Chapter 25

8K 106 5
                                    

Kamille's POV

Tatlong araw na simula nung nagkita kami ni Arci dito sa condo. Hindi ko alam kung asan siya. Wala akong idea kung kumusta ba siya o kung ayos lang ba siya.. Kung nakauwi na o kasama pa rin niya si Ranz. 

  

Sa lahat talaga ng bagay na nakakabaog, yun yung naghihintay at di kapa sigurado kung may hinihintay ka nga talaga. 

  

Lumabas ako ng isang beses para maghanap hanap ng mga bagay na pwede kong magawa para mkapagpalipas ng oras o kaya naman makahanap ng mga bagay na pwedeng makatulong kay Arci. Hindi ko nga alam baka pointless yung mga efforts ko kase ni anino niya, wala pa akong nakikita.

  

Napagdesisyonan kong bumili ng keyboard. Yung parang piano na electric tapos maliit lang? Magandang klase naman pero maliit nga lang talaga. 

  

Sobrang tagal ko nang hindi tumutugtog nito. Halos limot ko na nga panong bumasa ng nota. Nanigas na rin yung kamay ko sa tagal ng walang practice.

  

Nag umpisa akong tumugtog, 5 years old. Formally. Kase bata pa ako nun, nandun na yung piano sa bahay. Nagkautak ako, andun na yun kaya naman pindot lang ako ng pindot dun hanggang sa nag 5 years old ako.

Ang turo sa akin mag play ay yung tita ko. Kapatid ata ni Mama yun. Hindi ako sure sa family background niya pero alam ko kapatid siya ni Mama hehe. Madalas siyang pumupunta sa bahay namin noon. Mula grade 1 ako.. tinuruan niya na akong mag play nito. 

  

Tatlong araw sa isang linggo siya dumadating sa bahay noon. Laging may dala ng mga pagkaing pasalubong.. Mga cake at ice cream. Minsan chocolates. Pero habang tumatagal ehh padalang na ng padalang ang pagbisita niya sa amin. 

  

Ang sabi ni Mama ay nagkasakit daw siya kaya naman nanghina na at di na nakakapunta sa amin. Malayo daw kase ang pinanggagalingan niya. Tita Rita ang tawag ko sakanya. 

  

Tumigil na lang akong tumugtog nung hindi na talaga siya dumating. Ilang buwan at taon ko siyang hinintay hanggang sa nawala na lang sa isipan ko.. 

  

Isang araw, may sulat na lang na dumating at nakasulat dun na namatay na daw si Tita Rita. Hindi ko mapigil ang pagiyak ko noon. Kase naging malapit talaga ako sakanya. Para bang naging pangalawang mama? O ate? Kase bata pa siya. O siguro yun lang ang tingin ko. Siguro 20 years ang pagitan namin. 

  

Simula nung nakuha namin yung sulat na yun, hindi na ako ulit tumugtog. Para bang tuwing hahawak ako ng piano keys ay maguumpisa nanamang tumulo ang luha ko. Dito kase nabuo lahat ng kwento na napaguusapan namin ni Tita Rita. Sa harap ng piano. 

  

Ngayon na dumadaan nanaman yung mga daliri ko sa bawat key, para bang nawala lahat ng sakit. Siguro nga totoo yung sinabe nila na time heals everything. Anjan yung memory kung how you felt then.. Pero ngayon na matagal na ang lumipas, lahat ng maalala ko ehh yung saya ng pamilya ko.. Namin ni Tita Rita noon. 

  

Hayy. Bigla ko tuloy gustong umuwiiiii.

  

Unti-unti, nahahanap ng mga daliri ko yung mga dapat pindutin na keys. Bawat pag tipa ko, may mga nostalgic moments akong naaalala. Pero isang piece talaga yung nakapagtrigger ng lahat ng moments noon nung kasama ko pa yung family ko .. Yung Waves of the Danube.

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt