Chapter 6

12.2K 173 0
                                    

Arci's POV

Ayoko pang umuwi.. Madilim na pero di pa talaga pumapasok sa isip ko ang pag uwi.. Wala pa nman sa bahay sila Dad. Next week pa ata ang balik nila sa bahay.

Tumawag ako sa bahay para ipaalam na hindi muna ako matutulog doon. Nakakabanas lang dun saka wala akong gagawin pag umuwi ako. Sa dami ng tumatakbo sa utak ko, baka naman mabaliw ako pag walang distractions..

Naisip kong tawagan si Kara para yayain siyang pumunta sa bahay ni Lolo sa probinsya. Tutal friday naman ngayon at walang pasok sa monday dahil sa isang holiday.. Para naman makapag unwind ako.

Mga 4 hours galing dito sa city namin pauwi sa probinsya. Inabot na ako ng 8 pm paikot ikot lang at kung aalis kami ng bandang 9, dadating kami dun, madaling araw na. Pero ayos lang yun.

"Hello. Kars, uwi tayong probinsya. Game ka?"

"Kelan alis?"

"Ngayong gabi na.."

"Ha? Ambilis ahh. hmm. Tingnan ko ah.. Sakto pala.. Tumawag sila Kel kanina. Sunod sunod silang lima.. Pauwi daw silang lahat. Lapit na daw kasi yung anniv nating magbabarkada.. saka di ka daw smasagot sa phone mo.."

Oo nga pala.. Sa monday na. June 28. Taon taon silang umuuwi pag ganun. Lahat ng parents namin alam yung event na to. Okay lang naman sakanila kase magkakakilakilala naman sila.. And taon taon, sa bahay ni Lolo kami nag cecelebrate..

"Ahh. Oo nga pala. Oh ano sabi?"

"Tinanong nila kung sa probinsya pa din daw.."

"Oo sige. Tutal pupunta na tayo ehh. Kelan daw dating nila?"

"Bukas daw dating nila. Mag kikitakita sila sa airport tapos pupunta na sila dun.."

"Ahh okay sige.. Oh ano.. Punta na ako sainyo ah?"

"Okay sige. I'll be ready in half an hour.."

I ended the call.

Ayos na lahat. Grabe ah.. Sa dami ng iniisip ko at ng mga nangyari, diko namalayang anniv na pala namin sa monday.. Dadaan muna ako sa bahay para makapag handa ng mga damit ko.. Saka ko dadaanan si Kara sa kanila..

Pinaharurot ko na yung sasakyan pauwi sa amin..

____________________

Kara's POV

Hayy. Inat inat.

Sakit ng katawan ko. Kakapagod yung try outs ngayon ah. Parang nilaro lang namin kase kilala naman na din namin yung papapasukin. Kaya nga wala nang masyadong nag tryouts sa bball women's.. Tapos wala din yung mga lalaki dahil sa ibang court sila naglaro. Hindi din sila kumuha ng bagong players kase kumpleto pa sila.. Nag aayos na ako ng gamit ko ngayon sa shower room ng gym.. Umalis na yung mga ka team ko. Kakain daw sila sa labas pero uuwi na ako para magpahinga.. Naka alis na siguro sila Arci.. Andito na sa locker naming dalawa yung mga gamit niya ehh..

Naglakad na ako pababa at pumunta na ng parking lot. Kaninang bago ako maligo ay tadtad ng missed calls yung phone ko galing kila Kel, Remy at Ricci. Mga kabarkada namin ni Arci mula bata.. Kaya tinawagan ko na. Ayun nagyayaya. Pero di daw sumasagot sa phone si Arci.Napansin ko din na malapit na yung anniv pero di pa nagyayaya si Arci.. Ano kayang meron?

Hayy. Anlayo naman ng parking lot. Bat kase nasa dulo yung gym? -.- Si dad may kasalanan nito ehh..

Lakad pa.. Hanggang sa natatanaw ko na yung Students' Gate.

Paglabas ko ng gate, nakita ko si Kamille na kasama si Rachel sa isang bench na malapit sa sasakyan ko..

Teka.. Si Kamille? Tiningnan ko yung phone ko.. Going 7 na ah.. Ano pang ginagawa nila dito?

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now