Chapter 25 - Part 2

7.4K 114 0
                                    

Arci's POV

"Kuya?"

"Ohh?"

"Pahiram nga ng phone?"

"Hmm. Anjan sa center table. Teka nga. Tawagan ko si Raj para mabili ka ng phone mo.."

Kinuha niya yung phone saka nag dial at kinausap. Si Raj yung assistant niya ata yun. Sinabihan niya na bumili ng phone tapos dalhin agad dito.

"Thanks Kuya."

Sabi ko tapos ngumiti sa kanya.

Bumalik na siya sa dining table ant nangalikot sa laptop niya. Hayy.. Wala akong magawa dito! Kagabe pa talak ng talak si kuya tungkol sa plano niyang chuchu pero wala akong magets. Wala ako sa mood para sa mga analytical at critical thinking ngayon.

Haay. Kung kasama ko lang sana si Kamille.

"Kuyaa?" Tawag ko sa kanya..

"Ohh? Wag ka mag alala. Dadating na yung phone mo.."

"Hmm. Kuyaa. Kase namimiss ko na si Kamille. Di ba siya pwedeng pumunta dito? O kaya si Kara? Please kuya? Nabobore na ko ehh.." Pag bbaby talk ko sakanya. Minsan lang tong pagkakataon na maspoil ako ng kapatid ko kaya susulitin ko na.. Hahah! So Evil.

"Hindi pwede.. Kase baka pinapabantayan sila or what ni Dad." Sabi niya.

"Hmm. Sige naa? Edii pabantayan mo rin sila using your galamay. Sabi mo marami ka nun?" Alam ko sobra akong nagpapaka isip bata pero well. Ganyan ang nangyayare sakin kapag sobrang nababaog at nayayamot.

"Haayy. We'll see okay? Give it 2 days." Sabi niya na may kasabay na buntong hininga.

"Yaayy! Thanks Bro. You're the best!" Sabi ko sakanya. Saka ako pumunta ng kitchen para mag hanap ng kung anong pwedeng lamunin.

Hmm.. Wala namang bago mula nung huli kong binuksan to.. Punong puno ng milk cartons tiyaka egg. Tapos mga sandwich na ready to eat. Parang nag crave ako bigla sa breakfast food. Kase naman, yung mga kinakain namin dito puro na lang ready to eat na mga pasta.. chicken.. tiyaka mga ewan na pagkain.

Nag umpisa akong mag fry ng eggs tiyaka bacon. Hayy. Saving grace yung bacon. Ang sarap sarap amuyin.

Kahit na mag aalas sais na sa gabi (6pm) ehh walang makakaawat sa akin kumain ng breakfast! Haha.

"Nics. Nagluluto ka? Meron namang pagkain diyan ahh." Sabi ni kuya galing sa dining area.

"Ayoko na ng sandwich. Kakasawa. Isipin mo na lang bayad to sa phone. Hehe."

Nung matapos akong magluto, kumain kaming dalawa ng early dinner.. O breakfast. O breakfast na kinain sa dinner. Hayy. Hayaan mo na. Basta kinain namin yumg bacon. Naghuhugas si Kuya ng plato nung dumating si Raj dala yung phone ko.

"Thanks Raj.." Ngumiti ako sakanya.

Si Raj, mas matanda lang ng konti kay Kuya. Kasama niya na to mula bata. Ang alam ko, anak siya ng isa sa mga maids sa bahay nila Dad nung bata kami. Hindi ko lang sure kung sino sakanila.

Naguusap sila Kuya habang kinakalikot ko yung phone na binigay sakin. Memorize ko yung number ni Kamille kaya tinawagan ko agad.

"Hmm.. Hello?" Sabi ko nung natigil yung pag tunog nung ring.

  

"Sino to?" Sagot nung sa kabilang linya.

  

"Babe! Ako to. Hehe. I missed you so much!" Sabi ko na sumisigaw pero pabulong. Ayokong marinig ni Kuya haha.

  

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora