22.

690 17 0
                                    


Chapter 22

Ashmiya's POV

I'm on my way to the Orion Entertainment. May photoshoot ako today, not just me but kasama rin sila Paris, Daphne, Natasha and Nathan or in short the international models who just came back here in the Philippines. Kasama ko rin si Kevin ngayon.

"Wow, Kevs. Bigtime ka na ha. You accepted this big project. This is new! Anong nakain mo? Is it because of Daph?"

"Ash naman, hindi ba pwedeng gusto ko lang subukan?" Napakamot siya sa may likod na ulo.

Natawa ako. "Ang tagal na nating magkakilala. Hindi mo na ko madadaan sa mga alibis mo, Mr. dela Rosa. So, ano na? Balak mo na ba siyang ligawan ha?" Nakangiti ako nang nakakaloko.

I saw him gulped, tensyonado ang bestfriend ko. Seriously? Haha!

"Don't worry," I tapped his shoulder. "I'll help you. I'm your best friend after all."

Hindi naman na siya sumagot pero I saw him smiled kaya napangiti na rin ako. I'm just happy for him dahil finally nakakita na rin siya ng babae na mamahalin niya at mamahalin rin siya. I just hope na si Daphne na nga talaga 'yun. Pero kasi you know what? Pag sumasama ako sa dates nilang dalawa, I can say na bagay sila. Ang cute nilang tignan, as in! Daig pa nila ang mag-jowa. Kaya I'm expecting na sana sila na talaga para sa isa't isa.

Pero... naka-move on na nga ba talaga si Daphne kay Nathan? 

Speaking of that guy, isa pa siya sa mga parang nanalo sa lotto. Every time na makikita ko siya, palaging nakangiti. Remember, his smile is not just like others. He has a smile that can kill someone! Killer smile ba! Ang balita ko, palagi silang magkasama ni Natasha. Kaya ang loko, ayun every day happy! Minsan pa nga tumawag siya sakin tapos kung anu-ano sinasabi tawa na lang ako ng tawa. Ah, naalala ko na. Kasi nung minsan, natulog ata si Natasha dun tapos nanood sila horror movies. Eto palang si Natasha, takot sa mga ganon kaya nung may nagpakita na creepy creature daw biglang umiyak at napapayakap kay Nathan. Tuwa naman syempre si Nathan. Hahaha. Napapamura na lang sa sobrang kacutan daw ni Natasha eh. He really really loves her.

Napatingin ako sa cellphone ko na nagvibrate. Napangiti ako nang makita ko na si Knight ang nagtext.

Knight

Good morning, Ashmiya. Take care! Have a nice day! 

"Para kang baliw. Nangingiti ka na naman."

I pouted. Lakas makapanira ng mood 'tong si Kevin. I looked at him, nakalimutan kong may atraso nga pala 'tong magaling na best friend ko sakin.

"Hoy, may atraso ka pa sakin. Bakit mo sinabi kila Myka na may boyfriend na ko?!"

"Ha? Anong sinasabi mo?" nakakunot ang noo niyang sabi.

"You told them na boyfriend ko si Knight!" 

Hindi siya umimik pero nakangiti lang siya nang nakakaloko. Ugh, this guy!

"Sorry na, Ash. Nadulas ako eh. Haha."

"Psh. Paano kung mahuli nila ako? Paano kung malaman nilang niloloko ko sila?" 

"Then tell them the truth. Sabihin mong si Calyx si Knight. Tapos ang usapan."

I sighed. "Hindi naman ganun kadali 'yon."

"Malalaman at malalaman rin naman nila 'yon sa dulo, Ash. Bakit hindi mo na lang unahan?"

Sinandal ko yung ulo ko sa may bintana at pumikit. 

He is right.

Malalaman rin naman nila ang totoo kahit anong gawin ko.

Shai's POV

Kanina  ko pa gustong manabunot. Naiirita ako na ewan. Nakakainis. Gusto kong manakmal ngayon!

Hubby: Wifey, pupunta si Natasha mamaya. Is it okay?

Wifey: NO

Hubby: Erika, may kailangan lang kaming pag-usapan. Hindi lang naman kaming dalawa eh. Kasama si Clifford, yung bestfriend namin dati. Remember him? 

Wifey: Still NO.

Hubby: Erika naman...

Ang sarap ibato ng cellphone ko! Kanina ko pa tinititigan 'tong cellphone ko na nasa ibabaw ng unan. Hindi pa ko lumalabas dahil tinatamad ako. Mas gusto kong nakahiga at nandito lang sa kwarto. Two weeks na since lumipat ako dito sa unit ni Layner. Oo, dito na ko nakatira. Kaya palagi kaming magkasama. 

He is out kasi sinasamahan niyang bumili ng kotse si impakta. 

Nasabi naman na niya sakin yung plano niya. He wants to clear everything about the bet. Hindi naman ako ganun kasama kasi I feel pity for what happened to Natasha a little bit. Oo, konti lang kasi impakta pa rin siya. Epal pa rin siya sa buhay namin ni Layner. Pero bitch please, wala na siyang magagawa. Layner is mine, lalo na may baby na kami. Back to the topic, isang dahilan rin kaya gusto ni Layner na makausap siya because gusto niyang tumigil na si impakta sa mga ginagawa niya. My hubby is so smart, I don't know who is his source about that game na inumpisahan ni Natasha but all I know is... impakta wants a revenge for Layner and that Clifford kung sino man siya. At eto pa ha, she is using Nathan as a tool for that. 

Isa pang gago't kalahati 'yon eh, hindi ba niya mafeel na ginagamit lang siya ni impakta?! Hello?! Tanga ba siya or what? O masyado lang talaga siyang inlove at napakamanhid at tanga niya kasi di niya naisip na ginagamit lang siya ng babaeng mahal niya. Like duh! As in D to the U to the H! Sobrang imposible naman na magustuhan siya agad ni impakta 'no! Eh alam nga ata ng buong mundo kung gaano siya kahate nito eh, tapos isang iglap na lang nagdedate na sila?! Sarap sapakin ni Nathan! Buti na lang at cutie siya, kung hindi sinapak ko siya agad para magising sa kahibangan.

On that part, I can really say na mas tumindi ang pagkamuhi ko kay impakta pero nang iexplain sakin ni Layner ang lahat tungkol sa bet. I don't know why pero kahit ni katiting hindi ko magawang mainis o magalit sakanya--iba pa rin yung inis o galit kapag umeepal siya sa quality time namin ni hubby ah? Still, impakta pa rin siya.

I decided na I will talk to her. Sasampalin ko siya kung 'yun ang kailangan!

I typed a message at sinend ko 'to sakanya sa Viber. I got her number from Layner's cellphone. My hubby is not that type of boyfriend na naglalagay ng password kaya I can use his cellphone every time I want. Kaya nga, mas lalo akong naiinlove sakanya kasi with not putting password in his cellphone ibig sabihin he is really loyal to me. Gaya nga nang sabi niya, wala akong dapat ikaselos kay impakta o kahit sa sino mang babae. Because I'm the only one for him.

Hey, let's meet. I need to talk to you about somethin'.

After five minutes, nagvibrate ang cellphone ko at I saw impakta's reply.

Who are you? I'm not meeting with someone who I don't know the identity is.

Bwisit 'to! Ugh!

This is Shai. Meet me at the cafe near the Orion Entertainment later! Wag mo kong paghintayin ha! Kalbuhin kita sige! Ciao!

Mas lalo akong nainis sa reply niya. Napakabwisit talaga! Alam na alam niya talaga paano ako inisin! Tama ba namang ang ireply lang sakin ay isang letrang "K" wtf umakyat lahat ng dugo ko sa ulo! Lagot talaga sakin 'tong babae na 'to mamaya!

I smirked. Well, let's see what will happen later. For the record, eto pa lang ang unang pagkakataon na magkakausap kami nang matino. 

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now