Chapter 9 - Part 2

10.1K 132 0
                                    

Arci's POV

Pagkakita sa akin ni Kamille, she gave me a peck on the cheeks saka niya ako hinila papasok sa loob ng bahay.

Binigyan niya ako ng parang maliit na cupcake saka pinaupo sa sala..

"Jan ka lang. Ipagtitimpla kita ng kape. Alam ko masakit ulo mo.." Tapos binigyan niya ako ng matamis na ngiti.

Pag alis niya ay yun naman ang pagpasok ni Kel..

Tinaasan niya ako ng kilay. I gave her a questioning look.

This is the first time na nainlove talaga ako. Awkward man pero sa babae pa. But then.. Iba talaga ang nararamdaman ko kay Kamille. So yung sinasabi ni Kel is actually right. Hindi ko naman alam kung kaayanin ba ni Kamille yun.. Kung sapat ba yung 'nararamdaman' niya sa akin.

"Ohh. Mainit pa yan.."

Umupo siya sa tabi ko.

"Kainin mo na 'to kase brunch na yung kakainin natin mamaya. Mag luluto pa kami."

Hinati niya sa apat yung cupcake saka sinubo sa akin yung isa.. Tapos pinahigop naman ako sa kape.

Si Kel naman tingin ng tingin. Andun siya opposite ko. Hayyy.

Kinikilig ako masyado kay Kamille. Hehehe. Di ko man masyadong pinapakita perooo.. Oo haha.

Madalang daw akong mag labas ng expression sa mukha. Minsan. Kahit na abot langit na yung tuwa ko, hindi ko naman talaga pinapakita. At nasanay na ako dun. Kahit sobrang lungkot ko na.. Di pa din ako umiiyak.. Kaya kung mapaiyak mo ako? Ibang klase ka..

Hanggang sa naubos ko yung cupcake.. Sinusubuan ako ni Kamille. Saka pinapahigop sa kape.

Masarap yung kape.. Siguro siya mismo yung nag timplaa. Hehehe.

Kami ni Kel at Kara ay umakyat sa game room para maglaro.. Yung iba naman ay nagluluto.

Gustuhin ko man, hindi ko kayang tumulong dun. Medyo masakit pa ang ulo ko at mabigat ang katawan. Mag kakasakit pa ata ako -___-

*bzzt bzzt bzzt bzzt*

Nag vibrate yung phone ko.. Tumatawag si Mama.

"Hello."

"Nicolai.. Kailan ka asap pwedeng umuwi?"

"Bakit po?"

"Urgent matter. Si Kuya mo andito.. Pwede ka bang makarating bukas ng maaga?"

"Uhh.."

"Ok."

"H-ha.."

*toot toot toot*

Wala naman akong response sa bukas ng maaga ahh? -____-

Si Kuya? Matagal nang di pumupunta yung nilalang na yun sa bahay. Ano nanaman kayang kailangan?! Hayy.

Arci Ranz Trevor Rivera.

Yan ang pangalan niya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit may Arci din siya. Well that's a long story..

Ako dapat yung pag takhan niyo kung bakit may Arci din ang pangalan ko.

Recently lang nadagdag sa pangalan ko ang Arci. That's why madalang lang siyang magamit. Mga 3years pa lang siguro.

Ang agwat namin ni kuya ay higit kumulang 6 years. 4 years ago, when he was my age, tinakwil niya ang sarili niya sa pamilya namin.. Siya naman ang lawful heir sa lahat ng ari arian ni Dad. But then hindi niya kinaya ang pressure. Nabarkada. Tinamad sa pag aaral. At may sariling ambisyon. Ayaw niyang hawakan ang kumpanya. Kaya naman galit na galit sila dad.. One day, hindi na lang siya umuwi sa bahay.. Pero hindi tumigil ang parents namin kakahanap sa kanya. Nung nahanap, ayun.. Nag bantang mag papakamatay daw siya kapag pinilit pa.. Kaya naman si Dad hinayaan na lang. He said that one day, he'll come back for help. At tama siya.

Masama ang loob ko kay Kuya. Kahit nung maliit pa lang ako.. Never niya akong kinausap.. Hindi kami nag bobonding tulad ng ibang kapatid. Oo naiinggit ako sa kanya minsan. Lalu na sa freedom niya. Pangarap niyan maging architect. And nakuha niya yun dahil sa katapangan niya. Masaya siguro yun. Pero lahat ng iniwan niyang responsibilidad ay na sa akin na ngayon. Kaya galit ako. Galit ako sa kanya at sa mga magulang ko..

Pano pag ako naman ang umayaw? Lalo na andito na si Kamille sa buhay ko? Pag sinabi kong mag papakamatay ako? Anong gagawin nila?

"Huy. Kakain na daw. Tara na sa baba.." kinalabit ako ni Kara.

Lutang pa rin yung utak ko ngayon na naalala ko yun.. Dinagdagan nila yung pangalan ko kase kung sino man daw ang mag mamana ng kumpanya.. may Arci dapat sa pangalan. Ewan ko ba anong trip yun.

Kain lang ng kain hanggang gumabi pero wala talaga. Hindi maalis sa utak ko na andun si Kuya. Ewan ko ba. Parang kailangan ako dun. -___-

Habang nag hahanda sila para sa kakainin mamayang gabe.. Napagisip kong umalis. Ewan ko ba.

Sa kalagitnaan ng party nung gabi.. Nagpaalam ako kay Kara. Siya na ang bahala kay Kamille.

Pagsakay sa sasakyan, pinaharurot ko agad ito.

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now