60.

692 16 0
                                    


Chapter 60


Ashmiya's POV


Three days after that damn incident na akala ko mamamatay na ako. Pakiramdam ko biglang nagbago ang buhay ko. Because look... sa unit ko na rin nakatira si Knight I mean si Calyx!


"C'mon, Ashmiya. Stop glaring at me. Nasa peligro ang buhay mo. You need me." Mas lalo akong nakainis dahil sa ngiti niya na para bang nagsasabi na 'whether-you-like-it-or-not-magkasama-na-tayo-lagi'


Inirapan ko na lang siya saka ko kinuha yung remote ng TV at binuksan.


Pasalamat siya utang ko sakanya ang buhay ko. Ugh, akala ko talaga katapusan ko na nung oras na 'yon jusko buti na lang at nandun siya. Huhuhu! Akala ko talaga mamamatay na ako eh. Di pa nga ko kinakasal tapos wala pa kong anak. Pangarap ko pa namang magkaroon ng pamilya! Huhuhu


"AHHHHHHH!" napasigaw ako nang makita kong napakalapit ng mukha ni Knight este Calyx ughhh Calyx na nga lang! Tutal siya naman talaga si Calyx! "ANO BA?! BAKIT MO GINAWA 'YON?!" sabay binato ko siya ng unan. Tumatawa lang ang loko.


Bwisit! Bumilis ang tibok ng puso ko doon!


"Hahahahaha damn you are so cute, Ashmiya."


"Hmp!"


Tumutok na lang ako sa TV. Bwisit talaga! Akala ba niya maganda yung ginawa niya?! Jusko naman! Hindi ko alam paano ko papakalmahin ang puso ko tuloy! Hindi ba niya alam na hindi pa rin nagbabago ang epekto niya sakin?! Bwisit!!


"Stop laughing. Do you wanna die?!" sigaw ko.


Tumigil naman siya sa pagtawa at sumeryoso ang mukha niya. "If I will die in your hands, I would be glad to."


Ano raw? Iniwas ko na lang ang tingin ko sakanya. Daming alam! Ugh!


Ano bang inaarte mo ngayon ha Ashmiya? Akala ko ba nagdesisyon ka nang ayusin ang lahat? Akala ko ba gusto mo nang bumalik kayo ni Calyx sa dati?


Shut up! Ewan ko! Basta! Hindi ko alam! Bigla na lang nagbago ang isip ko. Sa loob ng tatlong araw napag-isip isip ko na mas mabuting di na kami bumalik sa dati ni Calyx. Siguro hindi talaga kami para sa isa't isa. Saka ikakasal na siya kay Misaki...


Pero natanong mo na ba kay Calyx kung gusto niyang magpakasal kay Misaki? Natanong mo na ba sakanya kung sino ang mahal niya ngayon?


Hindi pa. At ayokong malaman.


"Ashmiya, anong gusto mong iluto ko mamaya?"


Napatingin ako sakanya. Mabuti na lang at hindi siya nakatingin. Busy siya sa iPad niya. Nagmatured lang lalo ang itsura niya pero siya pa rin talaga si Calyx, ang lalakeng minahal ko noon at minamahal ko pa rin ngayon. Siguro kung hindi siya nawala five years ago, masaya kaming dalawa at baka kasal na kami ngayon. Baka may anak na nga rin kami...

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now