spirit na anytime ehh pwede kong iyakan o pwede kong dramahan. 

  

Hindi kase ako yung tipo ng tao na friendly. Wala talaga sa ugat ko yun. Mabait ako kapag inapproach moko. Mabait ako kapag humingi ka ng tulong sakin. Pero yungako yung hihingi? Or ako yung mang aapproach ng ibang tao? Wala talaga sa dugo ko yun. Kaya dito ako sa wattpad nag lalabas ng sama ng loob .. o ng kaligayahan. 

  

Sympre yung tipo ng mga problema ko.. Hindi naman pwedeng ihandle ng mga tao dito sa bahay.. Kase mapapatay talaga ako pag nagkataon.

  

Pero anyway..

  

Pano na nga yun? Pag ikaw nalang magisa para ipagpatuloy mo yung pangarap niyong dalawa? Pangalanan natin siyang B. Ikaw si A. :)

  

Imaginin mo.. Masaya kayo ni B.. Naglalakad kayo sa kalsada tapos holding hands pa ohh. Nagkwekwentuhan.. Tawa lang ng tawa.. tiyaka minsan asaran.. Tapos foodtrip pa.. Parang si Kamille at Arci lang.

  

Tapos pagkauwi sa gabi.. Tatawag sayo si B.. Agad namang sasagot si A wala pa nga yung isang ring. Masaya parin kayo sa kwetuhan hanggang malapit nang matapos yung gabi. Magmamadaling araw na. Habang tumatagal pa yung oras na nagkakausap kayo.. Unti unti nang nagbabago yung usapan.

  

Kanina tawa tawa at joke joke lang kayong dalawa. Ngayon unti unting nagiging seryoso yung usapan. Medyo naasar kana kase miss mo siya at gusto mo lang makipag lambingan. Pero unti unti ay nag eevolve yung usapan niyo sa away.

  

Yupp away.

  

Tapos maya maya pa.. Nagkakasagutan na kayo. Hindi mo na malaman yung gagawin mo kase wala ka namang intensyon na makipag away sakanya. Gusto mo siyang amuhin. Gusto mong lambingin. Sasabihan mo siya ng iloveyou pero wala kang makukuha pabalik. Unti unti ka na ring naaasar. Pero hinahayaan mo lang. Kase nga miss mo siya. At nasasayang ka sa bawat minutong nawawaldas sa pag aaway kung pwede namang gamitin sa paglalambingan. Pero wala talaga.

  

Hanggang sa hiningi niyang iwan mo siya. O kaya naman hanggang sa hiningi mo na iwan ka niya. 

Pero tingnan muna natin yung possiblity nung una.. Siya yung humingi na iwan mo na siya..

  

Ano yung sasagot mo? Papayag ka ba? O hindi?

  

Pano kung mahal mo talaga siya? Mahaba na yung pinagsamahan nyo at marami ka nang naisacrifice para lang mag tuloy tuloy yung sainyo?

  

Papayag ka?

  

Pano kung mag makaawa siya? Paano kung yun na yung gusto niya?

  

Ehh dun sa ikalawang possibility?

Pano kung ikaw yung humingi nun?

Gugustuhin mo bang pumayag siya? Pano kung hindi? Pero pumayag siya?

  

Paano kung nagmakaawa ka khit dmo naman pala gusto? Pano kung iniisip mo na magiging masaya siya kung mawala ka na?

  

Pano kung mahal na mahal ka pala niya?

  

Gugustuhin mo ba talaga na iwan ka niya? Kahit na mahal na mahal mo rin siya? 

  

Ohh ngayon. Ano ang batayan ng pagmamahal?

  

Yung kaya mong ibigay? O yung hindi mo kayang ibigay?

  

Yung kaya mong ibigay yung hinihingi niyang kalayaan? Kase iniisip mo na magiging masaya din siya dun? Without knowing kung ano ba talaga yung nasa loob niya nung hiningi niya sayo yun?

  

O yung hindi mo kayang ibigay na kalayaan kase hindi mo siya kayang pakawalan? Iniisip mo ba na bka tinitingnan niya kung hanggang san yung kaya mong hawakan sakanya? Kung san ka bibitaw? Hindi mo siya kayang mawala kase mahal mo siya at naniniwala kang mahal ka din niya?

  

Ano ba dito yun tama? :(

  

____

a/n: singit lang po. Kase gulong gulo talaga utak ko kailangan ko ng mapaglalabasan. salamat..

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें