Chapter 29

8.6K 131 11
                                    

Arci's POV

"Forget.." 

  

"Look into my eyes and forget."

  

"It wasn't real. Nothing was real.." 

  

Huh? 

  

May naririnig akong boses pero wala akong makita. 

  

"Arci.."  Ayun nanaman yung boses.

  

"Hmm? Asan ka? Sino kaba?"  Sinubukan kong magsalita pero wala akong narinig na boses na nanggaling sakin. 

  

"Forget everything you've seen and you've heard.." 

  

Pagkarinig ko nun, biglang may maliwanag na ilaw na parang tumutok sa mukha ko. Hindi ako makakita. Nasilaw ako sa sobrang liwanag. I blinked hard to adjust my eyes and then suddenly, may lumabas na mukha. 

  

Mukha ng isang babae. Middle-aged na babae. She smiled and beckoned me to come closer. 

  

"Arci.." Iba yung boses niya dun sa naririnig ko kanina. And out of curiosity, lumapit ako sa kanya. 

  

"Arci.." Naglalakad ako ng dahan dahan. 

  

"Arci.." Pero bakit ganun? Parang hindi ako lumalapit sa kanya. Kahit na anong gawin ko, parang hindi ko nac-close yung distance na naka pagitna sa amin. 

  

Tumatakbo na ako ngayon pero walang difference. 

  

"Arci!"

  

"Arci. Gising wuiii. Napano ka?' 

  

Bumungad sa akin yung mukha ni Kamille na parang worried na worried. Wala na yung babae kanina. Hay. Panaginip lang pala. Tsk. 

  

"Okay ka lang ba?" Tanong ulit ni Kamille. Disoriented pa rin ako kaya hindi ako makasagot. Dun ko narealize na init na init pala ako. Basang basa ako sa pawis. 

  

"Hmm. Opo. Okay lang po.." 

  

"Byy nanginginig ka.. Teka kuha akong tubig ha? Higa ka lang diyan. Hintayin moko." 

  

Umupo ako ng maayos nung nagsara na yung pinto. Hindi ko maintindihan yung sarili ko. Hindi naman nakakatakot yung panaginip ko. Pero nanginginig talaga ako. Pinagpapawisan pa ako ng malamig. Todo naman yung aircon. Ugh! Anong nangyayare sa akin? 

  

Natatakot ako. 

  

Hindi ko alam kung saan. O kung kanino. O kung ano. Pero natatakot ako. Kinikilabutan ako pero wala akong idea kung anong dahilan. 

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Where stories live. Discover now