Chapter 8

10.7K 164 0
                                    

Kamille's POV

I love you already..

I love you already..


I love you already.


Kahit na malakas ang hampas ng hangin sa mukha ko at naririnig ko ang pag tama ng mga paa ni Star sa naka aspalto nang daan.. hindi pa rin maalis sa utak ko yung sinabi ni Arci.

She loves me already.

So ano kame ngayon? MU? Meron pa bang ganon ngayon? Magulo man.. Pero masaya ako sa sinabi niya.

Sa palagay ko.. Nag iba kami ng route kase kahit nung pinabilis na ni Arci ang takbo.. Hindi na namin inabot yung mga kasama namin.. Hindi na din siya muling nag salita matapos yun. Hindi rin ako sumagot. Ewan ko ba. Parang napipi ako sa sinabi niya kanina.. Pero sa presence lang niya.. Kuntento na ako. Kahit na walang kumikibo sa amin.. Masaya ako na kasama ko siya nung mga oras na yun.

Nang makabalik kami sa kwadra.. Andun na lahat ng kabayo. Nag lakad kami pabalik sa bahay pero hanggang ngayon.. Hindi pa ako kinikibo ni Arci. Is something wrong? Nauuna siya sa akin ng ilang hakbang ngayon at nung nilingon niya ako.. Nakita kong walang bakas ng tuwa sa kanyang mukha. Ang nakita ko lang ay lungkot at panghihinayang sa mga mata niya.

Sa bahay.. Dumeretso ako agad sa kwarto ko at nag shower. Medyo dumikit sa akin yung alikabok nung nangabayo kami. Si Arci naman ay nag tuloy tuloy sa taas. Ewan kung saan. Pero baka sa game room kasi may naririnig akong ingay dun na nagkakatuwaan sila. So baka dun siya pumunta.

Nung matapos akong mag shower at mapatuyo yung buhok ko.. Umakyat na din ako sa taas. Andun sila.. Nagkakantahan.. Inaya nila ako na umupo dun sa parang circle. Meron silang iniinom at nung tinanong ko kung ano yun.. Sabi ni Kel..

"Punch lang yan. Dahil bata pa kayo.. Hehe."

Kaya uminom na din ako..

Nung pinagmamasdan ko sila.. Napansin kong wala si Arci. At sakto namang tanong ni Kara..

"Di ba kayo magkasama ni Nicolai?"

San kaya siya?

"Hmm. Nag shower kase ako bago umakyat dito. Akala ko nauna siya dito?"

"Hindi ehh.."

Tumayo ako at bumaba ng 2nd floor pagkasabi ni Kara nun. Hindi ko alam pero parang may mali. Parang kelangan ko hanapin si Arci.

Kumatok ako sa pintuan ng kwarto niya. Pero bukas pala ito at natulak ko nung sinubukan kong kumatok. Inaasahan kong andun si Arci pero wala siya. San naman kaya yun nagpunta?

Bumaba din ako sa 1st floor. Nilibot ko yung buong baba pero wala talaga. Kahit sa labas ay nag ikot ikot ako.. Wala din naman..

Naisip ko..

Isang lugar na lang ang di ko tinitingnan. 4th floor.

Di ko alam kung anong meron dun pero sinubukan ko pa din.

Pag dating ko sa last step ng hagdan pataas.. tumambad sa akin ang isang pinto. Yung pinto na katulad nung sa main door..

Nakaawang ng bahagya yung pinto kaya naman tinulak ko. Tumingin tingin ako sa paligid. Open space lang dito. Walang bubong. Naglakad ako dahan dahan. Malalim na ang gabi at kitang kita na yung stars sa langit. Ang luwang luwang naman dito.

Pag tingin ko sa kaliwa ay nakita ko si Arci. Nakalukot ang buong katawan niya. Nakapatong yung noo sa tuhod. Nakaupo lang siya sa sahig at medyo nakasandal siya sa doorway.

Umupo ako sa tabi niya at nilagay ang isang kamay sa likod niya.

"May problema ba?" Tanong ko..

Mainit yung likod niya. Para bang pawisan. Pero malamig dito. At ang tanging suot niya ngayon ay manipis na t shirt.

Lumingon siya sa akin mg mabagal. Nakita kong pagod ang mga mata niya. Umiyak ba si Arci? Bakit? Masaya naman kami kanina ah.

"Wala naman.."

Garapal yung boses niya na para bang sumisigaw siya ng walang tigil. Hayy nako. Ano kayang nangyari..

Pinulupot ko ang braso ko sa kanyang baywang at pinasandal siya sa balikat ko.

"Bakit malungkot ka?" Tanong ko ulit.

"Wala naman.."

Ganun ulit ang sagot niya. Hmm. Ano kayang problema ni Arci? :(

Di ako sanay na nag kakaganyan siya.. Mula nung makilala ko siya.. Hindi naman siya nananahimik kung talagang wala siyang dinadamdam o iniisip. At isa pa.. Mag isa siya dito sa taas.

"Alam mo.. Di ko alam kung ano man yan.. Pero tandaan mo andito lang ako sa tabi mo.."

Hingang malalim.

"..mahal kita ehh." dugtong ko.

Umangat yung ulo niya at tiningnan ako. Hinarap niya yung mukha ko at tiningnan ako deretso sa mata.

"Sigurado ka bang anjan ka lang?"

Nabigla ako sa tanong niya. Hindi ko alam kung san nagmula yun pero..

"Oo." Mariin kong sabi sa kanya. Gusto kong maramdaman niya na mahal ko siya. Hindi ko alam kung ano bang nangyari at ganito na lang ako nahulog sa kanya. Walang ka effort effort. Wala man nga siyang ginagawa pero shit. Nainlove ako sa kanya.

Ngumiti siya ng tipid at inalis niya ang braso ko na nakayakap sa kanya.

"Mahal din kita."

Ayun nanaman yung puso kong kumakalabog. Bakit niya inalis yung kamay ko ? <////3

"Pero.."

Parang tumigil yung puso ko bigla.. Mukhang tumigil para pakinggan siya sa kanyang sasabihin.

"Di mo kase alam kung anong pinapasok mo ngayon."

Gumuho yung puso ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun pero nanghina ako. Was that a rejection?

"I should not be emotionally involved with anyone. I should not fall in love.. I should not care for anybody or anything at all."

"Ang heartless di ba?" Dugtong niya.

Parang nabibingi ako. Parang may ng riring na buzzer sa utak ko. Hayy. Akala ko bang masaya siya. Anong nangyayare?

"Hindi ko alam pano kita minahal. There's just something about you that made me fall. Hindi ko sinasadya. Hindi naman sa nag sisisi ako na nainlove ako sayo. Hindi din sa sinasabi ko to bilang pampalubag loob lang. Pero ayoko lang na masaktan ka ng matindi dahil sa akin. Hindi mo alam kung anong mundo ang ginagalawan namin. Okay sana  kung katulad ko si Kara na matagal ng alam ng parents niya.. Pero hindi ehh. Sobrang komplikado nito. Naisip ko na you don't deserve to be involved in such a cruel world like this."

Nanginginig na yung boses niya at nakita ko na umiiyak na siya.

Ipinatong niya ulit yung ulo niya sa tuhod.

Si Arci ay yung taong hindi mo makikitaan ng kahinaan. Yung taong pag tiningnan mo.. Alam mong kaya niya ang lahat. Yung pag tiningnan mo..you will be able to say na she has a perfect everything. Lahat silang magbabarkada ganon ang makikita mo.

Pero yung paningin kong yun ay nagbago ngayong nakikita ko siyang umiiyak ng ganyan. She looks so helpless.

Yinakap ko siya. Mahigpit na mahigpit. Ang alam ko lang ngayon..

"Kahit gaano pa yan kahirap.. Andito lang ako."

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu