Chapter 7 - Part 2

11.5K 191 7
                                    

Kamille's POV

Habang naglalakad kami pababa.. Di ko maiwasang isipin kung ano ba talaga ang tingin sa akin ni Arci. Kung ano ba ako sa kanya.

Kaibigan ba? Mahal niya ba ako? Sweet siya. Yung kalahating araw na magkasama kami.. Sobrang caring siya. May mga kinikilos siya na nag papahiwatig na mayroon din siyang nararamdaman sa akin pero.. Meron nga ba talaga?

Paano niya kaya akong ipapakilala sa mga kaibigan niya?

Kinabahan akong bigla.. Nasa 3rd floor ang game room.. At nasa 2nd floor na kami ngayon. Kung gaano kabilis ang pag baba ng mga paa namin sa hagdan.. Ganun din kabilis ang pintig ng puso ko..

Hawak pa din niya yung kamay ko kaya naman medyo naginhawaan ako. Pero di talaga ako mapakali habang iniisip ko yung mga tanong ko..

Nakababa na kami sa first floor at tumigil kami saglit sa last step ng hagdan.

"Huy. Ang lamig ng kamay mo. Okay ka lang?"

"O-oo naman.." Patango tango ako sa kanya.

"Wag kang kabahan. Hehe. Di naman sila nangangain."

Pagkasabi niya nun ay nag tuloy tuloy na kami sa may pinto..

Nung pinihit niya yung lock.. Binitawan niya yung kamay ko.

Parang biglang may kumirot sa puso ko.. Mukhang wala siyang sasabihing extra ordinary sa mga kaibigan niya. Mukhang ipapakilala lang niya ako bilang kaibigan. Nakaramdam ako ng disappointment. Haaayy.

"Ohh. Andito na kayo sa wakas!" Sigaw ni Arci at isa isa niyang niyakap at tinapik yung mga babaeng nasa harap namin. Ang gaganda nila at ang tatangkad. Ang kikinis ng kutis at halatang mga mayayaman talagang pamilya ang pinanggalingan.

"Nicolaii!" Sigaw din nila ng halos sabay sabay.

Nakaka OP. ><

Bakit ba kasi andito ako? Wala naman talaga akong papel dito ah.

Nung matapos ang batian nila.. Napatingin sila sakin.

Nakangiti sila at tinitingnan ako. Mukha nga silang mababait. Pero nacoconscious ako. Di naman kase ako maganda. Hay.. Tapos silang lahat..

Ugh!

Ngumiti na lang din ako ng tipid..

"And this is..?"

Mas nadisappoint ako sa tanong niya. Alam ko na isasagot ni Arci. Napapaiyak ako. Talagang nag expect ako kanina kase hinawakan niya yung kamay ko. Namumuo na yung luha ko nag may naramdaman ako.

Pinulupot ni Arci yung kamay niya sa baywang ko at saka sinabing..

"Kamille. She's Kamille." then she winked.

Walang title kung ano niya ako. Pero the way na idinikit niya yung katawan ko sa kanya by slipping her hand on my waist? That's something that made me smile.

Pumasok na kami sa bahay at tama nga ang hinala ko dati. May kanya kanya silang kwarto dito. Pagkatapos nilang mailagay yung mga gamit sa mga kwarto.. Umakyat sila sa game room at naki jamming sa amin.

Isa isa silang pinakilaka sa akin ni Arci.. Una si Ricci na siya palang pinaka bata sa amin. Di siya gaanong katangkaran. Mas maliit pa siya ng kaunti kay Arci. Pero siya daw ang pinaka matalino sa kanila. 15 pa lang siya pero nakatapos na ng high school at nag aaral na ngayon sa US para matulungan niya sa pag handle ng banking business ang kanyang pamilya. Ang bait din niya. Palangiti at di masyadong nakikisama sa asaran nila Arci. Siguro nga ay dahil mas bata siya sa kanila.

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now