27.

623 19 0
                                    


Chapter 27

Shai's POV

"Dito ka na lang ba, Shailyn?" 

Bago ako sumagot, inalis ko muna yung pagkakalagay ng seatbelt ko.

"Yeah. Dito na lang. Thanks for the ride, Kris." Nakangiti kong sabi. 

"No problem, Shailyn. Do you want me to wait here? Para di ka na mag-taxi." 

Should I say yes? Baka magalit si Layner, pero ihahatid lang naman ako ni Kris eh. Saka wala naman 'tong malisya eh. Plus, alam naman ni Layner na wala na kong nararamdaman for Kris. Like hello ang tagal na kaya kahit na sabihin pa nating I'm head over heels with him in the past. 

"Wala ka bang ibang lakad? Baka makaabala pa ko sayo. I can ride a taxi naman pauwi." Sabi ko.

"No. Wala akong lakad. Plano ko lang talaga ay magstroll ngayong araw. Nakakamiss ang Pilipinas." Nakangiti niyang sabi kaya tumango-tango naman ako.

"Sabagay. Tagal mo ring nawala. So you are a model there?" pag-uusisa ko.

"Yes. Kaya nga medyo pumayat ako kasi kabi-kabila ang photoshoots. Pero gwapo pa rin naman ako, diba?" 

Napailing na lang ako habang natatawa. 

"Oo naman. Haha. Sige, wait for me here, okay? If you want, balikan mo na lang ako. Mukhang matatagalan pa kasi ako sa loob." Totoo naman, mukhang matatagalan ang magiging pag-uusap namin ni impakta.

"Sige, text mo na lang ako ah? Wag kang uuwi. Ihahatid kita."

Sumaludo ako sakanya nang pabiro kaya natawa siya tapos lumabas na rin ako.

Pagkaakyat ko sa lugar kung saan kami magkikita ni impakta nakita ko na siya na nakaupo at busy sa cellphone niya. Weird because she is smiling. Kung hindi lang siya epal sa buhay namin ni Layner at kung hindi lang siya bitch, sasabihan ko na siya na maganda. Smiling suits her, actually. 

Lumakad ako palapit sakanya. Nang makarating ako sa tapat ng lamesa kung saan siya nandoon, inangat niya yung mukha niya at ngumisi sakin. Umupo na ko sa tapat niya.

"So, anong pag-uusapan natin?" nakangisi niyang tanong.

Nilagay ko muna sa gilid ko yung bag ko. Tapos tinignan ko siya. 

"I only have one question. Yes or no lang ang sagot."

She arched an eyebrow at me. 

"Do you love Nathan? Yes or no?" diretso kong tanong.

I saw her eyes gets big, hindi niya siguro expected na yun ang itatanong ko.

This time ako naman ang ngumisi. "I guess no? Because someone like you doesn't know how to love." Sinadya ko talaga sabihin 'yon, I don't have any choice, do I? Kailangan magising siya sa kahibangan niya. And by provoking her is the most effective way I know.

"You don't know me, so mind your own business, bitch." Kitang kita ko kung paano mawala yung ngisi na kanina pa nasa labi niya. 

Wow, she has guts to called me bitch?

"You are really the best, Natasha. You never failed to amused me. You just called me bitch, eh ikaw nga 'tong bitch sating dalawa. User bitch!" I said habang nakataas ang isang kilay ko at nakangisi.

She glared at me. "What the hell are you talking about? Kung kashitan lang ang sasabihin mo aalis na ko. Sayang lang ang oras ko sayo."

I laughed. "Come on, wag ka naman magmadali. Ngayon lang tayo nagkausap na tayong dalawa lang, alam mo ba 'yon?"

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now