15.

717 19 0
                                    

Chapter 15

Ashmiya's POV

Nagising ako sa tunog ng doorbell sa unit ko. Kahit antok na antok pa ko, bumangon ako mula sa pagkakahiga sa kama at bumaba para tignan kung sino ang nagdodoorbell. Hindi ko na pinag-aksayahan pang tignan kung sino yung nasa labas sa screen dito sa may gilid.

"Who's that?" papikit-pikit pa ang mata ko habang binubuksan ko yung pintuan.

"Good morning, Ashmiya!"

OH MY GOD. 

Para bang nagising ako sa nakita ko. BAKIT SIYA NANDITO?!

Sinara ko ulit yung pinto at sumandal ako dito habang nakahawak sa mukha ko. Sheesh, si Calyx este si Shooter este si Knight ba yung nasa labas?! Napalingon ako sa salamin sa may gilid at napatili ako nang makita ko ang sarili ko na gulo-gulo pa ang buhok at halatang bagong gising pa ako.

KILL ME NOOOOOOOOOOOW!

Napatalon ako sa gulat nang magdoorbell na naman siya. Kumaripas ako ng takbo papunta sa banyo at naghilamos ako pagkatapos umakyat ako sa kwarto ko at nagsuklay ng buhok at naglagay nang kaunting lip gloss at nagpalit ng damit kasi naka-pangtulog pa ko.

"Fighting, Ashmiya!" pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko.

Bumaba ako ulit at tinignan ko kung nandun pa ba siya sa labas sa may screen. Nandun pa rin naman siya. I glanced at the wall clock at nagulat ako kung anong oras pa lang.

6:30 am pa lang! Goodness! 

Binuksan ko na yung pinto at nakangiti akong tumingin sakanya.

"Sorry for earlier. Hehe. Nag-ayos lang ako ng sarili ko, nakakahiya naman kasi sayo." Sabi ko.

He chuckled kaya bigla naman akong napaisip. May mali ba sa sinabi ko? O may nakakatawa?

"Let's go," nagulat ako nang bigla niyang hawakan yung kaliwang kamay ko.

"Ha? Saan?" pakurap-kurap kong tanong.

"Jogging." Sabay lakad niya kaya napasunod ako dahil hawak hawak niya yung left hand ko.

Teka, ano raw? Saan daw? Jogging?! Seryoso ba siya?!

I stopped walking kaya napahinto rin siya. Nilingon niya ko kaya tumingin din ako sakanya.

"Calyx este Shooter este Knight, sigurado kang magja-jogging tayo? Paano kung may makakakilala sayo?" Nag-aalala kong tanong.

"Just call me Knight, Ashmiya." Sabay gulo niya ng buhok ko kaya napapikit naman ako sandali. "Ikaw pa lang nakakaalam na ako si Shooter kaya..." he bend down para makatapat niya ang mukha ko sabay lagay ng hintuturo niya sa tapat ng bibig niya "...sssh ka lang ha?"

Kahit na parang hindi ko gets yung sinabi niya tumango na lang ako at nag-umpisa na naman kaming maglakad. Hindi ko maiwasang magtanong kung nananaginip ba ko ngayon o hindi? Kasi he is holding my hand right now. Namiss ko 'tong init ng mga kamay niya. 

I missed him.

Nang makalabas kami ng condo, nag-umpisa na kaming mag-jogging na dalawa. Binitawan na niya yung kamay ko pero hindi siya lumalayo sakin. Kaya naman ang saya-saya ko ngayon. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito siya sa tabi ko. Hindi ako makapaniwala na kasama ko na siya ulit.

"Ashmiya, remember staring is not good. Haha."

Bigla naman akong napatingin sa ibang direksyon at mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko. Sheesh, pangalawang beses na 'tong nahuhuli niya kong nakatingin sakanya ah? If he has his memories right now, hindi ko na kailangan pang magnakaw ng tingin sakanya. Kasi for sure, siya ang titig sakin nang titig.

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum