Chapter 28

7.7K 138 8
                                    

Arci's POV

Lahat ng sinabi ni Kara, may punto. At lahat ng puntong yun, tumatama sakin na parang mga maliliit pero madami at matutulis na tinik. Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi rin ako makagalaw ng maayos. 

  

Isa pa tong mga sementong bumabalot sa braso tiyaka binti ko. Kelan ba to pwedeng maalis? Argh! 

  

Ganito pala. Yung parang nakakulong sa isang dome na wala kang magawa kung hindi maghintay. Binabaha yung utak ko ng lahat ng anxiety ko sa buhay. Tama si Kara. Madami akong kailangang pag ingatan. 

  

Priority ko si Kamille. 

  

Ano nga ba ang motibo ni Ranz? Bakit ngayon tinutulungan niya na ako? Sabi niya, madami siyang nalaman na naging dahilan para kalabanin niya si Dad. Pero ano yung mga yun? At tiyaka, bakit ako pa? Bakit kailangan tulungan niya pa ako? Kaya naman niya si Dad eh. May sarili na siyang buhay pero bakit sinasangkot niya pa yung sarili niya sa problema ko?

  

Baka naman concerned lang talaga siya? 

  

Ohh meron pang mas malalim na dahilan? 

  

Haaaaayyyy!! Ang gulo ng utak ko.

  

Naiwan ako dito magisa sa coffee shop at eto naging resulta. Kung siguro mag isa ako sa loob ng isang araw, mababaliw ako kaiisip ng kung anu-anong mga bagay. Nakakafrustrate.

  

Mag aalasingko na at malapit na din yung labas ni Kamille. Magaabang na ako sa tapat ng office nila. 

  

Crutches, lakad, lakad, lakad. 

  

Hayy. Pati pagsakay sa sasakyan pahirapan pa. -_____-

   

Ilang minuto lang kaming naghintay sa harap ng office nila Kamille bago siya lumabas. Dumeretso na kami sa condo niya para makapagpahinga na daw ako. Hayy. Ang dami kong gustong itanong sakanya. Kaso hindi ko magawang buksan yung mga yun. 

  

Kase siyempre, pagod siya sa work. And halata naman na good mood siya. Baka naman masira ko yun diba? Ayoko yun. Gusto ko happy lang siya. 

  

Kaso, ang dami nga talaga bumabagabag sa utak ko. Di tuloy ako mapakali. Nahihirapan akong makinig sa kuwento niya. Di ako makatawa ng maayos sa mga joke niya. Hayyy. Sigurado makakahalata na to. 

  

Kumakain kami ng dinner nung biglang.. 

  

"Okay ka lang? Parang may sakit ka ata?"

  

"Ahh-eh wala po. Hmm. Kain ka pa.." 

  

"Kanina pa tayo kumakain ehh. Tingnan mo halos ako lang kumain. Ikaw, di mo nakakalahati yung food mo."

  

"Hmm. Busog lang. Heheh. Diba kumain kami ni Kara?"

  

"Nagkape lang kaya kayo. Kaya nga coffee shop diba? Tiyaka cake lang naman makakain mo dun. Kailangan dinner pa. Yung healthy. Masama ba pakiramdam mo?"

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant