Chapter 5

11.1K 186 2
                                    

Kamille's POV

Naiwan akong nakatayo.

Unti unti ko nang naramdaman yung init ng mga patak ng luha na gumugulong sa pisngi ko. Bakit kasi naging ganun? Hayy!

Flashback

"Ang lupit naman ng ginawa mo.. Di mo siya dapat bigla biglang iniwasan. Mas mahihirapan ka lang niyan ehh. Pareho lang kayong mahihirapan.. Siyempre iisipin niya na magkaibigan na kayo tapos bigla kang mag gaganyan. Ano na lang papasok sa utak nun?"

Sabi ni Rachel sa akin pakatapos nung araw na tinanggihan ko si Arci sa lahat ng approach niya sa akin.

Nag desisyon kasi ako nung araw na yun na iiwasan ko talaga siya. Kaya nga hindi ko na siya hinintay sa labas at agad nang pumasok kasama sila Rachel.

Sinadya ko talagang gawin to na walang pasabi. Ehh ano bang sasabihin ko kung ipapaalam ko sa kanya? Edi magiging useless yung pagiwas ko kung sasabihin ko din diba?

Pero nakokonsensya ako. Hayy. Try outs nila ngayon. Ni hindi ko alam kung papasok ba ako. Hindi naman ako nag lalaro ehh. Pero si Rachel oo.

At isa pa.. kinakausap ako ni Rachel ng paulit ulit na sabihin ko na lang yung totoo.

Medyo naging iba na kasi si Arci mula nung di ko na siya pinapansin.

Nung time na medyo naging close kami, di na siya masyadong taas noo. Nakikipagusap na din siya sa iba. Ang dami ngang nakakapansin ehh. Pati si Grace at Lian. Pag magkakasama kami, napaguusapan nila yun.

Pero mabilis lang nagbago at bumalik sa normal ang lahat.

Yung normal na laging silang dalawa lang ni Kara. O kaya naman makikita mo na siya lang mag isa. Lalu na nung inaasikaso niya yung para sa try outs ng section namin..

Ngayong umaga, tinadtad na ako ni Rachel ng messages na kausapin ko na daw si Arci. Tutal naman daw sa badminton siya mag ttryout.

Iniisip ko naman.. Ano bang sasabihin ko? Na sorry kasi iniwasan ko siya? Pano na pag tinanong niya bakit?

Ugh! Di na lang ako papasok. Ano bang mababago? Pag nalaman niya iiwas din naman siya. Ano pang sense?

"Hindi Rachel ehh. Ano pa bang dapat niyang marinig?"

Yan ung sagot ko kay Rachel nung kinakausap niya ako..

"Sabihin mong mahal mo siya.. Malay mo magbago ang lahat.."

Nakayuko ang bestfriend ko. Alam niyang malabo din yung sinasabi niya.

Nung di na ako kumibo.. Niyakap na lang niya ako..

Di na ako papasok. Hahayaan ko na lang yung mga bagay bagay..

END OF FLASHBACK

Pero bakit ba kasi ako andito kung yun ung napagpasyahan ko kanina?

Ang dahilan..

Naisip ko kase kung iiwasan ko siya ngayon.. Di ko malalaman kung ano ba talaga ang mangyayare. Di ba?

Kung naman sasabihin ko sakanyang unti unti na akong nahuhulog sakanya.. Malalaman ko kung anong magiging reaction niya..

At kung iwasan man niya ako..

Parang back to option 1 yun..

Wala namang mawawala diba?

Nung na realize ko yun, dali dali akong pumunta ng school deretso sa gym.

Pero ayan na nangyare.. Ano pa bang iniiyak iyak ko ngayon? Di ba alam ko naman mula't sapul, ganito talaga ang mangyayari?

_________

Arci's POV

Diko na alam kung san ako pupunta. Pero pinabilis ko ang takbo ng sasakyan ko. Hindi ako sumunod sa route ng pauwi sa amin. Ayoko pang umuwi. Pero di ko din naman alam kung san ako pupunta ehh. Ayoko na din naman sumunod sa get together ng mga badminton players.

Ugh!

Ang gulo ng utak ko. Hanggang ngayon di pa din nawawala yung bulong sa utak ko..

"Arci. I thing I'm falling for you.."

Nakakainis!

Kung ganun talaga yung nararamdaman niya bakit siya umiiwas?

Pero bakit ko ba pinoproblema to?

Bakit nagagalit ako?

Nakakainis din naman kasi ehh. Bakit di na lang niya sinabi agad agad?

Pero bakit ba ako lumayo? Bakit gusto kong lumayo?

Di kaya naisip niya na lalayo ako pag nalaman ko kaya umiwas na lang siya? Pero bat sinabi niya na?

Bakit ba inaalala ko pa to? Saka bakit ganito nararamdaman ko? Bakit parang di naman ako narindi sa sinabo niya? Bakit di ako natakot?

Lumayo lang naman ako kase naiinis talaga ako ehh. Na umiwas siya pero ganun pala nararamdaman niya?

Bakit parang nakakaramdam ako ng ganito?

Bakit parang...

nakakaramdam ako ng..

Saya?

____________

a/n: maiksi lang tong update. hehe sorrryyyyyy. pero susundan ko to agad. meron nang nkready pero parng inappropriate na isama sa chpter na to.. hehe. thaaaaanks sa support. vote and comment and promote guys please hehe.  thnkss!

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now