Chapter 6 - Part 2

11K 199 12
                                    

Arci's POV

Napatulala ako kay Kamille. Imbis na mukha ng bestfriend kong si Kara ang mapansin ko.. Ung kanya pa ang nakita ko.

O.O

"A-anong ginagawa mo dito?" Pautal utal ko pang pag tanong. 

Humarang sa paningin ko si Kara at naramdaman ko nang hinawakan ako ni Kim sa braso.

Ni hindi ko napansin na andun na pala si Kim sa tabi ko at hinahatak na ako papasok sa gate ng bahay ni Kara.

Di ko maipaliwanag kung ano ba talaga ang nararamdaman ko..

Nung nakita ko yung mukha niya, naramdaman ko pa din yung dati. Yung nakakalitong kaligayahan.

Pero nang maalala ko yung ginawa niya sa akin, napalitan iyon ng galit at inis.

Pinaupo ako ni Kim sa sofa at naramdaman kong umupo din siya sa tabi ko. Umupo din si Kara sa kabilang side at humarap sa akin..

"Eto.. Bilang kaibigan, pakinggan mo ang sasabihin ko. Isang beses ko lang sasabihin at di na mauulit pa. Wag kang mag sasalita hangga't di ako natatapos."

Kahit naman di nya sabihin ung huli niyang sentence, di talaga ako makakapagsalita. Ramdam ko pa nga yung bilis ng tibok ng puso ko ehh.

Napagtanto niya siguro na di ako magrereact kaya naman ay nagpatuloy siya..

"Sa sitwasyong 'to.. Wala akong kakampihan sainyo. Hindi din ako mag sosorry sayo kase tinulungan ko si Kamille na alam kong meron kayong di pag kakaunawaan. Pero gusto ko lang makita mo na mas magiging maayos at klarado ang lahat kung mag uusap kayong dalawa ng mahinahon. Sinabi niya sa amin ni Kim lahat. Ngayon it's high time para malaman din namin yung sayo. Basta ako..Kahit ano man piliin mo, tatanggapin ko. Kaibigan kita eh. Kaya wag kang matatakot. Andito lang ako.."

Sinabi niya 'to nang hindi inaalis sa mata ko ang mata niya. Pinatong din niya ang kamay niya sa balikat ko.

Tama siya..

Gusto ko din namang maayos eh. Pero di ako sanay na mag approach sa isang tao. Di ako marunong nun..

"Yan ha? Basta andito lang ako. Tutulungan kita.."

Tumango ako sa kanya.

"Tara kumain na tayo dito. May niluto pa naman si Manang Lydia.."

Ngumiti siya sa akin..

Tumayo na kami para pumunta sa dining area..

Nagsi upo na kami sa table. Magkatabi si Kim at si Kara. Kaharap ko naman si Kara at katabi ko naman si Kamille.

Mabilis lang kaming kumain dahil going 10 pm na at sobrang layo pa ng byahe namin..

Dala ni Kara ung BMW SUV X1 niya dahil kasama niya si Kim at madami silang dala. Ako naman.. dahil akala kong mag isa lang akong mag bbyahe.. dinala ko yung kotse na rinegalo sakin ni Lolo na Toyota 86 na two-door. Binigay niya sa akin to nung una kong biyahe papunta sa bahay niya na naki sakay lang kila Kara.. Akala niya wala daw yung sasakyan ko.

Pero inamin na din niya na reregaluhan naman talaga niya ako. Hehe. Dinahilan lang daw niya yun. Hehe.

Anyways..

Pinilit nila Kara na sa akin na lang daw sumakay si Kamille. Dinahilan pa nila na mag lalabing labing daw sila. Tapos kinindatan pa ako ni Kara nung pag sakay niya sa sasakyan niya..

Kaya eto..

Katabi ko siya sa sasakyan. Agad din siyang nakatulog. Mga after 30 minutes ng byahe.. Nakatulog na siya.

Naging smooth yung drive namin papunta. Hanggang after 2 hours, nagyaya si Kara na mag CR muna at mag kape. Tutal nakalahati na din naman namin yung biyahe.

Nagstop kame sa isang gas station.. Bumili kame ni Kara ng kape sa loob ng convenience store.. Hatinggabi na din at mukhang nag tataka tong mga saleslady kung bakit gumagala pa kame sa ganitong oras na ang babata pa namin. Haha.

Gumising si Kamille nung naramdaman niyang tumigil kami.. Uminom din siya ng kaunting kape galing sa baso ko. Para daw mainitan siya kahit konti.

Di pa kame nag uusap ng maayos pero mejo maluwag na ang nararamdaman ko sa kanya.

Pagbalik namin sa sasakyan, medyo gising na ang diwa ni Kamille.

Bago ko pinaandar yung sasakyan ay nginitian ko siya.

"Gusto mo bang irecline ko yung upuan mo para kumportable kang maka higa?" Tanong ko sa kanya.

"Wag na.." Ngumiti siya sa akin..

Saka ko na pinaandar ang sasakyan kasunod ng kay Kara..

Mga ilang minuto din yun bago binasag ni Kamille yung katahimikan sa loob ng sasakyan ko.

"Sorry Arci.. Natakot talaga ako sa nararamdaman ko sayo kaya nilayuan kita."

Di ko alam ang sasabihin ko kaya naman ngumiti na lang ako ng tipid at tumango tango. 

"Kaso narealize kong sa kaduwagan ko.. Di ko malalaman kung may chance ba tayo o wala talaga.. At isa pa, nasaktan kita sa ginawa ko.."

Tinindigan ako ng balahibo sa sinabi niya. Sa sobrang tahimik sa sasakyan, ang tanging naririnig ko lang ay ang pag ikot ng gulong sa aspalto, ang mabigat na pag hinga ni Kamille at ang mabilis na tibok ng puso ko.

Am I in love with her too?

Kaya ba ako nakaramdam ng kasiyahan nung umamin siya sa akin?

I looked at her.

She's nervous. And beautiful.

Hinawakan ko ang kamay niya na naka patong sa lap niya at idinala ito sa may gitna namin habang nag d'drive.

Ngayon alam ko na kung bakit ganun na lang ka big deal ang pag iwas niya.

Yes. I'm in love with her too

_________________

a/n: yan naa:) hehe. nag kabati na sila sa wakaaaas :) pero pano na kaya niyan ung kinatatakutan ni Kara na mangyre sknila?

hmm. hi readers :) ang siiiilent nyo namn mag basa.. paramdam nman kyo guys ohh ..

anyway thanks pala sa mga ptuloy na dmdming reads. loveyouu :*

Never Let Go - Lesbian Love Story (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن