58.

613 14 0
                                    


Chapter 58


Myka's POV


"Kreschel anak, kumain ka na. Tatlong araw ka nang di kumakain." Sabi ni mommy nang umupo siya sa gilid ng kama ko. Pero nanatili lang akong nakatingin sa may bintana.


Para saan pa ang pagkain ko? Umasa akong babalikan ako ni Earl sa loob ng tatlong araw na 'yon, simula nung araw na dinala niya ko harap ng company building nila mommy hinintay ko ang pagbabalik niya. Tandang tanda ko pa ang cellphone number niya pero hindi ko siya makontak, palaging voice mail ang sumasagot.


Earl, nasaan ka ba? Bakit mo ko binalik kila mommy at daddy? Don't you love me anymore? Akala ko ba walang iwanan? Akala ko ba hanggang sa dulo magkakasama tayong dalawa? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit sakin ang ginawa mo? Oo, napakasakit... sobrang sakit na tipong parang sinasaksak ang puso ko nang pagkarami-raming beses. Sobrang sakit na ang lalakeng minamahal ko ang nanakit sakin..


"Anak, kalimutan mo na ang lalake na 'yon." Naramdaman kong hinaplos ni mommy ang buhok ko. Heto na naman siya. Alam ko naman ang totoo, hindi siya nag-aalala sakin. I know that she is the most happy person for what happened between me and Earl. Tutol na tutol siya saming dalawa, remember? Because she said I don't deserve a fucking assassin who only loves money.


Mommy told me na binalik ako ni Earl sakanila after nilang mag-offer ng 100 million sakanya. At first hindi ako naniwala sakanya pero as days pass by... meron nang parte sa isipan ko na gustong maniwala because within three days Earl never try to meet me or talk to me in the phone. Ni ha ni ho wala siyang sinabi.


Pinagpalit niya ko sa pera...


Itinapon niya lahat nang pinagsamahan naming dalawa for a fucking 100 million...


Pinunasan ko yung luha na tumulo na naman sa pisngi ko. Hindi ba ko mauubusan ng luha? Ang hapdi-hapdi na ng mga mata ko.


Mommy sighed at tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kama ko. Maybe, nainis na rin siya dahil sa pagtrato ko sakanya.


"Fine, if you don't want to eat then be it. Wag na wag ko lang malalaman na nagkasakit ka, Kreschel ha. May gaganaping dinner party tayo kasama ang mga Villafuentes, hindi pwedeng wala ka doon. You are just wasting your time for a damn assassin na pinagpalit ka sa pera."


Sana nga magkasakit na lang ako. Pakiramdam ko naman kasi walang saysay na ang buhay ko. I'm not happy anymore, hindi ko na kayang ngumiti kahit pilit lang. How could I smile after what Earl did to me? He left without saying anything, ang masaklap pa bago ang pangyayaring nagpaguho ng mundo ko we are so happy na parang wala nang makakapaghiwalay samin. Pero what now? Damn it. HE FUCKING LEFT ME.


Tama nga naman si Mommy, bakit ko iniiyakan ang isang taong pinili ang pera kesa sa akin? On the first place, hindi ko dapat siya minahal dahil isa siyang mamamatay-tao.


Pinipilit ko ang sarili kong intindihin si Earl, isipin na baka may dahilan siya kung bakit niya ko binalik kila Mommy pero nangingibabaw ang galit sa puso ko. I hate him! Paano niya nagawa sakin 'to?! Paano niya ko nagawang iwan?!

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now