9.

816 16 0
                                    

Chapter 9

Paris POV

"Misis, saan mo gusto kumain ng dinner? It's my treat."

Napatingin naman ako kay Jack na nagdadrive habang nakangiti at nakatingin sa daan. Pag nakikita ko siyang ganito, natutuwa ako dahil alam ko na okay na siya. Natanggap na niya ang pagkamatay ng mom niya. Matagal rin bago niya matanggap ang lahat, he breaks down many times kapag nagkikita kami. Isa na rin sa dahilan kung bakit nahulog ang loob ko sakanya dahil marunong siyang magpakatotoo sa nararamdaman niya.

When he is hurt, he really is crying.
When he is happy, he will smile all day.

"Misis?" Pagtawag niya sakin ulit. "Alam kong gwapo ako pero mamaya mo na ko titigan dahil baka matunaw ako, delikado nagdadrive pa man din ako."

Napatawa na lang ako nang mahina dahil sa sinabi niya. Jack will always be Jack, he really knows how to make me laugh.

We decided na sa may sky garden restau kami kumain na dalawa. Nakakaloka nga kasi he even rented the whole restau just for the two of us. Really! Hindi naman niya kailangan rentahan yung buong restau 'no.

"Bakit mo naman nirentahan 'tong buong restau?" Tanong ko sakanya.

"Gusto kasi kitang masolo." Jack said while smiling from ear to ear while looking at me.

"Mr. Ronde, ang oa mo ha. Next time wag mo nang uulitin 'to okay?"

"Why? I can afford it naman. I want to treat you special every day, misis."

"But--" hindi ko natapos ang sinasabi ko kasi Jack covered my mouth with his hand tapos tinuro niya yung sky.

"Night sky is the best. We can see the stars and the moon." Napatango na lang ako sa sinabi niya. I agree, napakaganda nga ng kalangitan ngayon. So many stars and the moon is shining.

"You really love stars, don't you?" I asked him nang tumingin naman ako sakanya na nakatingin pa rin sa itaas. He is smiling. Even his eyes is smiling.

"I really do, misis. Pero don't worry mas love naman kita." Sabi niya pagkatingin niya sakin. Kinindatan pa ko ng loko.

"Fuuu. Dami mong alam." Sabay belat ko sakanya.

"Seryoso. Mas love kita 'no. You are the most important person in my life right now..." hinawakan niya yung right hand ko at hinalikan 'to. "...I don't know what to do if someone will get you away from me."

Biglang nawala ang ngiti sa labi ni Jack kaya bigla rin akong nalungkot. Nakakahawa ang lalake na 'to. When he is smiling, napapangiti rin ako kahit badtrip na badtrip na ko pero kapag masaya naman ako at nakita ko siyang malungkot unti-unti rin nawawala yung saya na nararamdaman ko.

"What are you saying? Sino naman ang kukuha sakin sayo?"

Humigpit yung hawak niya sa kamay ko.

"I dreamt of you getting by a stranger. Iniwan mo raw ako. I beg of you na wag mo ko iwan pero sumama ka pa rin sa stranger na 'yon. I'm so scared, Paris. Natatakot akong baka pagkahatid ko sayo mamaya yun na ang huli nating pagkikita. Natatakot ako na baka pag natulog ako at nagising ako hindi mo na pala ako mahal. I don't know what will happen to me if you will leave me."

Hindi ko alam bakit ganito ang mga sinasabi ni Jack ngayon. Parang nararamdaman ko rin tuloy kung ano mang pangamba ang nararamdaman niya. Saan nagsimula ang pag-iisip niya na 'yon? Of course hindi ko siya iiwan.

How could I leave the guy who saved me from my misery? How could I leave the guy who is always there for me when I needed someone to lean on? How could I leave Jack if by now I don't know how to live without him?

"Jack," I get his attention "...no matter what happen, hinding hindi kita iiwan. You are part of my life now. Kaya please burahin mo na sa isip mo yung panaginip mo. That's only a dream, Jack. Dream. It will not happen. Believe in me."

I'm glad that I made him smile again.

"I'm already hungry, mister. Mag-order na kaya tayo?" Nakangiti kong sabi.

Pagkatapos naming kumain na dalawa, hinatid na niya ko pauwi. Hindi ko na siya pinaakyat pa sa unit ko kasi alam kong hinihintay na rin siya ni Jude, his younger brother.

"Ingat sa pagdadrive ha? Ikamusta mo na lang ako kay Jude." Sabi ko pagkababa ko ng kotse niya.

Lumabas rin siya para lapitan ako.

"That guy is already old kaya na niya sarili niya. Can't I stay for a little bit more?" Nakanguso niyang sabi habang nakapalibot sa bewang ko ang mga kamay niya.

"Mr. Ronde, we will meet each other tomorrow so don't worry. You can call me when you got home. Ikaw na lang ang maaasahan ni Jude 'no. Kahit na malaki na siya, he still needs you. So you better go home." I said at tinanggal ko ang pagkakapulupot ng braso niya sa bewang ko.

I tiptoed at hinalikan ko siya sa left cheeks.

"Good night, mister. Take care alright?" Sabay lakad ko paalis.

Daphne's POV

"I thought you don't like him?!"

Yan ang gusto kong sabihin kay Natasha ngayon. Nandito pa rin kami sa condo unit ni Nathan. Magkatabi kami na nakaupo dito sa may sofa.

"You might kill me with that glares, Daph." Nakangisi niyang sabi.

Mas lalo ko siyang tinignan nang masama.

Nathan is in the kitchen to prepare hot chocolate for me. Yeah, it's only for me mukhang kanina pa silang dalawa na magkasama dito dahil nandito pa rin sa may center table yung mug at cheesecake na di naman nabawasan.

I'm sure kay Natasha dapat 'to but then she hates cheesecake kaya di na nakapagtataka na di niya 'to ginalaw man lang.

"I need to go. Magbabar pa ko." Sabay tayo ni Natasha at naglakad paalis.

Ugh, hindi man lang siya mag-eexplain kung ano yung nakita ko? She promised that he don't like Nathan even an inch pero yung sa nakita ko kanina parang may gusto na siya. Hahalikan na sana niya si Nathan pero bigla siyang napatingin sa pwesto ko at kaagad niya 'tong tinulak.

"Oh, before I forgot that's nothing. You shouldn't be jealous." She smirked before walking away again.

Ha? What? Hindi naman ako nagseselos. Duh. In the first place, wala akong karapatan dahil alam ko na ako ang epal dito. Nathan likes Natasha, that's the truth pero what game Natasha is planning to play this time? Is she planning to play with Nathan's feelings?

"Where is that lamp post?" Napaangat ako ng mukha ko nang marinig ko ang boses ni Nathan na may hawak hawak na mug. Binaba niya 'to sa lamesa before searching for Natasha. "Did she go home? Dammit. She got me. I didn't learn any single thing about that dude." Inis niyang sabi.

Napakunot naman ang noo ko. Who is he reffering to?

Hindi kaya si...

"Daph, do you know who is Clifford?"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sinabi niya.

Of course, I know him. He is the guy who made Natasha for who she is right now.

The guy who changed Magdalene to Natasha.

HFALL II: The Greatest Assassin (Completed)Where stories live. Discover now