Chapter 18"

8.9K 122 4
                                    

Arci's POV

Nakakabalisa sa work hayy naku. Parang bawat segundo, bawat minuto at oras na malayo ako kay Kamille para bang ginagapang ko na lang yung sarili ko para mag survive. Tatanga kasi ako. Hayy. Di ko ba naman nakuha number niya? Sus. Buong weekend kong kasama yung mahal ko pero di ko nakuha number niyaa? Hayy. Tanga Arci. Tanga!

"Ohh. Ba't po kayo pailing iling diyan? Masakit ba ulo niyo? Inaantok?" Biglang tanong ni Ms. Jean. 

  

Laking ginhawa ko nung malaman kong siya pala magiging secretary ko. Mula kase nung umalis ako papuntang States, wala na kong narinig tungkol sakanya. Nag quit din muna pala siya sa work nung umalis ako at nung nabalitaang bumalik na ako ehh bumalik na din siya sa serbisyo. Medyo tumatanda na siya pero wala pa ding asawa o boyfriend. Niloloko ko nga na baka maging matandang dalaga. Haha!

  

"Hinde. Hindi naman ako inaantok." Tapos ngumiti ako na parang nang-aasar sa kanya. 

  

"Hala.. In love ba alaga ko?" Pinanlakihan niya ako ng mata. Abaa. Bumabawi sa pang-aasar ko. 

  

"Hmm? Kelan pa ba hindi naging in love alaga mo?" Bumelat ako sa kanya.

  

Naging seryoso yung mukha niya. Ha? Anong mali sa sinabi ko?

Then it hit me. Shit. -__-

  

"Totoo ba yung narinig ko? Hanggang ngayon siya pa rin? Nagkita na po ba kayo?" Tanong niya sa akin. Hindi ako makapag salita. 

  

"Kung totoo man, hayaan natin ha? Hindi ko alam kung nagkita na kayo ngayong bumalik ka na. Pero please. Ayoko naman po na may mangyaring masama nanaman sa inyo ni Sir Rivera. Focus on your work. Dadating din ang panahon para diyan." Napatango na lang ako sa sinabi niya. 

  

Of course, tama naman siya. Pano nga ba kung malaman ni Dad? Nakakainis. Bakit sa tuwing makukuha ko yung kaligayahan ko, parang ang bilis lang mahablot sa akin? Kung kani-kanina lang ehh kasama ko siya. Yakap ko siya. Pero ngayon eto nanaman. Anjan nanaman yung possibility na malaman ni Dad. Siyempre iingatan ko diba. Pero tatay ko yun eh. Madaming nakikita yun kahit sa iba, imposible nang makita. 

Back to work na lang kami ni Ms. Jean nung sinabi niya yun. Alam niya ang totoo. Ang guilty kaya ng mukha ko. Pero hindi naman siya mag sasalita kay Dad. Kilala niya ako. Kaya ko naman ibalance yung time ko. Ayaw lang talaga ni Dad kase babae ako at babae si Kamille. Hayy. Hirap. -___-

  

*Toktoktok* 

May kumatok sa pinto sa labas. Tumayo si Ms. Jean para buksan. Narinig ko yung pangalan ko na binanggit nung lalaking kumatok kaya naman pinakinggan ko kung anong pinag uusapan nila. 

  

"Si Ms. Arci po kase. Pinapatawag ni Mr. Rivera. Sa office niya daw. May urgent matter." 

"Oh sige. Sasabihin ko na lang sa kanya. Thank you." Sabi ni Ms. Jean.

  

Pagkasara ng pinto, pumunta si Ms. Jean sa may desk ko. 

  

"Pinapatawag daw po kayo ni Mr. Rivera.."

  

Tinaasan ko siya ng kilay. Saka naman siya nag kibit balikat. 

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now